Chapter 15

1.6K 56 0
                                    

Nakita ni Bea si Karen sa counter ng canteen..agad niya itong pinuntahan..

Hi Ms.Karen good morning..

Good morning din sayo..

Paalis na kami ni mommy bukas susunod kami Kay kuya at daddy sa U.S...wala ka bang ipaparating Kay kuya?tanong ni Bea na may halong panunukso sa tinig nito...

Napangiti si Karen at umiling..

Napasimangot naman ang dalagita.

Di mo na miss si Kuya?

Kasi Ms.Bea lagi naman siya tumatawag at nag tetext..nahihiyang pag amin nito

Napangiti si Bea sa narinig..

Salamat naman...di na kita abalahin Ms.Karen.Bye..see you!

---------------------------------------------------
Na mi miss na ni Karen si Christian..ang ipinangako nito  na palaging tatawag ay  hindi  natupad..minsan lamang ito tumawag at ang masama pa saglit lamang..kaya  naman sagad ang kanyang determinasyon na huwag magtampo dito..iniisip na lamang niya na masyado itong busy sa trabaho kahit minsan sumasagi sa kanyang isip na makakasalamuha nito  ang magaganda at mayayaman na babae...

-------------------------------------------------------------
Tahimik na nag huhugas ng plato  si  Karen ng tinawag siya ng kanyang kasamahan...

Agad  tumalima ang dalaga ..

Halika..tingnan mo  sa labas yung balita sa TV...

Sumunod na din siya kay Agnes...

Pagkasilip niya sa pinto di na siya umalis doon ....kanya na lamang na tiningnan ang TV sa may gilid ng canteen...

Bumilis ang tibok ng kanyang puso pagkakita Kay April na ini interview...

Yes!!were engaged..Christian and I are now working for our church wedding..

May tinanong ang nag interview...agad naman sinagot ng dalaga..

He's now in US for business trip and I will follow him actually may ticket na ako to US..

Ms.April may bali-balita na kumalat raw sa YouTube ang mga picture ng boyfriend mo at isang babae?And they said na may relasyon ang dalawa based na rin sa mga pictures..what can you say about it?

Pinaliwanag na sa akin ni Christian ang tungkol dyan and we decided to report the said videos since wala siyang katotohanan..alam mo naman sa technology natin ngayon kayang baguhin ang lahat..and were going to file a case sa gumawa  nito..nakausap na namin ang aming abogado at sya na ang bahala dito...

Pagkarinig sa huling sinabi ni April takot ang dumaloy sa kanyang isipan...kaya pala madalang na tumatawag ang binata sa kanya kakasuhan pala siya!!

Mangiyak-ngiyak na tumalikod si  Karen at dumiretso sa kanilang quarters...

Natatakot siya sa mangyayari...paano kung talagang kakasuhan siya ni Christian..paano kung ipakulong siya nito...

Kaya siguro binigyan siya ng cp at mga gamit  sa boarding house para Hindi maisip na kakasuhan siya ng mga ito...

Napaiyak pa siya sa kaisipan na inosente talaga siya sa nangyari...na hindi  niya Alan kung sino ang nag gawa ng picture at video sa YouTube...

Nag half day sa canteen si  Karen..sumasakit ulo niya kakaisip sa napanood kanina..

Pagdating sa inuupahang bahay napatigil sa pagpasok sa gate si  Karen ng makitang bumaba sa nakaparadang sasakyan si  April...

Andito  na pala ang gold digger na kilala ko...pang uuyam nito kay Karen...

How pity you are living in this kind of place..sabay sulyap nito  sa bahay...

Wake up poor Cinderella..fairy tales are not true so don't waited for your crown prince ..mag hanap ka na ng libreng abogado mo at pag uwi namin dito from US we will see to it na may pagkakalagyan ang gumawa  ng video..

Aakyat na sana ito sa sasakyan ng binalik ang tingin Kay Karen..

I'll be leaving to US at pinapa sunod na ako ng aking  fiancee..di mo lang ba iniisip na kaya ka lamang nilalapitan ng aking fiancee so you don't aware na mag pa file kami ng case against you at sa mga kasama mo..

Kaawa-awa ka...pahabol pa nito  bago ito  sumakay sa sasakyan at umalis na.

Habang tanaw ni Karen ang papalayong sasakyan tsaka niya pinakawalan ang kanyang mga luha ..

Bawat sinabi nito  at animoy punyal na sumasaksak sa kanyang puso....

Pigil na pigil ang kanyang emosyon ng pumasok na siya sa boarding house...ayaw niyang makita ng mga kasama niya na may iniinda siya ngaun at magtataka ang mga ito...

Pero pag pasok niya sa kanyang kwarto doon  na  humalagpos ang lahat ng kanyang nararamdaman...

Umiiyak na humiga siya sa sahig...ayaw niyang humiga sa kama...ang kama na binigay sa kanya ni Christian...

Ilang oras ang nakalipas..

Umupo si Karen sa sahig..

Naisip niyang kailangan  ng mag desisyon para sa kanyang sarili...para makaiwas sa kaso na igagawad sa kanya,para makaiwas sa taong minahal na niya..para makaiwas sa lahat-lahat...

Youtube Lovers  (Published under Lines of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon