Where Do I Begin-10

1.3K 23 5
  • Dedicated kay 123ashge10
                                    

Hindi makapaniwala si Sarah na isa na siyang Mrs. Sarah Geronimo Anderson. Ang bilis ng lahat ng pangyayari sa buhay niya.Hindi niya  inaasahan na mangyari ito. Naalala pa nya ang mga sinabi ni Gerald ng gabing iyon. Yong tungkol sa kasunduan nila.

Flashback

Gerald hijo, Pumayag na si Sarah na magpakasal kayo. Nasa loob sila ng office ni Mommy Vinie. Nakaupo si Sarah sa tabi ng mommy niya at si Gerald naman ay sa nakaupo sa harapan ng mag-ina.

Totoo po na magpakasal na siya sa akin?  Totoo Sarah? Masiglang tanong ni Gerald kay Sarah. Samantalang si Sarah ay tahimik lang na nakatingin sa kanya. Walang namumutawing salita na galing dito. Kaya si Mommy Vinie nalang ang sumagot sa tanong ng binata.

Gerald hijo. Pumapayag ang anak ko na pakasal sayo sa kondisyon na napatigil sandali sa pagsasalita si mommy Vinie kasi nahirapan siya kung paano ito ipaliwanag kay Ge ang gusto ng kanyang anak.  Tita ano po ang kundisyon  ni Sarah?

Ah ganito kasi Ge,  Papayag lang daw siyang pakasal sayo kung papayag ka sa kondisyon niya. Tahimik na nakinig si Ge sa mga sasabihin ni mommy Vinie. Ang una niyang kondisyon ay aacting kayong mag-asawa sa harapan lamang ng mga tao,sa kapamilya at sa anak ninyo. Pro pag kayo  nalang dalawa ay tapos ang pagkukunwari.  Tumingin si Ge kay Sarah. Pro si Sarah ay tumingin di sa kanya nilalabanan niya ang mga titig ni Ge.

Nagpatuloy si mommy Vinie sa pagsasalita. Pangalawa niyang kondisyon ay hindi kayo pweding magkasama sa isang kwarto. Po? nag react ka agad si Ge sa 2nd condition. Sarah tita. hindi po pwede na hindi kami mag-sama sa isang kwarto. Dahil mag-asawa po kami pano namin mapaniwala ang aming anak at ang mga tao na mag-asawa kami kung magkahiwalay kami ng kwarto?

Oo nga  naman anak, kahit kasal kayo sa papel lang pro kailangan parin ninyo na magsama sa isang kwarto. Pro mom ayaw ko siyang makasama at makatabi. Ah Sa kung ayaw mo akong makatabi sa pagtulog hindi naman problema yon. hindi tayo magtabi sa pagtulog sa kama ka ako sa sahig or kung saan man basta nasa isang kwarto lang tayo. 

Nagngingitngit ang kalooban dahil masusunod ang kanyang 2 kondisyon. Anak tama naman yon. Pumayag kana. Kasi yong mga kasambahay natin hindi nila alam ang tungkol sa kasunduang ito. Ang alam nila ay mag-asawa kayo at nagmamahalan kayo. Kaya ang mag-asawa ay dapat matutulog sa isang kwarto lamang.

Mom, malungkot na tumangin si Sarah sa kanyanbg ina. May magagawa pa ba ako? Eh mukhang pinagtulungan nyo na ako. Nalungkot si Ge sa sinabi ni Sarah pro sa bandang bahagi ng kayang puso ay matuwa din dahil mukhang papayag na ito na magsama sila sa isang kwarto.

Anak pabor parin naman sa iyo nag kapalit non. Hindi naman tatabi si Gerald sayo sa kama kaya ok lang. Kailangan lang talaga na ipakita natin na tunay kayong mag-asawa sa mata ng tao at sa mata ng apo ko.Sige mommy wala na akong magagawa. Hay salamat sarah anak.

Salamat Sarah hindi mo ito pagsisihan ang pagpayag mo na magpakasal sa akin? Hindi ba Gerald? Eh sa simula palang nagsisisi na ako  kung bakit nakilala pa kita.Ikaw pala ang dahilan ng pagguho ng mundo ko. Nang dahil sayo nagbago ang takbo nag buhay ko. Hindi ito ang gusto ko. Galit na sagot ni Sarah kay Gerald.

At umiyak na si Sarah. Hindi nya nakayanang labanan ang poot at galit na nararamdaman niya sa lalaking karaharap niya. Tandaan mo hindi kita kayang mahalin. At kailan man ay hindi kita pweding mahalin. Yan ang itanim mo sa utak mo. Kahit may nag-uugnay sa ating dalawa ang batang nasa sinapupunan ko ngayon. Pro hindi mo makukuha ang pagmamahal ko.

Malungkot na nakatitig laman si Ge sa babaing mahal niya. Napatuloy parin sa pagsasalita na masasakit para sa kanya.Kahit si Mommy Vinie ramdam niya ang galit at poot ng anak para sa binata. Nakokonsinya sya sa kanyang ginawa. Ang kagustuhan niyang mapanatili ang anak sa tabi niya ay nagdulot ng galit at poot sa puso ng kanyang anak at sakit sa puso ng isang binata na nagmamahal sa kanyang anak.

Gusto man niyang baguhin ang pangyayari pro hindi niya alam kung paano. Malaki na ang nasira nito at mahirap ng ibalit sa dati. Natagpuan nalang niyang lumapit si Gerald sa anak niya. At lumohod sa harapan nito. Sarah, kung yan ang paraan para mapatawad mo ako sa kasalanan na nagawa ko sayo dahil sa pagmamahal ko sayo. Ay tanggapin ko ng luwag sa aking kalooban Basta hiling ko lang sayo na huwag mong pababayaan ang batang dinadala mo at ang sarili mo.  Dahil pag may mangyari sa inyo hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Makakaasa ka Sarah na sa loob ng marriage na to ay hindi ako gagawa ng bagay na ikasasama or ikagagalit mo. Lahat ng gusto mo ay susundin ko.

Napaluha din si Mommy Vinie sa nasaksihan niya. Hindi niya akalain na nakagpo ang anak niya ng isang lalaki na kung magmahal ay sobra. Kaya lang hindi mahal ng anak niya ang lalaking nakaluhod ngayon sa harapan niya.

Back to the present:

Naiinis si Sarah ng naalala niya ang pagluhod ni Gerald sa harapan niya. Hindi siya makapaniwala na magaling palang artista ang lalaking pinakasalan niya. Dahil ang mommy niya ay napaiyak niya sa kanyang ginawa. Pro siya hindi mas lalo lang siyang nanggagalaiti sa galit.

Naputol ang kanyang pag iisip ng bumukas ang pinto ng  kanyang bathroom at iniluwa nito ang lalaking kinasusuklaman niya sa buong buhay niya. Lumabas itong nakatapis lang ng tuwalya. kitang kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. Kaya bigla siyang tumalikod para hindi niya makita ang lalaking halos nakahubad na sa kanyang harapan.

At napansin ito ni Ge na bigla nalang tumalikod ang asawa niya ng nakita siyang nakatapis lang siya ng tuwalya. May gumuhit na pilyong ngiti sa mga labi ni Ge ng nakita niyang naiilang ang asawa ng nakikita sa ganong hitsura.

Hmmmmmmmmmm babe bakit anong nangyari sayo parang nakakita ka yata ng hindi kanais nais sa paningin mo? Mahina niyang tanong na medyo natawawa kunti. At nakaharap siya kay Sarah habang pinupunasan pa ang medyo basa niyang buhok.

Natahimik si Sarah sa tanong ni Ge. Hindi niya alam kung sasagot ba siya sa tanong nito or manahimik nalang.  Ignore nalang niya ito para hindi na umiinit ang ulo niya. At baka hahaba pa ang usapan nila at mapipikon lang siya.

Hindi nga nalang niya pinapansin ito. At nahiga na siya sa kama. At ang akala nya ay titigilan na siya nito kung manahimik nalang siya pero nagkakamali siya dahil bigla nalang tumabi ito sa sa paghiga niya.

Ayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy bakla.  Ngulat na sigaw ni Sarah ng tumabi sa kanya si Ge sa kama. Ano kaba unggoy ka. Huwag na huwag mo akong ginugulat. Dahil masama yan sa buntis na kagaya ko. Ay  sorry babe. Kasi ikaw naman kasi ang tahimik mo dyan. Tinatanong kita hindi ka na sumagot. Umalis ka nga dito unggoy ka. Doon ka nga sa higaan mo.

Huwag na huwag kang tatabi sa akin kundi tutusukin ko yang mata mo. Naku babe ako yata ang pinaglilihian mo eh. Ang init ng ulo mo sa akin.  Ngiting sagot ni Ge sa asawa niya.

Where Do I BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon