VIII. Shoot

2.9K 80 11
                                    

Nagulat ako ng huminto kami sa tapat ng booth ng A.D.C. or Alpha Delta Cephei

Nakita ko din si Tommy at Alex sa loob ng booth na nakikipagusap sa mga nagdadagsaang tao. Napaisip ako dahil maganda ang inooffer ng frat na ito, siguradong makakatulong ito ng malaki sa magiging class standing ko kapag nakasali ako dito, saka ito talaga yung gusto kong salihan na frat. Pero that means kailangan ko pakisamahan ang isang Alex Craid. Napapikit nanaman ako at saka nagbuntong hininga.

"Sige magssign up ako sainyo." Sabi ko kay Tyler kung kaya't napangiti siya ng malawak. Naisip ko how the fraternity can be a big help sa pag aaral ko kaya napagdesisyunan ko na igrab na yung tulong na binibigay ng mga bago kong kaibigan. Sinamahan ako ni Tyler sa booth para mag sign up sa frat nila. Noong nagsusulat ako nakita ko kung gano kasama ang tingin sakin ni Alex. Siguro ilang beses niya na ako tinataga sa isip niya. Well sorry nalang siya because Im here to stay. Hinding hindi ko siya uurungan sa labang gusto niya
And so binalik ko sakanya ang tingin na binigay niya sakin but this time, I gave him my best smize.

Pagtapos ko mag sign up sa A.D.C. lumabas na ako dahil, gosh grabe para akong nasa pugon sa init sa loob dahil sobrang daming gustong mag sign up sa A.D.C. Naisip ko na bumili muna ng snacks, kaya't naglakad ako nadaanan ko din ang booth ng ibang frat. Nagulat ako ng nakita ko si pogi sa harap ng isang booth, eh siyempre being my typical self pumunta ako sa booth kung nasaan siya. Nang makarating ako dun napansin nya ako agad, siguro namukaan niya ako or something.

"Hey, ikaw uli." Sabi nito sakin sabay ngiti. Eneve nemen, bakit kasi ganyan yung ngiti niya. Umurong tuloy dila ko.

"Gusto mong mag sign up?" Turo niya sa booth sa likod niya. Napatingin naman ako sa sign na nakalagay sa booth. T.H.O.
Oh sa rival frat pala siya. Hay. Medyo nalungkot ako ng slight.
Nginitian ko naman siya at saka ako umiling.

"Um, naka sign up na kasi ako sa A.D.C." Pagpapaliwanag ko

Nag nod siya. "Pero? Di ka pa naman official member hindi ba?" At muli siyang ngumiti. Umiling naman ako.

"Hindi pa."

"That's what I thought. Tara pasok ka, pakita ko lang anong meron sa T.H.O." Lumakad siya papaloob at sumunod naman ako sakanya. Pagpasok namin sa loob agad bumungad samin ang napakadaming tao, kasing dami din ito ng tao kanina sa A.D.C.

Iniwan muna ako dito ni pogi sa mga upuan sa loob at may kukunin lang daw siya saglit. Napatitig naman ako sa familliar na lalaking nagaassist sa mga mag sisign up. Ano nga uling pangalan neto? Art? Arl? Ahhh. Arch! Nang maalala ko ang pangalan niya agad ko siyang tinawag.

"Arch!" Sigaw ko kung kaya't napalingon siya upang hanapin kung sino ang tumawag sakanya. Bumaling ang tingin niya sakin kaya winave ko ang kamay ko para malaman niyang ako ang tumatawag sakanya. Tinunguan niya lang ako. Hm, bakit siya nag aassist? Hindi ba't freshmen lang din siya? At dahil nga dakilang curious ako nilapitan ko siya.
Kinalabit ko siya.

"Pwede ka nang mag assist?" Tanong ko dito

Napatingin naman siya sakin. Alam mo ngayon ko lang napagtanto ah, ngayon ko lang kasi natitigan yung mukha niya. May pagkakahawig sila ni pogi ng onti. Payat nga lang itong si Arch at nakaglasses. He shrugged.

"Pinagpaalam namin to sa dean."

Napabubble head nod naman ako.
"Oh, I see. Namin?" Muling tanong ko. Hehehe. Ang kulit ko no, pwede na akong maging detective.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now