Chapter 16

1.6K 55 0
                                    

After 4 years..

Pier,Calapan City

Busy si Karen sa pagsalansan ng kanyang mga paninda sa inuupahang stall sa pier...mura  lamang ang kanyang upa at doon na din siya nakatira..may pasunggab ito  sa likod na cr at kusina...kaya naman mag doble ang kanyang pag upa kung sa labas  pa siya titira at uupa din ng tindahan kaya naisip niyang doon  na lamang titira...

Noong una nahirapan siya at medyo maliit pa lamang ang kanyang ipon na pinakatago-tago..

Naisip niyang isangla ang cellphone na bigay sa kanya ni Christian lalo na noong mga oras na kinapos siya sa pera..gusto man niya ibalik ito sa lalake wala naman siyang mapagbigyan kaya dinala na din niya yun  nga lang Hindi na niya ito binuksan..mahirap na at tawagan siya ni Christian at maniwala na naman siya sa mga sasabihin nito....

Natakot din si Karen ng malaman na malaki ang kanyang pagkakasangla sa cp..mamahalin pala talaga ito..

Dahil sa sinanglang cp nagka puhunan siya ng tindahan at pang upa na din para maitaguyod niya ang kanyang anak...

Oo..nag bunga ang minsang pagkahibang ni Karen sa pag-ibig..

Nagka anak siya kay Christian... Babae at kanya itong pinangalan katunog ng pangalan ng ama nito...Christine at mag aapat na taon na ito at Hindi maikukubli na ang tatay si Christian kuhang kuha nito  ang mukha ng binata..

Hindi pa siya nakakauwi sa kanyang mga kamag anak sa occ.Mindoro sa takot na sundan siya doon  ng kaso at hulihin..kaya naman mag isa niyang pinalaki ang kanyang anak..kahit noong oras na nanganganak siya sa Pam publikong hospital wala sa kanyang umaasikaso..dinadalaw dalaw man si Karen ng mga kasamahang tenant sa pier wala siyang kamag anak o asawa sa kanyang tabi..

Nahihirapan man sa kanyang sitwasyon pilit siyang nagpakatatag para sa kanyang anak..

Para Kay Christine..

-------------------------------------------------------------
Marami ang turistang umaakyat at bumababa sa mga barko at mag sa summer na..masaya si Karen at mga kasamahan niyang tenant at malaki-laki na naman ang kanilang kikitain..

Naisipan ni Karen na maliban sa mga grocery nagtinda na din siya ng mga pang pasalubong na mga pagkain at mga souvenir items katulad ng mga damit na may logo ng mga lugar ng Oriental Mindoro..

May kinukunan siya na supplier at matagal na rin itong nanliligaw..si  Carlo...

Mabait naman ito at kasundo ng kanyang anak yun  nga  lamang hanggang kaibigan lamang ang kaya niyang ibigay dito...

Mas  mahalaga sa kanya ngayon ang kanyang anak..at wala ng iba pa..

-------------------------------------------------------------
Kuya bakit ayaw mo sumama?minsan na nga  lang ako umuwi dito sa Pilipinas eh...ang tagal na naman bago ako makabalik..himutok ni Bea sa kapatid habang nag di-dinner ang pamilya...

Kumpleto ngayon sila ayun na rin sa kahilingan ng kanilang nakakabatang kapatid..

Ang dad at mom nila..

Ang kanyang nakakatandang kapatid kasama ang asawa nito  at dalawang anak..

Siya..at si Bea...

Marami ang nakapansin na mas naging workaholic ni Christian...

Kapag siya at sinisita ng kanyang pamilya kibit ng balikat lamang ang kanyang isinasagot..

Pero deep inside malaki ang kanyang dahilan kung bakit napaka workaholic niya...ayaw na niyang isipin si Karen...ayaw na niyan sumakit ang kanyang ulo kung bakit ito nawala na lamang, kung asan na ba ito at kung ano ang ginagawa nito  pero  patuloy siyang  umaasa na babalik ang babaeng gumulo ng kanyang mundo at nawala ng parang bula...

Pinatigil na niya ang kanyang kinuhang mga private detective..ilang taon na ay hindi  pa rin nito mahanap ang kanyang pinapahanap..si Karen...

Kaya siya na rin ang sumuko...inisip niyang nag tago na talaga ito  at ayaw ng magpakita sa kanya...

Nalaman na rin ni Christian kung sino ang nag plano at gumawa ng video...right after the high school graduation ng kanyang bunsong kapatid humingi ito  ng sorry...

Paalis na ito patung sa America para doon  mag aral ng kolehiyo..kaya pala namilit into na ihatid niya sa airport..at bago tawagin ang mga passenger ng eroplanong sasakyan nito 
Inamin ni Bea na siya ang nag plano para gamitin ang mukha niya at mukha ni Karen at I upload sa video..

Napaiyak pa si Karen sa pag aalala sa dalagang nawala na lamang Basta..

Naalala pa ni Christian ang mga sinabi ng kanyang kapatid...

I thought that you will like Karen...the simple one but a big heart...I'm sorry kuya for intruding your lovelife ..sana hindi ko na lamang ginawa kuya..Now I've realized na ang mas  naapektuhan ay si Karen..Hindi ko pinaniwalaan ang aking mga kaibigan..I'm stubborn, brat whatever you want to call it but Im just happy to see someday that  you and Karen will be together...I want her to be my sister in law..I don't liked April for you Kuya..Forgive me kuya for what I've done to you..and please don't get mad at Karen...ako lahat ang may kasalanan..how I wished andito  din siya para makahingi ako ng tawad..humalik at yumakap ito sa binatang di agad makapag salita...pumasok na ito sa loob at Hindi na nilingon si Christian..

Napakuyom ng kamao si Christian sa pagpipigil ng kanyang damdamin..Hindi alam  ng kanyang kapatid kung anong  klaseng kalungkutan ang nararamdaman niya sa mga oras na yun dahil sa Kay Karen

Ang isip ng binata ay baka may nangyaring Hindi maganda sa dalaga pero sa pag tatanong nung una pa lamang ni Christian sa mga ka boardmate ni Karen nalaman niyang umalis talaga ito...

He wants an explanation from Karen kung bakit ito  nawala na lamang..kung bakit Hindi man lamang ito  nag text o tumawag sa kanya at Hindi na niya ma kontak ang number nito ...

Anak are you okay?tanong ng mama ni Christian sa binatang natitigilan sa pagkain at halatang malalim ang iniisip..

I'm okay mom..

What are you saying, Bea?

Kuya naman eh...di ka naman nakikinig..

Kuya sumama ka na sa amin nila mom at dad..pati sina kuya at ate Michelle sasama din syempre  ang mga cute n cute kong pamangkin..

Saan ba ang balak ninyo dad?

May nabili akong resort sa Puerto Galera Oriental Mindoro last year...we will visit the resort at para malaman kung ano pa ang mga kailangan para makapag operate na ito at maipakilala sa publiko...

Okay..sasama ako...napipilitang sagot ni Christian...

Yes..masayang wika ni Bea..

Do you heard it mga pamangkin ko...pupunta tayo sa Puerto Galera at mag  swi-swimming tayo sa beach!

Yes!!!!Masayang wika ng mga pamangkin ni Karen...

Youtube Lovers  (Published under Lines of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon