CHAPTER 19 - HAVE YOU EVER REALLY LOVE A WOMAN?

1.4K 49 9
                                        

My face is red as strawberry when we entered the big gazebo. They all looking at us and even we didn't tell them what we did earlier, they already knew!

A pre-honeymoon!

I don't have a make-up anymore, my hair is down and I change clothes! Ito namang asawa kong nakahawak sa baywang ko ngayon ay parang walang pakialam! Nakangisi lang ito sa mga kaibigan niya na para bang nanalo sa lotto!

"At last! The bride and groom have arrived!" Si Anna na master of ceremony siguro kasi siya iyong nakahawak sa microphone at may hawak na papel.

May ngiti ito sa labing nakakaloka.

The gazebo is big and it's full of white chairs. May isang malaking lamesa kung nasaan ang mga pagkain. Pinasada ko ang mga mata ko sa paligid at nakitang iyong mga bata ay nag eenjoy na sa pagkain.

"Let's all welcome! Mr. and Mrs. Dizon!" ani Anna sabay palakpak ng kamay.

Pumalakpak naman ang lahat pati rin ang mga chikiting. Napatawa nalang ako at nalimutan na ang hiya.

Umupo kami sa pinakaharapan kung saan malapit kay Marga. My husband immediately put his arms on my shoulder and kissed the side of my lips the moment we seated.

"Bago ko tawagin ang mga magsasalita dito sa harap ay ako na ang mauuna! The privilege of being the Master of ceremony!" sinabayan niya iyon ng tawang totoo.

Nagtawanan nalang din kami.

"Bruha...ahem! Naiiyak ako ano ba! Nasaan ba si Third my loves at hihingi ako ng panyo?" Si Anna na hinahanap kuno si Third.

Nagtawanan ulit ang mga tao. Nakita ko si Third sa may gilid na umiling iling pero may ngiti sa labi!

What's that for? Natatablan siya sa kakulitan ni Anna?

"Anyway, I'm sorry...hehehe...Bruha, I'm so happy for you. Hindi iyon masukat. I remember in college how you basted all the guys in the school without a blinked! Wala kang awa noon kahit iyong sikat na varsity star player ay hindi mo pinatawad! Kahit nagkaroon ka ng boyfriend for the first time ay hindi kita nakitang ganito ka saya. Hindi ko nakita ang mga mata mo noon kung gaano kuminang ngayon. I'm a hopeless romantic you know that, kaya alam ko kung ang tao ay nagmamahal o hindi. As for you Mr. Dizon, pero sinabi ni Sarah na Axel nalang daw dahil okay lang naman daw iyon sayo. Hehe! Ito lang ang masasabi ko, you are one lucky bastard!"

Napaubo naman ako. Nagtawanan ang lahat dahil sa huli niyang sinabi. Bunganga talaga nitong si Anna! Pero hindi ko maiwasang hindi ma touch. Si Axel naman ay nginisihan lang si Anna.

"I want to call the presence of Mr. Azul Hamilton for his word?" nagseryoso na ang kaibigan kong bruha!

Tinignan ko si Axel na parang hindi mapakali. Is he serious?

Hinawakan ko ang kamay niyang parang nanlalamig! Seryoso?

"Love, relax. Si Azul lang 'yan." Ngitian ko siya.

Ano bang mayroon kay Azul at hindi mapakali ang mahal ko?

"Axel, my brother." Simula ni Azul sa matigas na Englis na nakangising nakatingin saamin.

Tahimik ang lahat at pati ako ay hindi alam kung bakit. Para siya iyong ama nilang lahat!

"We've known each other half of our life. Through pain in life and being an asshole. You don't know but I'm dreaming to see you like this, this fucking happy and-"

"Watch your language old man!" sigaw ni John Apollo sa likod kaya hindi naipatuloy ni Azul ang sinasabi niya.

Biglang umingay ang lahat dahil sa tawanan.

GRAVITY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon