CHAPTER 21

1.6K 58 0
                                    

Nanay tulog na po tayo..

Napatingin si Karen sa anak..kanina pa sila sa harap ng pintuan ng villa pero Hindi niya ito mabuksan..wala itong doorknob at Hindi niya alam kung ano ang pipindutin sa aparato na naka dikit sa may pintuan..

Hindi ko alam anak kung paano bubuksan ang pinto..

Antok na po ako nanay..

Napakamot sa noo si Karen..Hindi niya napansin na umalis muli ang nakatira sa villa pagkakain ng hapunan at sa kusina lamang sila nag lagi ng kanyang anak..ni wala din siyang cellphone kaya wala siyang pang kontak sa kina Ms.Diane..

Halika anak..sa kusina muna tayo..hihintayin natin yung nakatira dito para Makalabas tayo at mapuntahan si Mam Diane..

Inakay ni Karen sa kusina ang anak na antok na Antok na..tiningnan niya ang nasa orasan...past eight na..iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kusina..

Idinala niya ang anak sa gilid ng lamesa..inilabas sa bag ang baun-baon nilang tuwalya at iyon ang inilatag sa sahig..nag labas din si Karen ng ilang pirasong damit para gawing unan..

Halika na anak..dito muna tayo hihiga tapos gigisingin na lang kita kapag aalis na tayo..

Opo nanay..Sabay na humiga ang mag-ina sa tuwalyang inilatag..para kumasya silang dalawa tumagilid si Karen paharap sa anak at yumakap ito sa antok na antok na si Christine..

Anak mag pray ka muna..

Nanay antok na ako..bukas na lang po promise..

Sagot ng anak habang nakapikit ang mga mata nito...

Goodnight anak ..I love you

I love you nanay..pabulong na sagot din ni Christine

Malambing na hinalikan ni Karen sa noo ang anak at ipinikit na din ang mga mata..

-------------------------------------------------------------
Past twelve midnight na naka uwi sa tinutuluyang Villa si Christian..first day operation ng resort kaya hands-on siya sa lahat ng aspeto ng operation ng resort..

Dire-diretso niyang tinahak ang kwarto at patamad na hinubad ang damit..diretso siyang pumasok sa c.r ng kwarto..he needs a shower..kaugalian talaga niyang bago matulog na maligo para presko sa pakiramdam..

Ilang minuto lumabas na si Christian sa banyo..antok na antok na siya kaya naman dumiretso na siya sa kama at agad na ipinikit ang mata..

Naalimpungatan si Christian ng tumunog ang telepono na nasa gilid ng kama at naka konekta sa information desk ng resort..

Tiningnan niya ang alarm clock sa side table na katabi ng telepono..

01:40? Napa kunot-noo ang binata..

Sa ganitong madaling araw tatawag ang front desk?

Mabilis niyang sinagot ang telepono..

Anong problema?

Sir sorry to disturb you..tinatawagan ko po kayo sa cellphone ninyo wala pong sagot kaya tinawagan ko ang telephone..

Hinilot ni Christian ang noo habang naka sandal sa headboard ng kama..pinipilit niyang huwag umalsa ang boses sa inis niya sa kausap..

Ano bang dahilan at tumawag ka?

Sir di pa nag rereport sa H.R dept o sa akin ang isang empleyado...

O?anong problema? Di tawagan mo..

Ahm...wala sir cellphone yung empleyado..

Ginising mo ako just to say na may nawawalang empleyado?naiinis na wika ni Christian..

Youtube Lovers  (Published under Lines of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon