Chapter Six

1.8K 57 0
                                    

Isang linggong tahimik ang buhay ni Karen..trabaho bahay trabaho lamang ang gawa niya..hindi niya alam bakit may nararamdaman siyang lungkot sa tuwing iniisip niya na hindi nagpakita ang binata..nagtataka man siya sa ikinagagalit nito wala naman siyang makapang kasagutan sa tanong niya..

Mag uumaga na siyang naka uwi sa boarding house..nag overtime siya ng dalawang oras dahil sa kinulang ang tauhan ng kanyang pinapag trabahuhan na 24 hrs convenient store..by shifting ang pasok at karaniwan sa mga nagtratrabaho doon ay kung hindi working student ay katulad din niya na dalawa ang trabaho..nag pupursige siya dahil gusto niyang maka ipon at makapag aral kung papalarin..

Nasa gate na siya ng paupahang bahay niya at nakasalubong niya ang isang ka boardmate..

Oi karen bakit ngayon ka lang? Ang b.f mo kagabi pa andito

Ha?

Andoon ang bf mo sa loob kagabi pa nag hihintay sayo..sige mauna na ako..sabay alis na nito..

Nagtaka man si Karen inisip na lamang niya na nagkamali lamang ito sa pinagsabihan wala naman siyang boyfriend..

Antok na antok na umakyat sa second floor si Karen..andoon ang kanyang kwarto na tama lamang sa pang isahan pwede na ding pang dalawahang tao..nasa kalagitnaan na siya ng salas napansin niya ang kanyang kwarto..

Hala.bakit bukas ang ilaw?tanong ng dalaga sa sarili..ang pagkakatanda niya napatay naman niya ang ilaw pagka alis..

Pagkahawak niya ng sedura ng pinto ay nagtaka na naman siya ..

Tsaka niya natuklasan na sira ang sedura ng pinto..agad niya itong itinulak...

Pagkapasok niya nagulat siya sa nakita..

Anong ginagawa ng lalake sa kanyang kwarto..

Nakapang opisina pa ito at tulog na tulog sa sahig..

Wala naman siyang kama kaya ang kanyang hinihigaan ay sa sahig lamang gamit ang manipis na foam at isang unan lamang..

Mabilis niya itong nilapitan..gigisingin na sana niya ang lalake pero sa paglapit niya dito nag alangan siya..kita sa maganda nitong mukha na mahimbing na itong natutulog..

Nanghihinang napa upo si Karen sa tabi nito..one week na itong hindi niya nakikita akala niya hindi niya ito makikita na pero andito na naman ito at natunton pati tinitirhan niya..

Gusto man gisingin ni Karen inisip niyang napaka sama naman na gisingin niya at sarap na sarap ito sa pagtulog..naantok na din ang dalaga..tatabi na lamang siya dito sa sobrang foam para hindi naman malamigan ang kanyang likod..

Tumayo si Karen..sinara niya ang pinto pinatay ang ilaw..ng masanay ang mata sa dilim kinapa niya ang electric fan at pinindot ang no.1..antok na antok na din ang dalaga kaya ng makatabi sa nakatalikod na binata pinikit agad ang mga mata..

Naamoy niya ang katabi..pinaghalong pabango at amoy alak..

Hala lasing ata to ah..hindi naman siguro siya nito papatayin o sasaktan..

Bahala na..antok na antok na ako..hindi na niya mapaglabanan ang antok at agad siyang pumikit..nakalimutan ng dalaga na mag set ng alarm clock sa ulunan at hindi na niya napansin na gising na din ang binata at nag tutulug tulugan lamang..

Youtube Lovers  (Published under Lines of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon