Chapter Seven

1.9K 68 1
                                    

Kanina pa nangangalay ang kanyang kanang braso..hindi naman siya makaunat at inuunanan ito ng dalagang katabi niya na himbing na himbing pa din ang tulog..

Kaninang madaling araw nagising siya ng dumating ito..inisip niya na magagalit ito at sapilitan siyang pumasok sa loob ng kwarto nito..may bumangon na tuwa sa kanya ng hinayaan siya nitong matulog yun nga lang may awa din siyang nararamdaman para dito..masyadong pursigido ito sa pagtratrabaho..

Maya-maya kumilos na ito mula sa pagkakatihaya..bumaling ito paharap sa binata kaya naman napaka titigan niya ng mabuti ang babae..

Maganda ito..natural ang ganda wala ka makitang kolerete sa mukha..

Malaking palaisipan tuloy para sa kanya kung anong nag udyok sa dalaga na gamitin ang mukha niya sa video..

Umungol ng mahina ang babae na nagpapawis sa lalake..ni hindi makatulong ang luma at mahina ng electric fan sa nararamdaman niya lalo pa at sumiksik pa lalo ito sa kanya..ramdam ni Christian ang katawan ng babae mula paa nito hanggang ulo..lalo pang nag painit sa lalake ang dibdib nitong nakadikit sa kanyang mga dibdib..ang amoy ng pabango nito na hindi pamilyar sa kanya ang kumikiliti sa kanyang ilong..mabini lamang ang amoy nito na bagay na bagay sa dalaga..

napaisip si Christian kung pang ilan siya sa nakatabi nito sa higaan..pang ilan siya sa nayakap nito sa pagtulog..sa naisip ay animoy may sumuntok sa kanyang dibdib sa naisip..

Its a regular friday morning, time check 9 am pero tulog na tulog pa din ito..nahihirapan na siya sa kanilang posisyon umiinit ang kanyang pakiramdam kaya para maiwasan niya ang nararamdaman ginising niya ang babae habang yakap na yakap siya nito

Naramdaman ni Karen na may hanging kumikiliti sa kanyang tainga..unti unti na ding lumilinaw sa kanyang pandinig ang boses lalake na tinatawag ang kanyang pangalan..ramdam din niya na may kamay na humahaplos sa kanyang baywang at mahina siyang niyuyugyog nito...kaya naman unti unti niyang binuksan ang kanyang mga mata..

Sa una inisip niya na panaginip lamang ang lalake sa harap niya..

Pero ng tumagal na nasa mismong mukha niya ang mukha nito at isang dangkal na lamang ang pagitan tsaka niya na realize totoo na ang nasa harap niya..agad siyang lumayo dito at napaupo malayo sa lalake..

A-anong ginagawa mo dito?Paano ka nakapasok sa aking kwarto?

Sorry kung pumunta ako dito ng wala kang alam..about sa pinto papapalitan ko na lamang mamaya...

S-sir..ano..yang ano..

Call me Christian..wika ng binata..umupo ito at isinandig ang likod sa may pader na dingding...

May itatanong pa sana ang dalaga sa lalake ng may kumatok sa pintuan...tumayo si Karen at binuksan ang pinto na may maliit na espasyo lamang upang hindi makita ang lalake na nasa loob at maiwasan ang anumang panunukso o intriga sa kanya...

Ikaw pala Anne...

Oi Karen buti naabutan kita..eto na yung mga labahin ko..andyan na din ang mga sabon at fabcon..iabot ko na lang ang payment pagka okay na mga labahin ko ha..

Ay sige Anne..

Hoy balita ko may lalake ka na inuwi na..at sabi nila gwapong gwapo daw at sikat pa..ikaw ha sa tinagal tagal mo na dito wala kaming nakikita na lalakeng dumadalaw sayo at natulog pa daw dyan..okay ba?naka ilang round kayo?sigurado umaatikabong labanan,ang nangyari no..

Napangiti si Christian sa narinig..

Ha?namula na ang pisngi ni Karen..nagkakamali ka sa iniisip mo..a-ano kaibigan ko lang siya..

Hay naku girl..unahan mo na dapaan mo na agad..ikaw din maunahan ka..sabay tawa nito..agad naman iniba ni Karen ang usapan.

Maaga ka pala umuwi ngayon..nagtratrabaho ito sa factory at night ship palagi

Youtube Lovers  (Published under Lines of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon