6am nagising na si Sarah napansin niya na may mabigat na nakadagan sa kanya. Dinama niya ito. Aba, legs ito ah. Nagmulat siya ng paningin at nakita niya na tulog na tulog parin si Ge at yon nga nakadagan sa kanya ang isang legs nito.( Naku ang mukong na to ah nakatanday pa sa akin. Nasaan kaya yong unan na nilagay ko sa gitna namim but wala dito? )
(Hmmmmmmmmmmm naku naku inalis niya ang unan habang tulog ako. Ang galing mo talagang lalaki ka.) Sasapakin na sana niya ito nang natigilan siya. Ngayoy pinagmasdan na niya ang maamong mukha ng asawa. (Hmmmmmmmm ang gwapa mo pala Ge. Ngayon ko lang to napansin. Ang sarap mo naman pagmasdan habang ikaw ay natutulog. Tama nga sila kamukha mo si Kurt. Namana niya ang kagandahan ng yong mukha.)
(Hayyyyyyyyyyyyyyyy Gerald. Talaga bang mahal mo ako? Totoo ba lahat ng pinapakita mo sa akin? Hindi ko alam kung totoong mahal mo ako. Hindi ko alam kung talagang gusto mo akong makasama habang buhay. Nagugulohan ako. Lalo na ngayon sa bagong nararamdaman ko sayo. Hindi ko maipaliwanag. Galit ako sayo pro sa puso ko hindi ko mahagilap ang galit na dapat ibato sayo.)
Ano ba itong naramdaman ko. Hindi kaya natutunan na kitang mahalin? Tanggap ko na na ikaw na ang lalaking pag-aalayan ng aking pagmamahal? What if kung mali naman pala ako Ge? What if kung hindi naman pala totoo ang pagmamahal mo sa akin? What if kung napilitan kalang na pakasalan at pakisamahan ako dahil sa dahilan na may anak na tayo? Hindi ko alam Ge. Ang daming mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Takot ako Ge takot ako. Ayaw kong mangyari sa akin ang nangyari sa Mommy at Daddy ko. Ayaw ko.
Hahaplosin nasa ni Sarah ng mukha ni Ge. Pro gumalaw na ito at tuloyan na itong nagising. Kaya Biglang pumikit din si Sarah para magkunwari na tulog pa siya. Kinakabahan siya pro pinipilit niyang ikalma ang sarili baka marinig ni Ge ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Naramdaman nalang niyang dumadampi na ang labi ni Ge sa kanyang labi. (Oh gosh hinalikan ako ng lalaking to. Nakuha pang nakawan ako ng halik.)
(Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mahalikan ang mga labi ng asawa ko. Pagkakataon ko na to na mahalikan siya habang tulog pa siya. Oh babe sana palagi palagi na tayong ganito. Magkatabing natutulog sa isang kama. Sana. Hindi kana magtataray sa akin. Sana mahal mo na ako. Ang sarap ng feeling ng ganito. Paggising mo nakikita mong tulog pa iyang pinakamamahal na asawa. Wala kang magawa kundi ang titigan lang siya. At halikhalikan.)
Hindi na talaga napigilan ni Ge ang sarili niya. Niyakap niya si Sarah habang tulog pa ito. Inilapit niya ang ulo ni Sarah sa kanyang dibdib at niyakap ang asawa ng kanyang dalawang bisig. Wala na siyang pakialam kung magising itong yakap yakap niya. At magagalit ito sa kanya. (Mahal na mahal kita babe. Mahal na mahal kita. Sana maramdaman mo na mahal na mahal kita.) At tuloyan ng tumulo ang luha nito.
(Ano bang nangyari sa mamang to. Hinigpitan pa ang yakap niya sa akin. At hinlig pa ang ulo ko sa dibdib niya. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Nakakabingi. Ano itong naramadam ko? Ang lakas din ng kabog na dibdib ko. Ito na kaya ang sagot sa mga tanong ko? Totoong mahal ako ni Ge? Mahal niya ako?) Ang sarap pala sa pakiramdam na niyayakap ka ng toong ito. Ang sarap palang makulong sa mga bisig niya. Ano ba tong mga iniisip ko? Pro sa totoo lang gusto ko itong ginawa niyang pagyakap sa akin. Hindi ko akalain na ganito pala kasarap at kapayapa pag nasa tabi niya. Ano ang gagawin ko? Nahuhulog na yata ako sa kanya. Hindi ko na talaga maipagkaila na mahal ko na siya. Mahal ko na siya. Oh lord pls. help me. tulongan nyo po ako ano ang gagawin. para maipadama sa kanya na mahal ko rin siya.)
Naramdaman uli ni Sarah na gumalaw uli si Ge. kaya pinili na niyang gumising. Dahil alam niyang gising na ito. At gumalaw din siya at medyo tinulak niya ng kunti si Ge para kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Oh babe gising kana pala. God morning sweetheart. Ahhhhhhhhhh good morning din sayo Ge. Nahihiyang sagot ni Sarah. At mabilis na siyang tumayo sa kama at nagtungo na sa bathroom para maligo.
BINABASA MO ANG
Where Do I Begin
Fiksi PenggemarHanggang kailan kaya mong ipaglaban ang pagmamahal mo sa isang taong kahit kailan ay hindi ka kayang mahalin.