Lane 21

4 0 0
                                    

Ready


Nasa bar ako ngayon kasama si Cleyah at Bea. We were laughing our hearts out sa dancefloor. We danced and danced. Hindi na nga namin namalayan ang oras.

Sumasayaw ako noon, at hindi ko na mahagilap sila Bea at Cleyah. But I'm too drunk to even care.

I was dancing wildly nang may biglang humatak sa akin mula sa dancefloor. He held me by my waist at hindi ako makawala. Lumabas kami ng bar when I noticed who he was.

Dark shaved hair, black eyes, white skin, pinkish lips, and his perfect sexy jawline. Naka simpleng pula na v-neck shirt lang siya at maong pants at sneakers pero ganito kalakas ang dating ng lalaking 'to. I wonder, kaya siguro siya naging model at singer. Edi siya na.

"What do you think you're doing, woman?!" Sabi niya sa akin. He was fuming mad. I could see it in his eyes.

"What?" Inosente kong tanong. Ano ba ang ginagawa ko? Sumasayaw lang naman ako sa dancefloor! I just enjoyed today! Kasi baka bukas, hindi na ako masaya!

"Boys are all around you, Yeleena! Yet you're too drunk to even notice!" Sabi niya. He was staring at me, bursting his anger.

"Ano naman sa'yo ngayon, Ken? Bakit ba lagi ka nalang hadlang sa mga kasiyahan ko?" Tanong ko sakanya. I do not know if it's about me being drunk, or his anger was the outburst of me.

"You haven't changed, Yeleena," Sabi niya that made me broke down.

"Of course! Why would someone so fucked up change? Why would I change if I already knew that nobody loves me?" Umiiyak kong sabi. Hindi siya nag salita. He didn't react.

"Ganyan ka naman, e! Kung kailan ready na ako, saka ka laging nawawala! Punyeta! Napaka paasa mo! Nakakainis! Hindi mo lang alam kung ilang beses ka nang pinatay nila Cleyah sa isip nila pero nandun ako!" Sabi ko. Pinunasan ko ang mga luha na lumalabas sa aking mga mata. "Ako yung nandun para sabihin sa kanila na kasalanan ko! Kasi umasa ako! Kasi ayaw kitang ginaganon kahit na sobrang sakit na!" Sabi ko. Mga ilang minuto din akong umiyak.

"Pero pakshet lang, Ken! Pwede ba?! Sawang sawa na akong umasa, sa totoo lang! Nung bumalik ako, gusto kong maghiganti! Pero alam mo ba kung bakit hindi ko ginawa?" Tanong ko sakanya, pero nakatayo lang siya don. Emotionless. Expressionless.

"Kasi ayaw kitang nakikitang nasasaktan! I do not want you pained! But fuck! I'm the one pained, Ken! I'm one fucked up person! I'm a damn martyr! Ang tanga tanga ko kasi shit, bakit ako umaasa sa'yo?" Sabi ko at napatawa ng mahina saka pinunasan ang mga luha.

"Tapos nandito ka nanaman. Hinahadlangan mo nanaman ang kasiyahan ko. Pakshit, Ken! Please! I just want to be happy! Pag bigyan mo nalang ako... because I'm afraid, Ken. I'm afraid I might not be happy tomorrow. Baka bukas, I'll be someone who pretends to be happy even though I'm not. Ken, please..." Umiiyak kong sabi at napaluhod nalang ako sa harap niya. Hindi ko alam kung bakit, pero...

"Yeleena, look, I'm sorry if I caused you so much pain. I'm sorry if I made you this fucked up. I'm sorry if I thought that letting you go is one of the ways your ruined lanes will be complete. Will be fixed." Sabi niya at tinabihan ako sa pagkaluhod ko. He gave me his handkerchief and I took it.

"Pero sana ready ka pa din. Sana ready ka pa ding tanggapin ako. I hope you're still ready to take me in your life," Sabi niya sa akin. Hindi ako kumibo. Bumalik nalang ako bar at pumunta sa table namin nila Bea. There, I cried everything. Every fucked up thing I can remember I cried upon.

Fuck this shit. Alam niya kaya yung feeling na, sa t'wing nagiging masaya ako, 'yung hindi ako namemeke ng ngiti, ay lagi siyang humahadlang? Yung tipong, laging may Ken James na nag hihintay after every rainbow.

Napabalik na si Cleyah at Bea sa table namin, both having someone to hook up. Bea was still devastated after her and Carl's break up. Hindi na rin ako mag tataka na kaya naging ganyan siya.

Cleyah? Well, wala. Wala nang nagyari sa lovelife ni Cleyah kahit pa na siya ang pinakamaganda sa amin. And in this table, the 3 of us are fucked up.

Hindi mo nga aakalain na isa sa mga miyembro ng Mysterious 6 ay ganito na ang kakalabasan. Kung dati, ang saya saya namin, ngayon, nag kawatak watak na kami. Para tuloy kaming mga tanga, same band, same story.

"Bea, I need to go," Sabi ko kay Bea while she was drinking wine. Tumango siya sa akin at nag thumbs up saying "okay lang 'yan," Thank goodness at nandito pa din ang 2 'to.

Nag drive ako pauwi. Lasing ako, yes, kaya nakakapagtaka na nakaka drive padin ako. Naka rating ako sa condo ko ng matiwasay, kumbaga, parang wala lang nangyari kanina.

I'm a very fucked up person na umaasa sa happy ever after, umaasa na magkakaroon ako ng katulad sa mga fairy tales. Na isa din akong prinsesa. Na mag kakaroon ako ng prince na mag susuot sa akin ng glass sandals. Prince na puputulin ang buhok ko para lang makalaya ako sa evil witch. Isang prince na handa akong halikan, hahanapin at makikipag laban, para lang mahalikan ako ng magising ako from my curse.

Pero sadly, wala. I should wake up, wake up to the reality that I'm no princess, and I can't have my prince.

Kinabukasan, nakakatuwa dahil tama ang hinala ko kagabi. My head fucking hurts like shit at pagod na pagod ako. Sobrang sakit ng ulo ko at para akong tanga na hindi maka tayo para manlang makainom ng tubig.

Buti nalang nasa bulsa ko lang ang cellphone ko at agad kong tinawagan si Manang Nana, yung nag babantay dito sa condo kapag wala ako.

"Hello manang?" Pagod kong sabi. Sadly, I did not recieve any response. Kaya nag patuloy nalang ako sa sasabihin ko.

"Manang, may lagnat ako at hindi po ako makatayo. Pwede po ba kayong pumunta dito? May susi po 'tong condo na nakaipit sa may pinto. Thankyou, manang," Sabi ko at I ended the call. Bahala na, alam ko naman na naririnig niya 'yun. Bahala na talaga.

Nakatulog ulit ako. And as I woke up, may na amoy akong sobrang bango. I knew it, dadating si manang. Sinubukan ko ulit tumayo and I succeeded, naka tayo naman ako pero hirap padin. Mga 3 steps lang ang nagawa ko at bumagsak na ako sa sahig. Napahiga ako at sobrang sakit ng bandang pwetan ko.

"Ahh! Putang ina!" Sigaw ko. Bigla naman akong nakarinig ng pagtakbo na papalapit at kinagulat ko ang nakita ko.

Wearing the pink apron I usually use, he carried me into my bed like I weigh a single piece of plastic.

"What the fuck are you doing here?!" Asik kong singhal sa kanya. Si manang ang tinawagan ko at hindi si Ken!

"You called me, and even called me manang," Sabi niya as a matter of fact.

"Aba puta! Si manang Nana ang tinawagan ko at hindi hayop na Ken!" Sabi ko at tinignan ang phone ko and yeah, surprisingly, Ken James nga ang nakalagay.

Punyeta lungs.

"See? I told you so. Now get ready and I'll just get the chicken soup I cooked, stupid," Sabi niya at umiiling iling pa.

"Hayop ka! Hindi ako stupid! Tanga lang ako! Tanga sa'yo..." Halos binulong ko na yung huling part and I am very sure na hindi niya 'yun maririnig.

Ang tanga mo talaga forever, Yeleena.

**

THE END IS NEAR! :)

Ruined Lanes (Book 1 - Lane Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon