Where Do I Begin--Hiding Inside Myself

808 27 6
                                    

5am palang ay gising na si Gerald. At hanggang ngayon ay tulog parin si Sarah. Kung ano yong position ni Sarah bago siya nakatulog ay ganon parin hanggang sa mga oras na gising na si Gerald. Sinikap ni Gerald na huwag gumalaw dahil ayaw niyang magising ang asawang mahimbing na natutulog. Pinakiramdaman niya ang bawat paghinga ni ng asawa. At dahan dahan niyang ginalaw ang kanyang ulo para lang mapagmasdan ang mukha ni Sarah na ngayon ay katapat lang ng kanyang ulo. Ngayon at naglapat na ang kanilang ilong dahil sobra naman talagang lapit ng mukha ni Sarah. Nalalanghap niya ngayon ang mabagong hininga nito. Ang amo amo ng mukha ng asawa ko. Oh Sarah bakit mo ako masyong sinaktan? Pro alam mo babe kahit ganoon. Mahal na mahal parin kita. Hindi ko makuhang iwan ka. Hindi ko kaya. Dahil ikaw ang mundo  ko. ikaw ang lakas ko.  

Ang buhay ko. Sa totoo lang babe muntik na akong sumuko. Susuko na ako sa pagmamahal sayo. Dahil feeling ko wala namang saysay kung patuloy pa kitang mamahalin. Eh hindi mo naman ako kayang mahalin. Kaya ano pa ang dahilan kung bakit kita mahalin. Aalis nalang ako. Iwan nalang kita. Para maging masaya ka na. Dahil pagwala na ako siguro magiging masaya na ang buhay mo na wala ako. Pro nong narinig kita ka gabi, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Dapat ba akong matuwa or malungkot? Dahil, hindi ko alam kung totoo ba iyong lahat na narinig ko galing sayo. Pro sana ay totoo iyon.Umaasa akong totoo lahat yon. Dahil sa narinig ko ay Nabuhayan ako ng loob babe. Sumigla ulit ang damdamin ko. Akala ko hindi na darating ang panahon na mahalin mo rin ako. Pro babe sana ay totoo lahat ang narinig ko kagabi. Dahil kung hindi wala na bigong bigo na ako sa pag-ibig ko sayo. Ito ang mga katagang nasabi ng puso at isipan ni Gerald habang pinagmasdan ang natutulog na asawa.

Gustong gusto na ni Gerald na halikan ang asawa habang natutulog kaya lang natatakot siya baka magising si Sarah at magalit ito sa kanya. Alam niyang matindi ang tampo niya kay Sarah pro sa setwasyon na to. Parang gusto niyang tunawin at alisin ang tampo niya dito. Dahil sa simpleng yakap ni Sarah sa kanya ay wala na tunaw na ang tampo at kunting galit na nakatago sa puso niya buhat nong pinag-isipan siya ni Sarah ng masama. Kisyo pera ang habol niya sa asawa kaya nagawang makipag sabwatan sa mommy niya. Hindi niya matangap yon.Dahil hindi naman yon totoo. Ang totoo ay talagang mahal niya si Sarah at gagawin niya ang lahat para lang mapasakanya ito. Kahit na gumawa pa ng dahas ay gagawin niya ito.  At yong time na iyon ay wala na talaga siyang iba pang paraan para mapa sa kanya si Sarah kaya yon nagawa niya iyon.

Sarah hindi mo lang alam. Kung gaano kita ka mahal. at dahil sa sobra pagmamahal na inalay ko sayo ay ganon din ka sakit ang ibinigay mo sa akin. Oo. ang sakit sakit ng ginawa mo sa akin. Akala ko kakayanin ko ang lahat, ang lahat lahat. Ang pagbabaliwa mo sa akin noon. Ang malamig mong pakikitungo sa akin. Ang palagi mong masungit na ugali sa tuwing kinakausap kita. Ang ugali mo na parang wala kang narinig sa tuwing nagtatanong ako sayo. At  bigla ka nalang umalis na para bang wala ako sa harapan mo. Yong tinitingnan mo ako ng masama sa tuwing tinatawag kitang babe. Masakit lahat yon. Yon lahat andito sa puso ko. Pro pilit ko yong isinantabi dahil sa sobra kong pagmamahal sayo.

At sabi ko noon na malalampasan ko rin ito. Mamahalin mo rin ako. Pro hindi ko akalain na meron pa palang mas masakit sa lahat. Yong pagbintangan mo ako na kaya kita pinakasalan dahil sa yaman mo. Yon ang hindi ko matanggap. At kulang nalang ipagtabuyan mo ako na paalisin sa mansion ninyo. Masakit Sarah masakit na masakit yon para sa akin. Akala ko ba ay totoo yong promise mo sa akin na hindi mo ako iiwanan? Yon pala ay palabas lang lahat ng iyon? Dahil ba naawa kalang sa akin ng time na yon? Dahil ba ay nasa time pa ako ng pagdadalamhati ko sa aking ama na kakamatay palang? Napaka unfair mo Sarah. Napaka unfair mo.

Where Do I BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon