Schedule na ng shooting nila Christian..first location ay sa tabing-dagat..nais ng international photographer nila na makuha ang sunset while the models are wearing underwear na kanilang ini endorse..
Nakapalibot ang mga staff sa mga models.ang dami na din na mga nanonood sa paligid..anng mga kababaihan at mga bakla ay hindi magkamayaw sa mga male models na walang itulak kabigin sa kagwapuhan at sa ganda ng mga katawan..
Pinipilit ni Christian na maging maayos ang mga pose sa harap ng camera..may mga oras na natutulala siya kakaisip kay Karen at sa nangyari sa kanilang dalawa kagabi...nang magising si Christian at nang wala sa kanyang tabi si Karen ay nakaraamdam siya ng kirot sa kanyang puso..parang may pumipiga dito..
Iniisip niya kung ipaglaban ba niya si Karen sa asawa nito..pero natatakot siyang bbaka ito pa rin ang piliin ng babae kahit na may nangyari muli sa kanilang dalawa..
Marahas na napabuga siya ng hangin at muling ipinagpatuloy nito ang pag sunod sa instruction ng kanilang photographer..
Samantala...
Nakabalik na sina Karen at Chirstine sa kanilang tindahan..
Pagkabalik niya sa quarters at Makita ang anak na mahimbing na natutulog ay agad siyang nakonsensya at tahimik na napaiyak..
Nakokonsensya siya sa isipin na iniwan niya ito sa quarters..may mga kasama man ito sa quarters pero sa ibang higaan ang mga ito naaawa pa rin siya dito at iniwan niya..
Umiiyak siya sa isipin na abot-kamay lamang nito ang hindi nakagisnang ama pero hindi nito dapat malaman ang katotohanan..natatakot siyang ihiwalay nito ang bata sa kanya at patuloy pa rin siya nitong kasuhan sa isang bagay na hindi niya ginawa..
Kaya naman pagkatapos mag umagahan nagdesisyon si Karen na umuwi na lamang sila sa kanilang tirahan..para makaiwas sa ama ni Christine..para makaiwas sa lalakeng hanggang ngayon kanyang pinakamamahal..
Napipikon na si Christian..kanina pa niya hinahanap si Karen hindi niya ito makita..tinanong na din niya ito kay Diane pero hindi din daw nito nakita si Karen at ang anak nito..oras na nang hapunan pero hindi pa din niya nakikita si Karen o ang anak nito..
Where are you Karen?mahinang usal niya habang nakatanaw sa dagat..The first time na nakapunta siya sa resort nila at humaharap siya sa dagat day or night he find peace..pero ngayon hindi ito epektibo..
Iniisip niya si Karen at ang anak nito..
Maybe pinauwi na ng asawa...marahas na umiling si Christian sa naisip..
Dapat ko nang kalimutan si Karen. Yes!I should forget her...She's married, she had a husband and kid...wika niya sa sarili habang naka titig sa dagat.,
Lumipas pa ang ilang minuto napipikon na napasuklay siya sa kanyang buhok at malakas na bumuga ng hangin..
Christian!your a fuck!mura niya sa sarili at mabilis na tumakbo patungo sa Villa..Pagkadating sa tinutuluyan ay agad na kinuha ang susi ng sasakyan..
He wants to see Karen...may gusto lamang siya na malaman..at kapag nagustuhan niya ang sagot ni Karen sa oras din na yon..aagawin niya si Karen sa asawa nito..kasehodang kasal pa ito o may anak..
Naisip niyang ipapa annul niya ang kasal ni Karen at I adopt niya ang anak nito..
Napapailing si Christian sa naisip...but still his heart is longing for Karen.,,
The hell he care!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mabilis ang mga hakbang ni Christian patungo sa tindahan ni Karen. Nabuhayan siya ng loob ng Makita na bukas ito..Ibig sabihin andun ang kanyang hinahanap..Wala na siyang pakialam kung andoon din ang asawa nito..mas maganda nga siguro na andun para magka alamanan..At kung hindi ito matitinag gagamitin na niya ang impluwensya ng pera..
