Lane 5

14 4 2
                                    

"The heck? Ibigsabihin, si Andrey Siyena pala ang pinag kakaguluhan nila sa school?! The eff!" Bwisit na bwisit kong sabi ng makarating kami sa kwarto na pinag check inan ko. Si Bea ang kasama ko at si Cleyah at Hen naman ang magkasama samantalang sila Carl at Jerry naman sa isa.

"Bakit ba ang big deal nun sa iyo, Yel? What happened?" Sabi ni Bea pagkalapag niya ng back pack niya sa kama niya.

Diba sabi ko sa inyo, may seminar dito sa Cavite na gaganapin sa Imus Institute bukas ng 9:00 am? Si Bea kasi ang sinama ko samantalang si Jerry at Cleyah naman ay mga staff ng seminar na iyon. Si Hen at si Carl ang extra. Syempre, kailngan kapag namamasyal kasama ang buong tropa. Sinabi nalang namin na si Carl at Hen ang guard namin. At dahil uto uto si Mrs. Aklea, naniwala siya. Tanga mode on slash shunga shungahan siya eh.

"Eh kasi, diba kanina nasiraan ako? May tumulong sa akin na blonde ang buhok, may 8 pack abs at matangos ang ilong na englisero. Tinulungan akong mag lagay ng gulong. Tapos, hinahanap pala niya ang tatay ko na nasa Italy ngayon para raw sa internship niya sa Korea. Tapos nag exchange kami ng number. Tapos viola! Nakarating ako sa Kartini." Sabi ko sakanya. Literal na napa nganga siya. As in nga nga talaga. -0-

"Kaloka naman yang buhay mo, Yel! Lokaret ka! Una, si Ken James, pangalawa, si Andrey! Nakaka lerkiii!" Sabi niya at napahiga sa kama niya.

Nang narinig ko ang pangalan niya, na change mood agad ako. Ewan ko ba, nakaka bagot lang. Naalala ko yung nakita ko kanina. Naalala ko kung gaano siya nakipaglandian sa mukhang ingrown na babaeng iyon. Akala mo kung sino, purket anak ng presidente ganyan na siya! Akala mo kung sinong mukhang lalaking hulog ng lupa nauna ang mukha. Manyak talaga siya! M A N Y A K!😑😑

Teka nga, bakit ba ako nag iisip ng ganto? Letche flan. Nabubuang na ako! Argh! Ano naman ngayon kung may kalandian siyang babae na mukhang ingrown! Wala naman akong pakealam. Wala akong pake kahit sino pa maka ano niya diyan! Letche siya. Manyak kasi siya eh! Manyaaaaak!

Nadinig kong may kumatok sa pintuan nang kwarto namin. Si Bea nasa cr eh.
"Bea, Yel, kain tayo sa Shakeys. Nagugutom ako." Sabi ni Carl.
"Lagi ka namang gutom! Kakakain lang natin sa Jollibee kanina ng chicken!" Sabi ni Bea na nag eecho pa kasi nasa Cr siya.
"Tse! Tumahimik ka nga Beatrice!" Sabi ni Carl sa kanya.
"Wag mo nga akong tawagin sa pangalan na iyon! Nakaka diri!" Sabi ni Bea.

Oo, Beatrice ang pangalan niya. Ayaw niya daw sa pangalan na iyon kasi masyadong mahaba at masyadong pambabae. Kesyo hindi naman daw siya girlish. Tse, mukha niya. Isaksak ko sa esophagus niya yung sinasabi niyang pangbabae. Tamad lang siya mag sulat ng pangalan! Ang haba haba naman kasi nang pangalan niya! Beatrice Chanteliya Charline Alfonso. Oh diba? Ang haba? Pangalan ng nanay niya yung Chanteliya at yung Charline ay gusto ng tatay niya. Yung Beatrice naman ay pangalan ng lola ng dad niya. Nakaka loka lang.

"Tara na nga, satsat pa kayo nang satsat. LQ nanaman kayo." Asar ko sa kanila.

"Baliw ka ha!" Sabi ni Carl at Beatrice na kakalabas palang ng cr.
"Ayieee. Pati dila nila mag ka kunekta na. Aysus." Pang dagdag asar pa ni Jerry.

"Loko kayong mga kutong lupa kayo!" Sabay na sabi nanaman nila. Kita kong na mumula na si Bea habang nag susuklay ng buhok. Obvious naman kasi na mag MU sila ayaw lang nilang aminin. Nakaka lerki ang pag ibig. Buti nalang ako walang balak magka ganyan. Gig muna naming Mysterious 6 ang aasikasuhin ko, ano.

"Cleyah, yung number ni Chad meron ka?" Sabi ni Hen kay Cleyah nung nasa sasakyan kami.
Chad - pangalan ng kuya ni Cleyah. Si Cleyah kasi  yung silent type samantalang si Chad yung maingay na akala mo kung sinong ang yabang yabang.
"Si kuya? Nag iba siya ng number. Atsaka nasa Singapore siya ngayon. May business meeting something yata o baka may ka date lang na babae doon. Alam mo naman iyon, playboy." Sabi ni Cleyah na kinapout naman ni Hen.

Ruined Lanes (Book 1 - Lane Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon