CHAPTER 12 - WEAK

1.4K 56 4
                                    

Nasa daan na kami ng magsalita si Jasmine.

"Kilala mo iyong hot na magandang lalaki sa coffee shop." She said with conviction. Hindi naman ako umimik.

Pagkalabas namin ng coffee shop ay pinasakay ko na agad si Jasmine sa kotse ko at umalis na agad doon. Tumataas kasi iyong dugo ko sa inis.

"Kilala mo 'yun ano!? Wag ka na mag deny! Tinawag ka nga'ng love! Gosh! Wala pang isang buwan Sarah!" aniyang nakasigaw na naman.

"Nakilala ko iyon sa bakasyon ko. That's all." Hindi ko siya tinapunan ng tingin.

Busy ako sa pag dadrive ano ba!

"I knew it! Pakilala mo naman ako! balik na tayo sissy!" she changes tune na ikinataas ng kilay ko.

Naglalandi ang bruha!

"Tumahimik ka! Ayokong makita iyong malanding iyon. Anyway, we'll go to salon and we'll shopping!" masiglang sabi ko.

Umiling naman ang kaibigan pero hindi na nag komento. Wala naman siyang magagawa!

Parang may light bulb saaking ulo dahil sa naisip.

"Sissy, call the three girls, isasama natin sila para mas masaya at sabihin mong libre ko na kasi binulabog ko kayo." Ngisi ko.

Umismid ito pero ginawa naman.

"Bruha, magkita daw tayo sabi ni Sarah, oo bumalik na ang isang bruha, oo nga! E ttext ko ang location, libre daw niya. Kulit mo naman! Sige na! See you!"

Iyan ang paulit ulit niyang sinasabi sa cell phone sa tatlong kaibigan namin. Nag buntong hininga naman ito pagkatapos gawin 'yun.

Napangiti naman ako noong makita ko iyong tatlo kong kaibigan na busangot ang mukhang naghihintay saamin. Palinga linga pa sila. Napangiti akong lalo, hindi nila alam na nasa harapan na nila kami.

Unang lumabas si Jasmine na ikinagulat nila. Tinaasan ng kilay lang naman ng maldita ang tatlo.

Lumabas din ako at napanganga sila. Okay, aaminin ko, malaki talaga iyong ipinagbago ko dahil sa suot kong damit at hindi rin ako nakasalamin.

"Don't open your mouth like that, baka pasukan ng langaw 'yan." Ngiti kong sabi sa kanila.

Sabay sabay naman sila lumapit saakin at yinapos ako.

"Gosh Sarah!"

"Bruha!!!!"

"Gumanda kang lalo!"

Sabay sabay nilang sinabi. Humagikhik nalang din naman ako. It's good to have friends.

They react differently than Jasmine kasi si Jasmine lang naman kasi ang nakakaprangka sa akin.

"Let's go inside na. Magpaganda pa tayong lalo!" I beamed at them. They giggled in chorus pero iyong si Jasmine naman ay pinagsasapak ang tatlo kaya napuno kami ng tawanan.

Nasa VIP room kami at puro ingay lang kami habang inaayos ang buhok namin. May gumagawa sa paa at kamay namin at may nagsusubo din saamin ng pagkain, it's already 2 o'clock in the afternoon at ginugutom na kami kaya naisipan na mag order for lunch.

We looked like spoiled brats but who cares? Ngayon ko lang na libre ng ganito ang mga kaibigan ko dahil hindi nga ako gumagastos noon at sa mga cheap places lang kami gumagala.

It's not bad idea for treating them for a beauty spa, right? They deserve it from me.

"And take note girls, may nakikilala pang hot at napaka gwapong papa itong si Bruha!"

Si Jasmine na kumukota sa chikahan, at ako ang topic. Hinahayaan ko nalang din para hindi nako mag effort ng laway.

"What?" inosenteng tanong ko.

GRAVITY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon