I've known you for so long
you are a friend of mine
but is this all we'd ever be?I felt the cold breeze once I stepped out of the dorm building. Ngayon ang huling araw ng pasok ngayong semester, malakas ang ulan ngayon. Tila ba dinadamayan ng panahon ang aking nararamdaman. Nakausap ko na yung dean ng department namin tungkol sa pag withdraw ko ng scholarship. Katulad ng policy ng Univeristy, kailangan kong tapusin ang semester na to bago ako tuluyang umalis sa scholarship. Which is okay for me, atleast nagkaroon padin ako ng tatlong linggo upang makasama pa ang mga kaibigan ko. Pero pagtapos ng araw na to, kailangan ko nang magpaalam.
Tatlong linggo ko na ding hindi nakikita o nakakausap si Thomas. Siguro he's trying his best to avoid me. Si Alex naman ay nakikita kong madalas na kasama ang Varsity team sa cafe pagtapos ng kanilang ensayo. Pero the warmth in his eyes was no longer there. He acts as if he dont know me. Kahit masakit, tanggap ko.
Siguro mas okay na din yun. Para kahit umalis ako hindi siya maapektuhan.
"Blue!" Rinig kong tawag sakin mula sa aking likudan kaya napalingon ako
"Nakalimutan mo." Sabi ni Arch nang makarating siya sa kinatatayuan ko.
Inabot niya sakin yung sketchpad ko. Sa dorm niya kasi ako tumuloy simula nung paguusap namin ni Alex.
"Salamat."
"Ang lakas ng ulan. Ihahatid na kita bago ako pumunta sa convention." Sabi ni Arch
May Junior Architecture's convention kasi ngayon at dahil isa si Arch sa top Architecture student ng Stander University, ipinadala siya doon bilang representative.
"Di na pala ako makakapagpaalam sayo mamaya. We'll just keep in touch okay? Labas tayong tatlo lagi ni Reg okay?" Sabi ko nang magsimulang umandar ang sasakyan ni Arch
He chuckled. "Offcourse. Kung gusto mo we'll just visit you. By the way, san mo pala balak pumasok next semester?"
Bumuntong hininga ako. "Honestly, hindi ko pa alam. But I'll figure it out."
"Okay. Basta this time wala nang pag didisguise na magaganap ha?" Pabirong sabi niya
Tumawa naman ako. "Maasahan mo. Ive learned alot at hinding hindi ko na ulit yun gagawin."
"Good dog." Pabirong sabi ni Arch
Pinalo ko naman ng bahagya yung braso niya.
"Isusumbong talaga kita kay Reggie!" Sabi ko sabay tongue out
He pouted. "No. Please. Alam mo naman yun mabubusog nanaman ako sa batok dun." Sabi ni Arch chuckling
"Pero seryosong usapan Arch. When will you have the courage to ask her out?"
Natigilan naman siya sa pagtawa and then he sighed. "I dont know Liv. Alam mo kung pano siya magreact. I- I dont want to ruin our friendship. I dont want to lose her."
I patted his shoulders.
"Just trust your feelings Arch. We both know you feel the same way towards eachother. All you have to do is take a risk. Because love is all about taking risks." I said nonchalantly
He smiled. His eyes still on the road.
"I- I'll try." He murmured.
Nang makarating kami sa building ng magiging klase ko I gave Arch a hug bago bumaba ng sasakyan.
Maingay sa loob ng classroom. Ang iba ay pinaguusapan kung saan sila pupunta ngayong sem break. Ang iba naman ay laman ng usapan ang Junior Architecture's convention.
YOU ARE READING
Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)
RandomNOTE: This story is written in filipino. Masipag akong magupdate kaya there's no reason para mabitin. If you find this story interesting please dont forget to hit ⭐ button below to vote. Mabuhay lahat ng manunulat na pilipino. Ahliv Blue Smith's li...