KRING!! KRING!! KRING!! Napabalukwas ako sa kama ng tumunog ang aking alarm. Agh. Gusto ko pang matulooooooog. Zzzz.
Muli akong humiga sa kama.
"5 minutes pa" sabi ko sa sarili ko. Nang papalapit na ako sa mahimbing na pagtulog. Bigla ko naman narinig ang katok sa pinto kasabay ng pagtawag sakin ni mom.
"Liv!!!" "Liv anak! Di ka pa ba babangon? Halika na't kumain na. Sumabay ka na sakin and I'll drop you of at the coffee shop later!" Agad kong kinuha ang phone ko at chineck ang oras. 5:30 amAgh. Grabe wala pa pala akong 3 oras natulog. Pero siyempre kailangan ko bumangon dahil 7am ang shift ko sa coffee shop. Hindi naman ganito palagi, nagkataon lang kasi na humingi sakin ng pabor yung kasama ko sa diner kaya sinalo ko na yung shift niya, extra money din naman yun tapos nakatulong pa ako. Oh diba. Normally 7pm-11pm lang talaga ang shift ko sa diner.
"Coming mom!"
Agad akong pumunta ng banyo at naligo. Oh ano? Idedetalye ko pa ba kung pano ko naligo? Alam nyo na yun. It's my PRIVATE TIME ya know.
Pagtapos namin kumain ni mom hinatid nya ako sa coffe shop na pinagtratrabahuhan ko."Anak salamat ah? At ikaw ang bumubuhay satin ngayon. Hayaan mo mag aapply ulit ako mamaya. At pag natanggap ako, sa unang sweldo ko pag shoshopping kita! O basta wag mong aabusuhin ang katawan mo ha?" Nakangiti si mom sakin habang sinabsabi nya yan pero kita ko sa mga mata nya ang pagaalala at lungkot.
"Ano ka ba mom? Keri. Anak mo ata ako baka nakakalimutan mo? Okay lang ako, you dont have to buy me anything. Ang mahalaga okay tayo." At saka ko siya niyakap.
"Ikaw talagang bata ka, naalala ko tuloy ang am-" natigilan siya. Alam naman kasi nya na ayokong naririnig ang salitang AMA. Well, bitter na kung bitter pero allergic talaga ako sa salitang yun.
"MOM!!" Sabi ko sabay irap. Mahilig kasi siya ikumpara ako sa tatay ko kesyo daw mana ako dun blah blah blah.
Tumawa naman si mom. Kaya napangiti nalang ako. Bineso ko siya at nagpaalam.
"Sige na mom I'll go na baka malate ako."
"Sige anak. Ingat uwi ka agad. Loveyou"
"Loveyou too ma" saka ako bumaba ng kotse.
Nakangiti kong binuksan ang pinto ng shop ng biglang.
"Ah shit!" Sabi ng lalaking nabunggo ko sa pagbukas ko ng pinto. Nakita ko din ang mantsa ng kape sa kanyang puting shirt. Realization came to me. OH NO!! Ako ang may kasalanan kung bakit siya natapunan.
"S-sorry" kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinahid yun sa ngayon ay basa pa na kape sa shirt niya. *punas* *punas* Napalunok ako ng bahagya sa nakapa ko. Grabe ngayon lang ako nakahawak ng abs ng lalaki. Well not totally hawak kasi may shirt pati panyo na balakid pero OH MY. Model ba itong si kuya? Yummy eh. Ayyy!! Shhh. Tumahimik ka liv ang manyak mo. Nagulat ako ng biglang hinawakan ng lalaki yung kamay ko na pinangpupunas at tinanggal sa kanyang katawan. Aray ah!! Napalakas ata yun.
"Dont. Touch. Me." Cold na sabi niya kaya agad akong napatingin sakanya. WOW. Gusto sana lumaglag ng panga ko pero pinigilan ko sarili ko. Pointed nose check, cheekbones check, nakakapanghiwa na jaw check, makapal na kilay mahabang pilik mata check, emerald eyes check. Para siyang definition ng prince charming. Mukha siyang Abercrombie Model. Familliar ang mukha niya parang napanuod ko na siya somewhere. Natigilan ako ng magsalita siya uli.
"You done scanning my face?" Nakasimangot na tanong nya. Tss sungit.
"S-sorry uli sir"
Napataas ang kilay niya. "Sir?" At saka niya tiningnan ang suot ko. "You work here?"
Dali dali naman akong nag nod. Nakaka intimidate naman kasi ang presence niya parang kakainin ka niya ng buhay.
"I would like to talk to your manager"
Lumaki agad ang mata ko ng narinig ko yun. NO. Di pwede. Di pa ako pwedeng masisante kailangan na kailangan ko pa yung trabahong to. Kaya with all my confidence tiningnan ko siya sa mata. "NO."
Napa smirk naman siya. "NO?!" Sa tono ng boses nya mukha na siyang galit. Well, very clever Ahliv ang galing mas ginalit mo pa siya. Mag aapologize na sana ako at sasabihing tatawagin ko na ang manager namin ng biglang may naramdaman akong mainit at malagkit sa dibdib ko.
"Ah!!" Tiningnan ko ang kape na tumapon sa uniform ko. "BAKIT MO YUN GINAWA?!" Di ko na napigilang sumigaw sa inis. Kung kaya't nakuha ko ang atensyon ng lahat ng tao sa shop kabilang na ang manager namin. Kaya pilit kong pinakalma uli ang sarili ko.
"S-sorry!" Sabi ko sa mga tao sa shop at bumalik na sila sa kani kanilang ginagawa. Nakita ko din na papalapit na samin si Manager Han. Oh no! I'll definitely get fired.
"May I know what's the problem here sir?" Tanong ni manager han sa lalaking GAG- ooops badword mabuti pa wag ko nang ituloy.
"She spilled my coffee." Tipid ngunit kalmadong sagot nito.
"Were very much sorry sir for the trouble. I'll get you another one Mr?"
"Craid. Alex Craid"
"Oh like basketball star Alex Craid?" Nakangiting tanong ni manager. Wow ha, nagawa niya pa talagang maging fan boy sa sitwasyong to ha.
Napa smirk naman itong si GAG-*toot* at nag nod.
"My daughter's a big fan of you. Ah. This is so unprofessional. Sorry. Kindly wait Mr. Craid, Ms. Smith will get you your coffee" sabay tingin sakin. Grabe tong si manager oh di ba niya nakitang naliligo na ako sa kape. Tss.
Agad akong pumunta sa counter para sabihin yung order. At saka dumeretso sa locker upang magpalit ng damit. Hay ang lagkit ko pero wala nang panahon para maligo pa. Hay bwisit talaga. Pag labas ko agad akong pumwesto sa counter.
"Liv, oh" sabi ng kasamahan ko na si shie sabay abot ng kape.
Nilakihan ko lang siya ng mata na parang nagtatanong."Sabi ni Manager ikaw daw magbigay request daw nung hottie. Tsk. Gusto ko ngang ako nalang magbigay eh, malay mo bigla siyang mainlove sakin pagnagkatinginan kami ng mata sa mata. Parang sa mga cliché films!" Kinikilig sa sabi niya.
"Hay nako. Asa ka pa. Nakita mo ba ginawa niya sakin? Tinapunan nya ako ng kape! Hindi dapat inaadmire mga ganyan."
"Pero ikaw nauna!"
"Pero siya SINASADYA nya"
"Eh? Bahala ka basta ang gwapo gwapo padin niya. Hay. Someday I'll marry you" Sabi niya habang nakatingin dun kay GAG*toot* habang kilig na kilig.
Natawa nalang ako ako sakanya. Ganyan kasi talaga yan si shie pag nakakakita ng gwapo, kala mo katapusan na ng earth. OA.
Pumunta na ako dun sa table kung saan nakaupo si GAG*toot"Sir, here's your coffee. Sorry uli for the trouble awhile ago" and I put my greatest smile.
Kinuha niya ang kape at tumayo. Akala ko ay sa pintuan siya pupunta pero sa basurahan siya pumunta at tinapon yung kape. At saka lumabas at umalis. Napa nga nga ako sa ginawa niya. Kulong kulo yung dugo ko. Kaltas kaya sa sweldo ko yung kapeng yun tapos itatapon niya lang? Aghhh!
This is definitely not my day.
YOU ARE READING
Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)
RandomNOTE: This story is written in filipino. Masipag akong magupdate kaya there's no reason para mabitin. If you find this story interesting please dont forget to hit ⭐ button below to vote. Mabuhay lahat ng manunulat na pilipino. Ahliv Blue Smith's li...