CHAPTER 15 - MY FRIENDS

1.6K 47 2
                                    

I told them about Axel pero iyong iba ay hindi totoo. Iyong story na pumunta ako sa kanya para humingi ng tulong at kinailangan ang service nito. I just told them what I told Jasmine na nakilala ko ito sa bakasyon ko. Naniwala naman sila agad at kilig na kilig.

Ako din naman kinikilig. Sino ba kasi ang hindi diba?

"So...you gave your V to him." Nanunutyang sabi ni Grace.

Hindi ko siya sinagot. Ang ingot eh!

"Pero seryoso, may kapatid ba 'yun? Kuya kaya? Ang hot tapos ang gwapo-gwapo! Shit talaga ng malagkit! Alam mo bang laglagan ang mga panga namin kagabi?" Si Marga na parang nangangarap.

Sinapak naman agad ito ni Jasmine. Inirapan lang naman niya ito. Napatawa ako.

"Wala eh. Ang alam ko, nag iisang anak siya tapos wala na siyang mga magulang." Sabi ko.

Napabuntong hininga naman silang lahat. Silang lahat talaga!

"So, over na talaga kayo ni Stephen?" si Jasmine.

Nawala ako sa bubles ko. Sumimangot naman agad si Grace.

"Wag mo nga isali ang Ex! Boring naman kasi iyon!" ani Grace na ikinagulat ko.

"What? Kung makatingin naman kayo saakin! Boring iyong professor na iyon! Walang thrill! Pero iyong si papa Axel, ang lakas ng dating at parang hulog talaga ng langit sa kagwapuhan! Kaya nga isinuko ni Bruha iyong bataan niya diba?" tinaas pa nito ang kilay.

Napa Ouch naman ito ng maarte noong sinapak ko sa braso. Ang bunganga talaga kahit kailan!

Umiling naman si Jasmine at iyong dalawa naman ay parang walang pakialam. Sa apat ko kasi na kaibigan, si Jasmine lang ang boto kay Stephen dahil masaya daw ako. Pero iyong tatlo, hindi talaga sila nagsasalita tungkol saamin ni Stepen noon.

Nagsimula na kaming kumain at bukang bibig nila palagi si Axel. Kung gaano daw ito ka gwapo at kung papano daw ito kagaling humalik saakin kanina sa labas. Pulang pula nga ang pisngi ko sa mga pinagsasabi nila.

We end up going to the mall. Nag text ako kay Axel na ako nalang ang bibili ng bago kong mga damit at wag na siyang mag alala dahil iyong "modest" na ang pipiliin ko.

Wala siyang reply kaya hinayaan ko nalang. Baka busy talaga iyon masyado.

Naiisip ko palagi iyong problema ko kay dad pero pinagbibigyan ko ngayon ang sarili kong makalimutan iyon kahit saglit sa pamamagitan ng mga kaibigan kong mga kalog.

"Girls, ibibigay ko iyong mga pinamili natin kahapon. Sinong may gusto noon?" tanong ko sa kaibigan noong nasa loob kami ng elevator.

Tinaasan na naman nila ako ng kilay. Huminga ako ng malalim.

"Axel doesn't like it. Pinag awayan pa namin iyon kaya tayo nandito para mamili ng bago, iyong hindi daw sexy at 'yung "modest" tignan." Baliwalang sabi ko.

Nagtataka naman akong tinignan silang laglagan na naman ang mga panga. Hindi ba sila mag kaka-lock jaw niyan?

"Sissy! Are you fucking serious?!" hindi makapaniwalang sigaw nito.

Tumango naman agad ako. Yes! Seryoso naman talaga ako! Ayoko kayang nag aaway kami o nagtatampo saakin si Axel dahil lang sa damit. It's a petty thing kaya susundin ko siya!

"Bruha, in love ka ngang talaga!" si Anna na umiling iling pa.

"Okay lang mainlove sa ganun ka gwapong nilalang noh?! Kahit ako susunod din sa mga sasabihin niya!" Sino pa ba? Si Grace na nag dday dreaming na naman!

Hindi nagkomento si Marga pero napailing din.

What? Anong masama doon?

Naging abala kami sa paghahanap ng damit ko. Hindi naman kami nahirapang mag hanap ng magandang dress pero hindi sexy. Nag suggest si Jasmine na itago ko nalang daw iyong pinamili ko. In case may date daw kami ni Axel ay gagamitin ko.

GRAVITY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon