CHAPTER 17 - MEETING THEM.

1.4K 44 11
                                    

Two big cars are waiting for us when we landed in the island. Our eyes can't accommodate the beauty of Green Island. Naka punta na ako ng Maldives at ibang sikat na isla pero naiiba talaga ang islang ito.

There's something different on it that you don't want to blink just to see the beauty that the island's giving you.

Mamayang hapon ang ceremony at may panahon pa kaming magpahinga ng konti at para sa preperasyon.

Axel informed me that the ceremony is on the beach at naghahanda na daw ang mga tao ni Azul para doon. Hindi lang namin nakita kanina dahil nasa kabilang dako daw iyon. Iyong may cliff daw malapit para mas effective ang sunset wedding namin.

Kinilig naman ako dahil doon. Ewan ko ba saan napupulot ni Axel ang mga ideyang iyon.

Maingay at hindi magmayaw ang mga kaibigan ko sa pagkuha ng pictures noong nasa loob kami ng sasakyan. We also saw a deer! Grabi talaga! Pati ako nag eenjoy!

Si Axel naman kasi ay abala sa pagtitipa ng kanyang cellphone at parang sanay na sanay na sa lugar. Pero kahit busy siya, iyong kamay naman niya ay mahigpit na nakahawak sa isa kong kamay.

"Sissy, talagang mahal na mahal ka ni Axel noh?" Bulong ni Jasmine saakin.

Napatingin naman ako sa kanya na nakanguso sa kamay namin ni Axel na magkahawak. I just give her my happy smile. At ang bruha umismid na naman!

Bitter siguro!

"Third! Crush talaga kita! May girlfriend ka na ba? Asawa?" sino pa ba? Si Anna na sumakay talaga sa front seat para makatabi ulit si Third.

Tumikhim lang naman si Third at hindi sumagot. Ewan ko ba anong meron kay Third at siya talaga ang palaging driver ni Axel.

Pito kaming nasa sasakyan ngayon, napapagitnaan ako ni Axel at Jasmine habang iyong tatlo kong kaibigan ay nasa likod namin.

"Hoy Anna! Bigyan mo nga ng respeto iyang sarili mo! Naturingan ka pa namang accountant!" sigaw ni Marga sa likuran.

"Wala kang paki! Minsan lang ako ganito!" sigaw din pabalik ni Anna, hinarap na naman si Third at nagsimulang magsalita tungkol kung gaano niya ito ka crush.

Baliw talaga!

Hindi naman nagtagal ay narating din namin ang sinasabi ni Axel na white house daw. And indeed a white house!

It's a white palace I can say. Napakalaki nito at sumisigaw ang karangyaan! Paano nila ito napaganda dito mismo sa isla? I'm amaze!

At kung manghang mangha ako? Mas mangha ang mga bruha kong kaibigan! Si Anna nga ay hindi na kinulit si Third dahil naagaw ng malapalasyong gusali ang atensyon niya!

"Let's go. I want you to meet my other brothers and their families." Aniyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas na.

Inakay naman ako nito sa paglabas ko ng sasakyan and his arms immediately wraps around my shoulder. He kissed my temple and we start walking to the White palace.

Gusto kong umatras dahil sa sumalubong saamin. Gosh! His brothers in arms with their families! And indeed families! Ang rami nila! May mga bata at...I can't contain sa rami nila!

Even my friends are very silent!

"Axel...nahihiya ako." Mas inilapit ko ang katawan ko sa kanya.

Ngumisi naman ito at bumulong saakin.

"You're so adorable love. Don't be shy, you are the bride." Sinabayan niya iyon ng kindat.

Kinurot ko sa inis.

GRAVITY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon