Masaya kong iminulat ang aking mga mata. Ngayon na kasi yung araw ng entrance examination for Stander University.
Nakangiti kong sinalubong ang umaga at bumaba papunta sa kusina.
"Hey mom. Goodmorning." Bati ko sa maganda kong nanay na kasalukuyang nagluluto ng bacon
I hugged her. "Cooking my favorite again mom? Youre spoiling me way too much!" Sabi ko and then I giggled
"Well, sinong nagsabing para sayo to? Akin lang to." Sabi ni mom sabay labas ng dila
I laughed. Ang cute kasi ni mom. Kung makaasta kasi siya parang magkasing edad kang kami. That's why she's not just my mom were also best of friends.
"By the way mom, mamaya na pala yung entrance exam ko for Stander U. Can I borrow the car?" Tanong ko dito habang nilapag niya yung plato sa harap ko
"What? Bakit ngayon mo lang sinabi? I made an appointment today. Meron akong job interview."
Umupo si mom sa harapan ko at nagsimula na kaming kumain.
"Ah. Ganun ba? Okay lang mom I'll just take a cab. Goodluck on your interview." I said while smiling
She returned the smile. "You know what, I'll let you borrow the car. Ako nalang ang mag cacab since mas malapit yung puputahan ko."
My eye widened. "But mom, mahihirapan ka lang nun. Hindi na, kaya ko na yun."
Tumayo si mom at may kinuha sa bag niya at saka umupo uli. Nilapag nya yung susi ng kotse sa tapat ko. "Hindi pwedeng tumanggi. Utos ko yan." Sabi ni mom and then she winked at me
Tumayo ako at niyakap ko siya.
"Thanks mom. Youre the best."
"Oh sige na kumain na at baka malate ka pa."
Nagpatuloy kaming kumain ni mom at pagkatapos ay nagasikaso na ako.
I wore my faded ripped jumper pants with white fitted shirt underneath and pulled my hair up in a pony tail.
Bumaba na ako at saka nagpaalam kay mom.
"Goodluck liv. I know you can ace that exam. Be safe okay? Loveyou."
"You know I can do more than that mom." I giggled and winked at her
"You sure you dont want me to dropyou off sa pag aapplyan mo mom?" Muling pagtatanong ko
"Yes, liv. Im more than sure."
"Okay. Goodluck on your interview mom. Loveyou." Sabi ko then I hugged her.
-
My jaw dropped nang marating ko ang gate ng Stander University. The gate itself ay napaka laki at napaka elegante. Kulay gold ang malaking gate nito at may marble seal ng University sa itaas ng gate. Binigyan ako ng visitor pass ng guard bago bumukas ng tuluyan ng gate. Nagpatuloy ako magmeneho hanggang sa makahanap ng parking area malapit sa field ng University. Bumaba ako ng kotse at napangiti sa ganda ng paligid. Napakarelaxing ng ambiance sa loob ng University, siguro dahil hindi pa nagsisimula ang pasukan at onti pa lamang ang tao dito.
Ilang segundo ko munang pinanuod ang cheer squad ng Stander University habang nagprapractice sila ng kanilang routine bago napagdesisyunang maglakad papunta sa Athena A building kung saan gaganapin ang entrance examination ayon sa online form ko.
Nilabas ko din yung mapa ng University na pinrint ko upang di ako maligaw, malapit lapit lang naman sa field yung Athena A building kung kaya't nakarating ako dun matapos lamang ang lima o pitong minuto.
YOU ARE READING
Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)
RandomNOTE: This story is written in filipino. Masipag akong magupdate kaya there's no reason para mabitin. If you find this story interesting please dont forget to hit ⭐ button below to vote. Mabuhay lahat ng manunulat na pilipino. Ahliv Blue Smith's li...