CHAPTER 16 - ISLA

1.5K 46 2
                                        

Bukas na ang kasal namin ni Axel at hindi ko maiwasang hindi kabahan. What my father will react on this marriage? Will he stop the revenge? Will he stop his desire of killing Axel because he is my husband now?

I'm just praying that my father will not do anything on my wedding day. Sekreto ang kasal namin sa ngayon kahit sa mga kaibigan ko. Axel suggested that we'll inform my friends the day before the wedding at ngayon iyon.

Mas mainam daw kung walang may alam muna habang naghahanda para walang damay kung kikilos ang ama ko. Ano kaya ang iisipin ng ama ko pag nalaman niya ito? O alam na niya na magpapakasal kami ni Axel?

He said to me in the recorder that he has eyes on us that we cannot hide from him. I believe him kasi kung wala talaga, how can he send me text the day that Axel and I reconciled?

He even texts me that I do good!

Ano kaya ang iniisip ng ama ko? That I play hard to get to Axel? O tactic ko iyong pag alis sa bahay ni Axel para mainlove ito saakin? I really don't know. The thing that I know is that my father can do anything to kill and destroy Axel.

Ginagamit niya ako para mas mapadali ito dahil alam niyang hindi niya basta bastang malalapitan si Axel. But he failed on using me and his tactic failed him. Pinalaki niya akong mabuting anak at sana naisip niya na hindi ako papanig sa hindi mabuti.

He supposed to know that!

Pinaglalaruan ko ang singsing na binigay saakin ni Axel noong gabing sumang ayon ako sa pagpapakasal sa kanya. It's been a week?

I smiled. He's so prepared and so sure that he can marry me. He said that he bought the ring when I was staying on the hotel. At isang gabi lang naman akong natulog doon sa hotel!

The ring is simple pero nakaka agaw ng atensyon ang bato ng dyamante sa gitna nito! Umiling ako, he really knows how to used his money well.

Naka upo ako ngayon sa harap ng malaking swimming pool at hinihintay ang mga kaibigan ko. Si Axel ang nag imbita sa kanila para mag swimming daw. But the truth is, gusto ni Axel na dito daw sa bahay namin sasabihin na ikakasal na kami bukas. Para daw kung ano ang reaksyon nila ay safe dahil nasa loob ng bahay. Para wala daw makakarinig o makaka alam.

Mahirap na daw.

Walang namang naging problema doon dahil hindi nagdalawang isip ang mga bruha kong kaibigan na sumang ayon. I saw their respect on Axel and I'm happy with it.

"Madam your visitors are here." Imporma ng kasambahay saakin. Nginitian at tinanguan ko ito.

Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang ingay nila. Napangiti ako ng malapad.

"Bruha!!!! Hindi ka na namin tinext dahil iyong jowa mo na ang tumawag saamin!!! Hindi talaga ako makapaniwala! Gosh!" Si Marga na nakalunok na naman ng microphone.

Tumawa naman kaming lahat dahil sa kanya. Naka sunny dress silang apat at paniguradong naka swim suit sila!

"Sinundo kayo ni Third?" tanong ko. Una namang sumagot si Anna.

"Oo! At gosh! Mas lalo ata siyang naging hot at sexy!" tili nito.

Umirap ang tatlo at ako naman ay napataas ang kilay. Kung noong isang linggong pumunta sila dito ay parang naiilang siya, ngayon naman ay kinikilig?

"Siya iyong nasa front seat kanina, at hindi nahiya kay Third at dada ng dada. Nakakahiya talaga iyang bruha na 'yan!" Si Grace na parang hiyang hiya talaga.

Natawa ako, noong isang linggo kasi, siya ang walang hiya kay Axel.

"Eh kasi naman Bruha! Gentleman! At ang bango pa! Gosh! May asawa na kaya iyon? Sana naman wala!" kinikilig talaga nitong sabi.

GRAVITY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon