Mr. Mr. Mr. Mr.
Paulit ulit yan nagplay sa utak ko. It must be some typographical error diba? Bakit Mr? Hawak padin ang sulat galing sa University, umakyat ako sa aking silid upang kunin ang scholarship application form ko. "Asan na ba yun?" *halungkat* *halungkat*
Nakita ko yung purple plastic envelope na pinaglagyan ko nito sa drawer ko. Kinuha ko ito at binuksan. Kinuha ko na din yung application form ko at masusing tiningnan ang mga nakalagay dito.Name: Ahliv Blue Smith
Age: 18
Highschool attended: Jefferson High
Gender: ⚪️F 🔘MNapatigil ako nung nakita ko yung nakalagay sa gender. Pinalo ko ng bahagya yung noo ko. How can i be so dumb and reckless para malagay ang maling gender. Clap clap clap talino mo talaga Ahliv, you're a genius! Ah. No, tumigil ka konsensya. Hay gusto ko nang maiyak sa katangahang ginawa ko. Kung bakit ba kasi di ko muna chineck to bago isend. Agad naman ako nag online para kuhain ang numero ng Stander University. Nang makuha ko ito agad akong bumaba sa may sala upang i dial ang mga numero.
Kring. Kring. Kring. Maya maya pa at may sumagot na sa kabilang linya.
"Goodafternoon. Stander University's Office, how may i help you?" Tugon ng babaeng operator.
"Um hi. Is there any chance na may opening pa din kayo for female scholarship?" Medyo kabadong tanong ko. Please please naman sana meron.
"Hold on a second, let me check."
Ilang segundo pa ay nagsalita na siyang muli."Im sorry miss, but unfortunately the University's not entertaining female scholars this semester because the female dormitories are fully occupied prior to the numbers of regular female enrolees. Maybe you can try next semester if we'll have an opening" parang gusto kong mag walling sa sinabi niya. Ano yung walling? Walling, yun yung ginagawa ng mga artista pag nasasawi sila yung sasandal sa pader tapos iiyak at unti unting bumaba hanggang sa maglumpasay na sa sahig. Ganern. Pero siyempre nakaupo ako sa sala eh malayo yung pader kaya wag nalang. Naramdaman ko yung luha ko sa pisngi ko. Sobrang halaga kasi nito sakin, di ko alam kung pano ko sisimulang sabihin ito kay mom, eh mas excited pa nga siya para sakin eh.
"O-okay miss. Thankyou" sabi ko na broken yung boses. At saka ko binaba yung telepono.
Iniyak ko lang muna yung nararamdaman ko. Kala ko simula na to ng pagbabago sa buhay namin ni mom, kala ko totoo na. Pero simula't simula pala wala na akong pag asa. Kasi hindi pala sila tumatanggap ng female scholars. Ganito pala kasakit nararamdaman ng mga nagmahal no? Yung akala mo okay kayo, masaya. Kala mo may pag asa ka. Pero ang totoo noong una palang wala na talaga, sadyang mahilig lang pala siya magpaasa. Boom! Hugot! Pwede na akong pumasok sa banana sundae. Napangiti naman ako ng bahagya sa mga naisip ko. Hay nabaliw na nga yata talaga ako. Minabuti ko nang maligo muna, para mawala kahit papano yung stress na nararamdaman ko. Pagkatapos ko maligo minabuti kong mahiga uli sa kama. Nagiisip na ako ng speech kung pano sasabihin to kay mom eh.
Mom sorry. Pero mali yung nalagay ko na gender sa form, di pala sila tumatanggap ng female scholars this sem. Sorry napaasa kita.
Ayyyy hindi hindi. Nakikita ko na yung mukha ni mom pag ganyan sinabi ko, ayokong madisappoint siya. Okay, ganito nalang. Magisip ka ng paraan Ahliv di pwedeng di ka magaaral this sem, magisip ka ng back up plan. Ilang oras na akong nakahiga at nagiisip ng paraan. Naisip ko na magapply ng scholarship sa ibang Universities, pero agad ko din naisip na June 1 na at magpapasukan na din at wala na talaga akong choice. Hanggang sa makaisip ako ng not so clever but very helpful idea. MAGPAPANGGAP AKONG LALAKI. Tama tama, tutal ang alam sa form ko lalaki ako at nakapasa ako sa examinations! Pero pano yung magiging transcript ko nyan? Pano nalang sa diploma ko Mr. ang nakalagay. I shrugged at the thought of it. Bahala na si captain america, maggawan ko naman siguro ng paraan yun. Basta mahalaga makapasok ako. Hindi naman ako mahihirapan mag disguise may sarili akong dorm, tama tama. Kaya dali dali akong nagbihis upang pumunta ng mall. Bibili ako ng mga gamit ko sa pagdidisguise. Nasa labas na ako ng may tumawag sakin. Kinuha ko ang cellphone ko na di flip. (Uyyyy alam ko iniisip nyo, grabe kayo ha. Huhuhu. Don't judge. Talagang di lang kasi ako madalas magphone kaya para san pa kung bibili ako ng mahala saka alam nyo naman kailangan naming magtipid.)
YOU ARE READING
Disguise Inlove With You Pare (COMPLETED)
RandomNOTE: This story is written in filipino. Masipag akong magupdate kaya there's no reason para mabitin. If you find this story interesting please dont forget to hit ⭐ button below to vote. Mabuhay lahat ng manunulat na pilipino. Ahliv Blue Smith's li...