Don't kiss cheeks kissedHindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kahapon sa McDo. Pati na rin yung un exoected na sinabi sa akin ni Ken. Sa totoo lang, hindi ko alam pero parang naiinis ako sa sarili ko kasi pinalampas ko ang pagkakataon nung unang araw ng seminar. Para akong naiinis na, dapat nag I love you too na den ako. Masakit sa part ko yun, syempre. Kasi yung lalaking nag I love you sayo nung isang araw, kinabukasan makikita mo nalang kasama ang isang babae at tinawag pang hon, diba? Kasi babae parin naman ako. At alam kong ang mga babae ang isa sa pinakamahirap ispellingin.
"Yeleenaaaa! Yoooohooo!" Pasipol na katok ni Hen sa kwarto. Mag isa lang ako sa kwarto ngayon. Si Bea kasi nag pasama kay Carl bumili ng bag para daw sa Baguio. Wala pa nga akong sinasabi na sasama sila o hindi pero nauna na sila. Amazing lang.😑
Binuksan ko ang pintuan. "Oh? Bakit Hen?" Sabi ko. Tumuloy tuloy siya sa pagpasok ng kwarto dala ang kanyang aso na si Nic. (Ni-k)
"Pwede bang samahan mo ako sa Lumina? Sa taas kasi nun may space eh. Matagal na din kasing hindi naka lakad itong si Nic." Sabi niya habang hinihimas ang fur ni Nic.
"Hm, sige. Sure. Mag bibihis lang ako. Malapit lang naman dun yung meeting place namin ni Justine." Sabi ko. Tumango naman siya at lumabas na ng kwarto.
Oo, may lakad kami ni Justine Nauchi. Sabi niya ako daw yung tutulong sa kanya sa tour namin sa Baguio. Kaya sabi niya mag kita daw kami ngayon sa Jollibee. Aba ewan ko sa kanya. Wala akong paki kung ganun siya. Purket gwapo siya? Kingina niya.
Nag bihis ako ng black shirt, dinala ko yung headphones ko, tapos naka high waist shorts lang ako at naka cap. Suot ko din yung vans ko na grey. Nag dala na din ako ng shades dahul 2 pm na. Siguradong mainit.
Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Hen at si Nic sa lounge. Kinawayan ako ni Hen at binuhat na palabas si Nic. Isang maliit na aso lang si Nic. Puppy pa lang. Sa pag kakalam ko, 1 month palang siya. Lalaki si Nic. May aso din si Carl, babae naman. Chloe naman ang pangalan ng kanya.
Pag pasok namin ng kotse, maliliit na tahol lang ang ginagawa ni Nic. Naiingayan na din si Hen kaya pinatulog nalang niya. May bote pa at gatas si Nic, ano!😂
"Saan ko kayo ibaba, Hen? Sabay nalang kayo sa akin sa parking?" Tanong ko.
"Ah, sige. Thankyou nga pala, Yel." Sabi niya sa akin.
"No prob." Sabi ko at niliko na ang sasakyan papuntang parking. Pagka park ko, agad na nagising si Nic. Dumiretso na sila sa taas tapos ako dumiretso na sa Jollibee.Pag ka pasok ko, nakita ko ka ahad si Justine na naka busangot at nakatingin sa pinto. Agad naman siyang ngumiti nang nakitang ako iyon. Kinawayan niya ako at sinenyasan na don nalang ako umupo sa kanya. Well, dun naman talaga ako uupo. Tanga mode on siya eh.😒
"Anong pag uusapan naten?" Agad kong sabi sa kanya. Bumusangit siya sa tanong ko. May mali ba akong sinabi?
"Wala manlang bang, "hello! Kumusta?" Or di kaya "Hi Justine! Namiss kita!" Tapos beso." Sabi ni Justine. Napatawa nalang ako. Buang talaga to eh.
"Una sa lahat, wala ako dito para makipag date. Pangalawa, hindi kita mamimiss." Sabi ko.
"Kumain na ngalang tayo ng fries!" Sabi niya. Nakita ko naman na may malaking fries sa lamesa. Sabay kaming kumuha at sabay din kaming naglagay ng ketchup tapos isasawsaw sa gravy.
Nagkatinginan kami."Ting ting?!"
"Len Len!" Sabay naming sabi."Ikaw na ba yan, Ting ting?" Gulat na sabi ko. Sa pag kakalala ko, si Ting ting ay mahiyain, walang itsura, at payat! Eh ngayon, gwapo, walang hiya, tapos may laman na ang katawan! Nag punta oang ng Italy ganto na ang nangyari?!
