CHAPTER 24 - THE PROVINCE

1.4K 54 3
                                    

Nagising akong may pagkain na sa harap ko at bukas ang mga bintana ng kwarto. Tumayo agad ako at dumungaw doon at nakitang papalubog na ang araw. Nakikita ko sa paligid ang matatayog na mga punong niyog at may mga ilang punong kahoy din. Naririnig ko ang hampas ng alon mula sa dalampasigan.

I've been in beaches, islands, but this place looks different. Napatuwid ako ng tayo noong ma realize ko kung bakit ako nandito. I gasped when I found the door is not locked!

Nasa ikalawang palapag ako kaya bumaba pa ako sa kahoy na hagdan. Nagkaroon ako ng oras para pagmasdan ang paligid. The house is a two story but it's all wood, it's not a concrete one and it's very simple.

It's refreshing. Umiling ako, ano bang pinag iisip ko?

Deretso lang ang lakad ko hanggang makalabas ako ng pintuan. There, I saw a man and a woman in the dirty kitchen?

Kung kanina ay mabilis akong naglalakad, ngayon ay binagalan ko iyon. Malapit na ako doon ng huminto ako sa paglalakad. The man hugged the woman from the back and kissed her neck and the woman laugh in a lady like.

Huminga ako ng malalim. They looked really happy at bitter ako.

Lumakad ulit ako, ewan ko ba, dapat ay nagpupuyos ako sa galit ngayon dahil kung tutuusin ay kidnapping ito. Pero hindi ako galit at hindi ako naiinis.

Tumikhim ako at sabay naman ang dalawang naglalambingan na tumingin saakin. Napa atras ako noong makilala ko kung sino ang lalaki. Bakit niya ito gagawin?

Ngumiti saakin iyong babae pero hindi ko iyon sinuklian, I'm not usually snob but I don't understand.

"Bakit mo ako dinala dito?" mariing tanong ko. Matalim ko siyang tinignan at hindi tinapunan ang babaeng bumuntong hininga.

"For your safety." Sagot nito at lumakad palapit saakin.

Umatras naman ako.

"Bakit? Hindi naman kita kilala. I mean, yes, we've seen each other for a couple of times pero hindi iyon rason." Pagdududa kong tanong pa rin.

"It's my job. It's my mission to protect and look after you. For now." Seryosong sabi nito.

"Sinong nag utos sayo? At anong mission? Si Ky ba?" humalukipkip ako.

If this is protection, it means, I'm in good hands?

Itinagilid nito ang ulo at hindi na sumagot. Well, si Ky lang naman ang gagawa nito diba? Hindi ko dapat isipin na si Axel!

"Miss Sarah, sorry for our ways, we don't want to made a scene in the convenience store earlier so we just ahmmm...we just made you slept for a while?" binaling ko ang tingin sa babae noong magsalita ito.

She's there?

"Yes! Nandoon ako pero nasa kotse nga lang, anyway, I'm Elsa and that's my husband Dominic." Nakangiti nitong sabi sabay turo sa lalaki.

Dominic pala ang pangalan noong delivery boy sa hotel.

Hindi pa ako nakahuma noong hinila ako nito para maupo doon sa kahoy na upuan na kaharap din ang kahoy na lamesa. Inilapag agad ni Dominic iyong mga pagkain. Nagkatinginan kami noong tumunog ang tiyan ko.

Lupa kainin mo ako! Nakakahiya!

"Dear let's eat na! nagugutom na ang bisita natin!" masiglang sabi ni Elsa at sinabayan iyon ng malutong na tawa.

Napangiti naman ako.

"Mas maganda ka pag nakangiti!" turan ni Elsa. Nakita pala nito ang pagngiti ko.

Napalunok ako ng laway noong tumambad saakin ang inihaw na panga ng tuna. Ganito ba talaga? Kapag nasa tabing dagat ay isda? But I'm not complaining ha!

GRAVITY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon