XX. Crazy for you

2.6K 85 9
                                    

I came to my senses ng maramdaman ang pagtama ng chips sa ilong ko.

I frowned at Reggie.

"Kanina ka pa tulala alam mo ba yun? Im starting to think na nakabuo ka na ng sarili mong mundo." Pangaasar nito

I sighed. "Iniisip ko lang kung anong nagawa ko kay Alex, isang linggo nya na akong hindi pinapansin. Hindi na din siya naglalagi sa dorm." Worried na sabi ko

Tinaasan naman ako ng kilay ni Reg.

"Oh ayun, eto nanaman tayo. Si Alex nanaman." Medyo napatingin sa table namin yung ibang tao sa cafeteria

Pinisil ko yung kamay niya. "Shh. Ano ka ba wag mong lakasan yung boses mo."

Tila ba natauhan siya. "Ah sorry sorry,  wag mo na kasing isipin yun alam mong may saltik sa utak yun eh. Papansinin ka din nun." Halos pabulong na sabi niya

"May ginawa ka ba na pwedeng ikainis niya? Ano ba kasi nangyari nung umalis kayo?"

I gulped nang tanungin niya ako. Naalala ko nanaman kasi yung pagkalaglag ni Alex sa kama dahil nasipa ko siya sa sobrang pagkataranta at pagkagulat.

Pero hindi eh. Oo naging awkward kami pagtapos nun pero nung nakabalik na kami sa University bumalik naman na sa normal yung samahan namin, sa dorm pa siya natulog ng dalawang araw pagbalik namin sa University. Minsan nga nagugulat ako dahil may iniiwan siyang pagkain sa dorm para sakin.

Ang huling paguusap namin ay yung nagpasalamat ako sakanya para sa mga pagkaing iniiwan niya, pero pagtapos nun di na siya nagparamdam.

Di ko maiwasamg magalala. Pero di ko din maiwasang maiinis dahil akala ko okay na kami, na magkaibigan na kami. Pero pag nagkakasalubong kami sa University parang di ako nageexist sa mundo. No hi no hello.

I miss him

No I dont

Agh. NO I DONT MISS HIM. Pilit na pangungumbinsi ko sa sarili ko.

If he wants it to be this way, then so be it. As if I care diba?

But I do

I sighed. Ano ba itong nangyayari sakin? Kagagawan lahat to ni Alex eh. Tss. Mababaliw na ata ako. Help!

"HOY!" malakas na sabi ni Reggie

"Ay palaka!" Gulat na sabi ko

"Seriously? Kanina pa ako nagsasalita dito nakatulala ka nanaman dyan." Reggie said while rolling her eyes

Napakagat naman ako sa labi ko.

"S-sorry ah- gutom lang siguro ako." palusot ko, sabay kain ng sandwich na inorder ko kanina

Reggie cracked a sarcastic laugh

"Gutom mo your face!"

Napabuntong hininga nalang ako.

"Asan ba si Arch?" Tanong ko kay Reg

Tila naman nanlaki yung mata ni Reggie nung binanggit ko yung pangalan ni Arch. Napayuko siya, pero I swear parang nakita kong nagblush siya bago siya yumuko.

"Okay ka lang?" Tanong ko dito

Nag nod lang siya.

Napasmirk ako. Kilalang kilala ko si Reggie kaya alam ko na may nangyaring di ko alam.

"Spill it Reg what happened?"

"W-wala. P-pinagsasabi mo?" Giit nito

Inangat ko yung ulo niya dahilan para magkatinginan kami. Iniwas niya yung mata niya sakin. Bingo may tinatago nga to.

Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)Where stories live. Discover now