Hindi na siya kumatok para ipaalam na nasa labas siya..Agad siyang pumasok at ng hindi matanawan si Karen sa pinaka salas tinungo niya ang may harang na kurtina at hinawi ito..
Andito nga si Karen at ang anak nito..naka salampak sa sahig..at maganang kumakain..
Naudlot ang pag subo ni Karen at agad napabaling ng tingin sa taong pumasok sa loob at laking gulat niya ng masilayan si Christian na nakatayo sa kanyang harapan..
Maging ang bata ay nabitin ang pagkain sa pagdating ng kanilang bisita..
Matagal bago naka kibo si Karen..Biglang pumasok sa isip niya ang nagyari sa kanilang dalawa sa kwarto nito..iniwas niya ang tingin sa lalake at tinanong ito..
Ano po yun sir?M-may kailangan po kayo?
Ikaw.
Mabilis niyang naibalik ang tingin sa lalake..
Po?
Ikaw ang kailangan ko..We need to talk Karen..
B-bakit po?
Hindi sinagot ni Christian ang tanong ni Karen.. Malaya niyang inilibot ng tingin ang boung paligid...
Nasaan ang asawa mo?Mahina pero mariing pagkakatanong ng lalake..
Hindi makaimik si Karen..Hindi niya lam ang sasagutin.
Nasaan na ang asawa mo..ulit na tanong ni Christian..
Iba ang sumagot kay Christian.. si Christine..
Wala po asawa si Nanay..iniwan na po kami..
Marahas na napabaling ng tingin si Karen sa anak..
Nanay alam ko na po yun matagal na sinasabi sa akin ng mga kalaro ko..yun daw po ang sabi ng mga nanay nila...
That's good..!mahinang wika ni Christian at pilit sinusupil ang ngiti sa labi..
Ah..sir magpapaliwanag po ako..
No need...satisfy na ako sa sinabi ng anak mo..Anyway, masa maganda na wala ka ng asawa dahil simula sa araw na ito sasama na kayong dalawa sa akin..Babalik na ako ng Manila ngayon.
N-naku sir hindi po pwede..
Inilang hakbang ni Christian ang babae at mabilis na sinaklit ito at yinakap ng mahigpit..
Don't you dare!Pinagbigyan na kita ng nawala ka nung una pero hindi na mauulit yun,,Huwag ka na mag empake bibilhan ko na lang kayo ng mga gamit sa manila..
Pagkabitaw kay Karen ay umupo si Christian sa sahig katabi ni Christine..
Gusto mo ba makapunta baby girl sa Manila?masuyong tanong ng lalake sa bata sabay haplos ng buhok nito..
Matamis na ngumiti ito at mabilis na sumagot..
Opo!
Tara na..idadala ko kayo ng nanay mo pa Manila..
Po?Ngayon na po?Kumakain pa po kami eh.
Mas masarap ang pagkain na pinahanda ko sa sasakyan natin..gusto mob a yun?
Opo!
Okay! Mabilis na tumayo sa pagkakaupo si Christian at inalalayan ang bata sa pagtayo..Pagkasuot ng tsinelas ay masayang lumabas si Christine sa bahay nila habang naka hawak-kamay sa lalake..
Naiwan sa loob si Karen na hindi alam ang gagawin..Sa huli, mabilis niyang inilagay sa lababo ang pinagkainan nila ni Karen at mabilis na hinanap ang kandado at isinara ang pintuan... sumunod siya sa kanyang anak na patuloy pa ring naka kibin sa lalake..
Nababahala siya sa pag dating ng lalake pero ano ang magagawa niya...kapag sinabi nito yun ang masusunod..natatakot din siyang tanungin nito kung ano ang status nilang dalawa at may nangyari na naman sa kanilang dalawa..
At natatakot siya na malaman nito kung sino ba talaga si Christine...
.
BINABASA MO ANG
Youtube Lovers (Published under Lines of Love)
RomanceWhat will you do when you found yourself in a five minute romantic video uploaded in youtube with a certain person whom you really dont know... Find out the love story of Christian and Karen that started in uploaded videos in youtube... Note: I dedi...