Chapter 22

1.5K 54 0
                                    

Nanay..nanay gising na po tayo...mahinang yugyog ni Christine sa kanyang ina..

Dahan-dahang iminulat ni Karen ang mga mata..

Good morning anak..

Good morning nanay...

Napasarap pala ang tulog natin anak..anong oras na kaya?...tanong ni Karen sa sarili..

Nanay sabi nung relo na yun oh may 9 na nakalagay...

Ha?!Agad napabalikwas ng bangon si Karen at mabilis na hinanap ng mata ang sinasabi ng kanyang anak na relo..

09:40 am!

Agad niyang nilibot ang tingin sa paligid ng kwarto..

Nabigla siya sa nakita... Nasa isang kwarto sila ng kanyang anak!

Napakalaking kwarto at malamig...

Para sa kanya napaka aliwalas at napaka ganda nito..Wood tiles ang sahig nito at maging ang wall ay kahoy ang motiff..siguro dahil ang tirahan nila ay payak lamang kaya para sa kanya ang fully furnish ay talaga namang napaka ganda..

Konti lamang ang kagamitan sa kwarto..ang kama na kanilang hinihigaan, isang lamesa sa dulong bahagi, dalawang upuan sa tabi nito at sa isang sulok isang mahabang upuan..

May dalawang pintuan ito..

Paano na napunta sila sa magandang kwarto na yun samantalang dun sila sa kusina natutulog kagabi?

Sa dami ng mga tanong sa isip ni Karen kung paano sila napunta ng kanyang anak sa maganda at malamig na kwartong yun animoy parang binibiyak ang kanyang ulo kaya napahawak siya sa sentido at hinilot ito..

Nanay..okay lang po kayo?

Oo anak..Halika anak labas na tayo..pero mag imis muna tayo..

Sige po...

Sabay na tumayo ang mag-ina at pinagtulungang ayusin ang kama...Nang makuntento na si Karen iginaya niya ang anak patungo sa isang pintuan..Agad niyang napansin sa mahabang sofa ang nakalagay na kumot at unan..

Katahimikan ang sumalubong kina Karen at Christine pagkalabas ng kwarto..Tama ang kanyang binuksan na pintuan..

Nanay nagugutom na po ako..

Ha?..Sige anak punta tayo sa kusina mag luluto ako..Pero bago iyan mag hilamos muna tayo ha..

Opo..Nanay sobrang sarap po ng tulog natin no..Nanay buti po hindi kayo nabigatan sa akin kagabi?

Ha?

Diba nanay kinarga ninyo po ako papunta duon sa malamig na kwarto..

Ah..Uhm..Oo anak..Kinarga nga kita..Di ka na nga baby girl kundi big girl ka na kasi ang bigat-bigat mo na anak..ngumiti siya sa anak kahit alam naman niyang hindi niya nakarga ang anak patungo sa kwarto na yon..

Nanay..maliligo na po ako ha..

Oh sige anak..isusunod ko na lang sayo ang mga damit mo at sabon..

Pagkapasok ng anak sa c.r ay agd na hinagilap ni Karen ang kanilang bag..Hindi niya ito makita..Hindi naman siguro magagalit ang nakatira sa Villa kung makikiligo sila ng kanyang anak sa banyo..

Natatakot siyang isipin na pwedeng may mangyari sa kanila kagabi ng kanyang anak dahil hindi man lamang niya naramdaman na may naglipat sa kanilang mag-ina patungo sa kwarto na yun..

Laking papasalamat niya na rin at walang anumang nangyari sa kanilang mag-ina..magkahalong hiya at takot ang nararamdaman niya..Baka ang nakatira sa Villa ang nag lipat sa kanila o inutos na sila ay ilipat sa kwarto...Iiling-iling sa mga naisip si Karen..At baka mamaya may gawin na sa kanilang mag-ina..

Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya..

Think positive Karen!..Bulong ni Karen sa sarili..

Nanay asan po kayo?

Saglit lang anak..Hinahanap ko pa ang bag natin..

Nanay andun po yung bag natin sa kwarto..Nakita ko po kanina sa tabi po ng kama..

Ah..ganun ba..Kunwaring tumawa si Karen sa sinabi ng anak..

Makakalimutin na talaga si Nanay..Dinala ko nga pala yun kagabi..Agad siyang tumalikod at mabilis na tinungo ang kwarto.. Pagkabukas ng pinto nakita niya ang hinahanap..Mabilis na dinampot ito at agad lumabas.

Mahirap na at baka may mawala at silang mag-ina ang mapag bintangan..Malaking palaisipan sa kanya tuloy kung sino ang nakatira sa Villa na kanyang pinag tratrabahuhan..

Lumipas ang mag hapon na walang dumating na nakatira sa Villa... Panay ang sulyap ni Karen sa dining area sa pag babakasakaling dumaan ang inaantay niya..Mahirap na baka dun na naman sila makatulog ng kanyang anak at may hindi na magandang mangyari sa kanila..

Kanina pa din niya dinadasal na mapagawi si Ms. Diane sa Villa..

Nanay ayaw ko na mag kulay..

Turuan na kita anak mag sulat ng pangalan mo..

Nanay di pa po ba tayo aalis?

Ha?Ah hinihintay ko pa anak yung nakatira dito sa Villa para maka alis na tayo.

Hintayin natin nanay sa may pintuan..Gusto ko na po mag ligo dun sa swimming pool..

Oo nga no..Halika anak tutal pagabi na dun na lang tayo mag antay sa may pintuan..Hindi na rin siguro yun kakain kasi gabi na...

Ilang minuto ang lumipas..

Napatingin ang mag-ina sa may pintuan ng makarinig na may pumipindot sa labas..

Nanay ayan na po yung inaantay natin..Makakalabas na po tayo..

Agad tumayo si Karen at inalalayan ang anak.. Kanyang isinukbit ang dala nilang bag at pag harap niya ng pintuan kanya rin nabitawan ang dala-dalang bag pagkakita sa taong nasa harapan niya..

C-Christian!?Mahina niyang banggit habang ang lalake na nasa harapan ay blangko ang expression..

B-bakit ka naririto?mahina pa rin niyang tanong sa binata habang mabilis na hinawakan sa braso ang anak at kanyang hinila ito patungo sa likod niya..

Bakit?Masama ba na andito ako sa pag mamay-ari ng aking pamilya?Mahina ang pagkakabitaw ng salita ng binata sa kay Karen at agad naramdaman niya na may galit ito base na rin sa tono ng pananalita ng binata..

S-sorry po...

Youtube Lovers  (Published under Lines of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon