Chapter 20

1.5K 61 0
                                    

Tinanggap ni Karen ang alok ng mga magulang ni Christian na mag trabaho sa kanilang resort kahit two weeks lang..

Malaki ang offer para sa simpleng pag trabaho niya...ang mag luto at mag linis ng villa kung saan siya ma aasign..

Noong una ayaw niyang tanggapin at iniisip niyang mag kikita sila ni Christian..agad naman napansin ng mga magulang ni Christian ang pag dadalawang-isip niya kaya nag paliwanag ang mga ito na sila ang darating..

Nang marinig ni Karen ang sinabi ng mag-asawa agad siyang pumayag..malapit na rin ang pasukan at mag ki-kinder na si Christine gusto niyang mabilhan ng mga bagong gamit ang anak niya..

Ayaw niyang ipaalam sa ama ni Christine at sa pamilya nito kung sino ang ama ng kanyang anak..natatakot siyang kunin sa kanya ang bata..

Si Christine ang kanyang buhay..

Sinundo sina Karen at Christine sa kanilang tindahan ng sasakyan ng resort..

Magandang umaga po..

Magandang umaga hija..Anak mo ba itong napaka gandang bata na to?magiliw na tanong nitosa kay Karen habang nakatingin sa kanyang anak..

Opo..Anak po ako ni Nanay..

Napaka bibong bata!O hala alis na tayo at maaga tayong maka uwi sa resort..pinagbuksan ng pintuan nito ang mag-ina ..

Ako pala si Robert. Manong Robert na lang ang itawag ninyo sa akin..

Ako naman po si Karen at ito ang aking anak na si Christine..

Naku!kilala ko na kayo at walang bukang-bibig sina Mam at Sir kundi kayong mag-ina..Parang apo na nga daw niya yang si Christine at kamukha talaga daw ng kanyang anak nung maliit ito..

Po?Biglang kinabahan si Christine sa sinabi ng driver..

Mabait talaga kasi sina Mam at Sir kaya siguro nakapalagayang-loob ang iyong anak..Sabagay, kahit ako ay natutuwa at napaka ganda na bibo pang bata..

Tumango na lamang si Karen sa sinabi ni Manong Robert.. Nilukuban siya ng takot na isipin na baka dumating ang araw na malaman kung sino ba ang ama ni Christine..

Hindi pa rin niya problema ang kanyang anak ay madalang ito mag hanap ng ama..Hindi niya alam kung nasanay na lamang ito sa sitwasyon na walang ama sa tabi nito..

Ilang oras ang lumipas nakarating na sila sa resort..

Maagap na pinag buksan sila ng pintuan ng sasakyan ni Manong Robert..

Agad bumaba si Christine at nag tatalon..

Nanay!Nanay!Ang ganda-ganda po dito..Pwede po tayong maligo din doon..turo-turo nito ang Infinity Pool sa may di-kalayuan..

Naku anak malaman natin ha..Di ko alam kung pwede maligo doon o para lamang sa bisita..

Napasimangot ito..

Tuwang-tuwa naman si Manong Robert sa reaksyon ng bata..

Pwede ka maligo sa pool pero sa pang bata lamang..Malalim kasi iyon..Ipapaalam ko sa Manager para maka ligo ka..

Talaga po!Salamat po lolo..

Walang anuman..O Karen aalis na ako..ayan na si Mam Diane yung manager dito..

Salamat po sa pag sundo, Manong Robert..

Itinaas nito ang kanang braso at umalis na..

Good Morning...bati ng manager..

Nahihiyang bumati din si Karen..

Good Morning din po madam..

Ini orient na ako ng may-ari ng resort kung saan ka iaasign..Halika idadala na kita sa Villa..

Agad sumunod sa Karen habang hila-hila ang anak nito na di magkandatuto sa pag tingin sa paligid..

Pagkadating sa isang Villa agad binuksan nito ang pintuan gamit ang card at pumasok sa loob.. Agad na sumunod ang mag-ina..

Gandang-ganda si Karen sa loob..Konti ang gamit pero napaka ganda at halata na mamahalin ang mga ito..

Napaka kintab ng wooden marble at ang chandelier ay napaka laki at kumikinang sa liwanag..

Pinigilan niya ang kanyang anak na balak na tumungo sa sofa..

Nanay, gusto ko po umupo doon..at manood ng tv..sabay turo sa isang malaking tv sa wall..

Umiling si Karen sa anak..

Karen dito ka naka assign sa Villa..The VIP wants to have a privacy.. He wants a home cooked meal kaya di iyon nag papa deliver ng food from the restaurant of this resort..Ika na ang bahala kung ano ang i pre-prepare mo every meal..Anyway, may mariring ka na buzzer sa kitchen to remind you na ihanda mo na ang meal ng VIP..

As I instructed from the owner of this resort, doblehin mo ang iluluto mo at isasakop mo na ang pagkain ninyong mag-ina.. But the VIP should eat first before you take your meal, do you understand?

Yes mam..

But please, tingnan mo ang iyong anak..Alam naman natin na malilikot ang mga bata..

Opo mam..

Okay Im leaving.. After dinner, puntahan mo ako..para maituro ko sa iyo kung saan kayo matutulog.

Opo mam..

Agad na tumalikod ito at naiwan ang mag-ina sa dining area..

Anak halika na sa kusina.. Maya-maya lunch na kailangan ko nang magluto..

Tumango ito at sumunod sa ina sa kusina..

Kung anong ganda ng salas at dining area nito maganda din sa kusina..

Lahat ng kasangkapan ay mga bago..

Agad niyang binuhat ang anak at inupo sa lamesa.. Kinuha ang dalawang bag na bitbit niya at inilabas ang Krayola at Coloring book..

Anak mag luluto na si Nanay..mag kulay ka muna ha..

Opo nanay..

Humalik muna ito sa noo ng ng anak at nag simula na siyang mag handa ng tanghalian..

Youtube Lovers  (Published under Lines of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon