Ilang linggo na ang dumaan mula ng pumunta sila Karen sa magulang ni Christian at hindi na inuungkat ng lalake ang nangyari..
Trust me..yon ang sinabi ni Christian pagka sakay nila ng sasakyan pauwi nung gabing iyon..hindi niya alam ang sasabihin kaya tumahimik na lamang,siya habang yakap yakap ang anak..
Ano ba ang dapat kong gawin..dapat ko na bang sabihin ang tungkol kay Christine?tanong ni Karen sa sarili...o dapat na kaming lumayo sa buhay ni Christian..
------------------------------------------------------
Ilang araw na lamang at mag sisimula na muli ang pasukan..hindi mai open ni Karen ang pag aaral ni Christine..inaabutan siya ng hiya..Habang kumakain sila ng hapunan nagpaalam si Karen sa lalake..
Ahm magpapa alam sana kami ni Christine..
Okay lang...papasamahin ko sa inyo yung driver para may mag assist sa inyo kung saan man kayo pupunta. Iiwan ko na din yung credit card pa-
Naku hindi na...
Why?Saan ba kayo pupunta?
Ah..sa ano..dyan lang.
Itinigil ni Christian ang pagkain at matamang tinitigan si Karen..
Tell me..I want to hear it..
Ahm..babalik muna sana kami sa Mindoro..mahinang pag banggit ni Karen..Ilang minuto ang lumipas bago sumagot ang lalake..
Why?May problema ba tayo Karen?Madiing tanong ni Christian.. He wants to shout..he wants something to hold on and then crash it..yun nga lang hindi niya magawa..nasa harapan nila si Christine na maganang kumakain..Ang alam niya okay na sila ni Karen.. na hindi na ito aalis..kulang na nga lang sa kanila ang kasal pero bakit ganoon...
Is it because of my mom kaya ka nag desisyon na uuwi sa mindoro?
H-hindi.. ahm..hindi yun promise..
then what it is Karen..Ayaw ko hulaan kung ano ang tumatakbo sa isip mo why you want to go back to Mindoro..Is it because of your husband, huh?Sa nasabi parang pinipiga ang puso ni Christian sa selos..
Ha?Naku hindi..N-nagkakamali ka..
Matiim na tinitigan ni Christian si Karen..
A-ano kasi mag papasukan na.. Kailangan na kasing pumasok ni Christine..
Matagal bago nag sink-in sa utak ng lalake ang sinabi ni Karen.. Nang ma realized ang sinabi ni Karen Nahimasmasan siya..
Oh..sorry..I forgot to think about it. No.hindi kayo uuwi sa Mindoro..
Ha?Pero..
Leave it to me..Ipapaasikaso ko sa secretary ko ang kailangan para ma enroll si Christine.. Sa school na dating pinag tratrabahuhan mo dun natin ipapasok ang bata..gamay mo na ang lugar at madali ka makakapag adjust..
Ha?Naku wag na doon..Okay na sa amin kung saan may day-care..Mahal ang tuition pati dun..
Mabilis na hinawakan ni Christian ang kamay ni Karen at masuyong hinalikan..
Whatever things I have in my life, iyo na rin yon.okay...
Pero..
No butts..
S-sige..naisip ko pwede ba ulit ako mag trabaho uli...
No! Mag focus ka kay Christine and of course sa akin.. Naiintindihan mo?
O-okay..
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dalwang buwan ang nakalipas...
Tahimik at masaya na sa pamumuhay sina Christian at Karen..
Nag aaral na si Christine sa isa sa mamahaling paaralan.. hatid sundo sila ng driver..noong una hirap kumilos si Karen lalo na at mayayaman ang mg ka klase ni Christine..pero bibo ang bata.. laging nangunguna sa kanilang classroom kaya naman maraming nagigiliw dito..
Tuloy ang relasyon nila ni Christian.. hindi niya alam kung anong itatawag sa kanilang relasyon pero nag sasama na sila na parang mag asawa..
Naisip ni karen na dapat na ring malaman ni Christian kung sino ba talaga si Christine.. Hindi na siya padadaig sa takot na ipapakulong pa rin siya ng lalake sa gawaing hindi naman siya ang may gawa..naisip niyang sa tagal na ng panahon at sa kanilang sitwasyon ngayon hindi siya maitatakwil ng lalake..
Kinagabihan..
Magkayakap sina Karen at Christian sa ilalim ng kumot..parehong walang mga saplot..
Napapaisip si Karen kung bakit sobrang tibay ng lalake kapag sa usaping sekswal..siya ay halos pangalugan na ng hita at binti at humahapdi na din ang maselang bahagi ng katawan..pero si Christian ay matibay pa rin...
May sasabihin ako..mahinang wika ni Karen sa katabi na mahigpit na nakayakap sa kanya..
What is it hon?
Ah..ano kasi..
Hon I'm leaving next week...Nakausap ko si Daddy..doon muna kayo...
napabaling ang tingin ni Karen sa katabi..
Bakit?
Wala kayong kasama dito..hindi ko iaasa ang security ninyong dalawa sa mga guards at maid lamang..
Pero..
About mom nagkausap na rin kami..siya nga ang nag suggest na doon muna kayo sa kanila..
H-hindi na siya galit?mahinang tanong ni Karen
No..please pumayag na kayo doon muna..hindi ak mapapalagay sa pupuntahan ko knowing na kayo lamang dito ni Christine..
S-sige..
Thank you hon.
mabilis na dinaganan ni Christian
Isa pa hon..pang remembrance ko sa pag alis ko..
Agad namula ang pisngi ni Karen..
Sasagot sana siya sa tinuran ng lalake pero mabilis siya nitong sinibasib ng halik..
Hanggang sa Mga impit na ungol at daing ang maririnig na lamang sa apat na sulok ng kwarto..
BINABASA MO ANG
Youtube Lovers (Published under Lines of Love)
RomanceWhat will you do when you found yourself in a five minute romantic video uploaded in youtube with a certain person whom you really dont know... Find out the love story of Christian and Karen that started in uploaded videos in youtube... Note: I dedi...