Chapter 33

1.9K 65 0
                                    


Masayang kinakantahan ni Karen ang anak na si Kristine..

Kaarawan ng bata..
Parang kaylan lang ng pinanganak niya ang panganay..

Walang kamag anak na umalalay..pero nagpapasalamat siya sa mga naging kaibigan niya sa calapan..
Sila ang itinuring na kamag anak sa ilang taon na pag tatago nila..

Sila ang nag mahal sa kaniyang anak..

Ngayon balik na naman siya sa dating tinirhan..dating tirahan niya na nagbigay ng kapayapaan sa kanyang buhay hanggang dumating si Christian sa kanyang buhay..nagulo man ang kanyang simpleng pamumuhay hindi siya nag sisisi sa kanyang dalawang anghel...

Si Christine ang kanyang panganay at ang kaniyang bunso
Si Carl Christian..

Pilit tinatago ng babae ang luha sa kanyang mga mata...pinapangarap niya ang masayang kaarawan para sa kanyang mga anak...

Hipan mo na ang cake anak..nakangiting wika ni Karen habang nakasalampak sila sa sahig..

Bumalik siya sa dati niyang tinitirhan..
Wala na doon ang mga biniling gamit ni Christian dati para sa kanya...
Kaya naman sa sahig sila natutulog...
Pinahiram siya ng mga kapwa boarders ng kutson na single..

Mabilis na hinipan ni Christine ang kandila sa maliit na cake..

Ano ang wish mo anak?nakangiting tanong ng ina

Makapag aral na ako ulit nanay at sana bumalik na si tatay..

Napapaiyak na yinakap ni Karen ang bata..

Pipilitin ni nanay na makapag aral ka na sa susunod..bibilhan kita ng mga bag, notebook..

Yehey..gusto ko nanay kulay pink yung may princess..

Malambing na pinisil ni Karen ang ilong nito..

Masusunod aking prinsesa..

Napahagikhik ang bata sa narinig..

Kinuha ni Karen ang kutsara at ibinigay sa anak..

Kainin mo na ang cake anak..

Pwede ko po ba bigyan sila tita cora?

Ang tinutukoy nito ay ang kapwa nila boarders..

Malungkot na sinuklay suklay ni Karen ang buhok ng bata..

Gustuhin man natin anak na mag bigay sa kanila ng cake hindi rin pwede..

Maliit ang cake anak..

Paano kayo nanay..hindi kayo kakain ng cake ko?

Para sayo lang talaga yan anak..kung may matira ka tsaka ako hihingi ng cake ha.

Ay si baby po?sabay lingon sa sanggol na nakahiga sa kutson

Hindi pa pwede anak kumain si baby eh..hayaan mo kapag lumaki na si baby natin makikikain na kami ng cake mo..

Pero bago ka kumain may ibibigay kami ni baby sayo..mabilis na kinuha ni karen ang regalo sa anak na naka tago sa kumot..

Ibinigay niya ang regalo sa anak at tuwang tuwa na nag bukas ito ng regalo..

Masayang yinakap ni Christine ang nanay pagka bukas niya ng regalo..

Nagustuhan mo ba ang regalo namin ni baby sayo anak?

Opo nanay..hinagkan nito si Karen at tumabi sa baby at kiniss din ang kapatid

Thank you sa doll baby..love ka ni ate..

Naiiyak na yinakap ni Karen ang anak..

Mahal na mahal ko kayo anak..

Youtube Lovers  (Published under Lines of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon