Ilang weeks na rin na pinipigilan ni Christian na puntahan ang dalaga..
Ilang weeks na ring pa ulit-ulit niyang pinapanood ang kanyang video sa youtube na kasama si Karen...nararamdaman niyang habang tumatagal nawawala na ang desisyon niya na kasuhan si Karen sa pag gamit ng mukha niya sa youtube...
Pero may mga pagkakataon na natatahimik siya in the middle of his work, even sa photoshoot...
Argh...how I hate that woman..ginulo niya ang buhay ko..wika ni Christian sa sarili..he wants to feel how he hated that woman is..pero laging sumisingit sa kanyang isip ang mukha nito...
Maging ang pakiramdam niya ng hnalikan niya si Karen ay patuloy na kumikiliti sa kanyang isipan...
Maya-maya may kumatok sa kanyang office..pumasok sa loob ang kanyang secretary...
Sir may new location kayo for your apparel brand commercial...tumawag ang assistant ng iyong director...it turned out to shoot the video in night time as the place is in crowded area...anyway sir, kinausap ko na ang iyong driver for the location..
What time ang shooting?
Mamaya sir...at exactly 11 pm...
Okay..thank you..
Your welcome sir..
Need to freshen up..wika ni Christian sa sarili..tumayo at lumabas sa kanyang opisina..he needs to take a rest before the shooting..
------------------------------------------------------
Medyo matumal ang benta ni Karen sa kanyang balut...andito siya ngayon sa harap ng convenience store na dating kanyang pinag tratrabahuhan..yun nga lang sa labas siya nakapwesto para mag benta ng balut..nung nakaraan na na late siya buhat sa condo ni Christian nagalit ang manager at agad siyang tinanggal..nagmakaawa siya na huwag siyang tanggalin pero buo na ang desisyon ng manager..kaya naman agad siyang humanap ng pwede pagkakitaan, ang pagtitinda ng balut...
Okay naman ang benta yun nga lang ang pagod at puyat siya sa pag titinda at kailangan din niya na pumasok sa pinapasukang school canteen sa umaga...
Ms. Magkano sa balut?tanong ng isang babae sa kanya
Agad niyang binigay ang kayang isang matamis na ngiti..
Thirteen po..mainit pa po yan..at bagong luto..
Pabili nga ako..pero okay ba na sumama ka sa akin at dalhin mo doon sa pwesto namin ng mga katrabaho ko?...
Okay lang po..agad tumayo ang dalaga bitbit ang kinalalagyan ng panindang balut na may nakatali sa hawakan nito na isang plastic na bote na sukang may sili at mga supot...
Sumunod si Karen sa babae..pagliko nila sa gilid ng convenience store napansin agad nito na madaming tao...
Halika..dito tayo..yaya ng babae sa kanya sa grupo ng mga naka upuan sa gilid ng isang mahabang van..
Guys, may nakita ako na masarap kainin..wika ng babae sabay tawa...
Alam na namin agad yan derek 2..derek two ang tawag sa kanya dahil siya lamang ang asst ng derektor...
Paborito ko kaya ito..at na miss ko na talaga..hala kainan na tayo ng balut!
Masiglang binigyan ni Karen ang bawat maglahad ng kamay sa kanya at Bawat mabigyan ni Karen ng balut ay kanyang nginingitian...
Salamat po...
Eto po..salamat po...
Umm..sarap...nawika nung derek 2...
Hey derek 2..ayaw ng ating endorser ata..pansin ng isang crew..
No..dapat kumain siya nito..hey man what friends are for kung di mo sabayan ang trip ko na kumain ngayon ng balut...
Im full...malamig na wika nito na nagdulot ng pagkabog ng dibdib ni Karen..
Kilala niya ang boses na yun..marahang itinaas niya ang kanyang tingin sa nag salita..
Gulat si Karen sa nakita..
Si Christian!!!at nakatingin din ito sa kanya..
Biglang namula sa hiya ang kanyang pisngi na agad napansin ng isang staff..
Ms. Balut girl gwapo ba ang aming endorser?sabay tawa nito..
Ang ganda mo lalo kapag namumula ang pisngi mo..paghanga naman ng isang lalakeng crew na ang tinutukoy ay ang babae...
O tama na yan..after 15 minutes back to work na tayo..
Trix, paki bayaran yung mga balut na nakuha...kung sino pa ang may gusto sa crew pakuhain mo...I need to talk to the light derector natin para sa scene mamaya at kakausapin ko pa si derek....at tumalikod na ito sa lahat..
Ms.balut girl magkano lahat ng nakuhang balut?...
Kwinenta ni Karen ang mga nakuhang balut..pinipilit niya na huwag matingnan o masulyapan man lamang amg binata..pagkabayad sa kanya ay agad na tumayo si Karen at inimis ang mga paninda..hindi niya tinitingnan ang lalake..basta nakayuko na lamang siya habang kumikilos...
Kahit ang mga pinagbalatan ng mga kinaing balut ay dinampot na rin ni karen..
Nang biglang hilahin ni Christian ang dalaga patayo..
May maintenance dito na mag lilinis ng kalat...
Ahm..sige...agad tumalikod si Karen at agad na umalis palayo sa lalake..pagkadating sa harap ng convenience store pay pagod na pagod ang dalaga at pasalampak na naupo sa semento...
May bahagi ng kanyang utak na masaya at nakita niya ang binata..
Aminado siya na minsan hinahangad niya na makita at masilayan muli ang lalake kahit sa malayuan...
Yun nga lamang..nagkita sila sa hindi niya inaasahang pagkakataon..at,hindi siya ang tipikal na all around ng canteen na kundi nagbebenta naman ng balut...
Sinilip niya ang kanyang paninda...tatlo na lamang..kaya naman napagdesisyunan niya na umuwi na lamang..baka puntahan siya ng lalake at bumalik sa dati ang galit nito sa kanya...
Pagkatayo bigla niyang naisipan na silipin ang binata kahit sa malayuan..pagkaliko niya sa kantuhan tumigil agad siya at hinagilap ang mukha nito sa madaming tao...
Hiyang hiya siya ng madaanan ng kanyang tingin at balikan ng kanyang mga mata si Christian.
Nakatitig ito sa kanya!!
Pagkahakbang patalikod ni Karen lakad takbo ang kanyang ginawa..
Nahihiya talaga siya...hala..in love na yata to ah..
BINABASA MO ANG
Youtube Lovers (Published under Lines of Love)
RomansaWhat will you do when you found yourself in a five minute romantic video uploaded in youtube with a certain person whom you really dont know... Find out the love story of Christian and Karen that started in uploaded videos in youtube... Note: I dedi...