"Oo! Ako na to, Lenlen!" Sabi niya sa akin. Tumawa nalang kami. Nagkuwentuhan nalang kami. Si Tinting kasi ay isa kong childhood friend. Kababata ko siya actually. Parehas kami ng birthday - January 10, 1999. Parehas kaming mahilig sa fries na may ketchup at gravy.
Sa ang ending, wala kaming napag usapan about sa Baguio Trip. Puro childhood memories lang ang nangyari eh. Hahaha.
Nag punta kami ng supermarket para mamili. Kung ano ano mga binibili namin kasi mga favorite namin iyon nung bata pa kami. Nakakatuwa lang talaga.
Nung nag babayad na kami, may nahagip ang mata ko na may tumitingin sa amin-akin. Nilibot ko gamit ang aking mga mata ang buong lugar. Pero sa di kalayuan nakita ko siya. Yung lalaking pinaniwala akong ako yung mahal niya. Masama ang tingin niya sa akin. Aba, syempre tinarayan ko lang din siya. Wala na siyang paki kung bakit. Paasa kaya siyang kutong lupa siya! Letche!
"Okay ka lang, Lenlen?" Sabi sa akin ni tingting.
"Yep. Tara na? Uuwi na din ako eh." Sabi ko at nakitang mag 5 na pala ng hapon.
"Gusto mo bang mag dinner muna tayo?" Tanong niya sa akin.
"Di na." Sabi ko at binuhat yung pinakamagaan na shopping bag.
"Hatid nalang kita?" Sabi niya pa nung papa alis na kami sa store.
"Hindi na. Dala ko naman kotse ko." Sabi ko at winagay way sa mukha niya yung susi ng sasakyan ko.
"Okay. Pwede ba makuha number mo?" Tanong niya pa sa akin.
"Yeah sure." Nag exchange kami ng cellphone tapos hinalikan na niya ako sa pisngi.
Tinanguan ko siya at nauna na akong mag lalad sa parking lot. Pagkalagay ko ng mga pinamili namin sa likod ng kotse ko, may biglang humarang sa akin.Pag angat ko, nakita ko siya na nakatingin ng masama sa akin. Okay... Anong trip niya ngayon?
"What are you doing with him?" Cold niyang sabi.
"Wala. Nakikipag date?" Sabi ko. Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata. Tche! Manahimik kang kutong lupa ka! Masyadong kang paasa! Pero hayaan mo, kapag nag I love you ka ulit sa akin, mag I love you na ulit ako sayo. Yuuuck! Ano ba yang ginagawa mo, Yeleenaaa! Yung landi hormones mo ang dami!
"DIBA SINABI KO NAMAN NA SAYO NA I DON'T LIKE SEEING YOU WITH OTHER BOYS?!" Inis at galit niyang sigaw habang pinag sasapak ang pader.
Ano bang pakealam niya? Hindi naman ako paasa sa aming dalawa? Bakit nag kakaganyan siya?
"Ano ba kasing pake mo, ha? Bakit ba ganyan ka kung maka react? Atsaka bakit kasama mo ako dito ngayon?! Baka hinahanap ka na ni Adleena aka Leena --" Hindi niya ako pinatapos dahil hinalikan niya ako sa lips ko. Fuck.
Ewan ko kung bakit, pero I found myself responding to his kisses. Nakaka lasing ang mga halik niya. Yung tipong, ayaw ka niyang pahalikan sa iba.
Hinalikan niya ang noo ko, ang ilong ko, pero dumiretso agad siya sa labi ko. Diba dapat meron pa sa pisngi?
"Diba dapat meron pa sa pisngi, Ken?" Sabi ko.
Nabwisit siya sa sinabi ko.
"I don't kiss cheeks kissed by another guy." Sabi niya s aakin at niyakap ako. Pero bumulong siya sa aking tenga. "Gusto, kapag akin lang, akin lang." Sabi niya at hinalikan muli ako.
BINABASA MO ANG
Ruined Lanes (Book 1 - Lane Trilogy)
Teen FictionMeet Yeleena Flores, she's a girl na mulat sa ginto. Lahat ng gusto niya nakukuha. She's the black sheep of the family. Pati nga pag inom ng alak nagawa niya. Pag dadrugs, pag bar, pag shabu, nagawa niya lahat yan. She was turning into her ruined la...