TEN

2.7K 161 17
                                    

Note: Did not proofread and.... I might, MIGHT, update everyday except on sundays because I want to finish this book before their anniversary so.. yeah. 😊 Tweet me, @grlnmdcnsbrd!
-------------------------------------------------------------------------------



Kiss


Everybody went home at 10 because we will be having a press conference tomorrow. Nag-guilty na akong laging sumasabay kila ate Pat. I can see how tired they all are and I shouldn't put more baggage on their shoulders.

"Ate, I will bring my car tomorrow. Doon na lang tayo magkita sa venue." Kinalabit ko siya dahil nakakatulog na ito.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit? Pwede ka naman naming sunduin. Baka ma-hassle ka lang." Kayo nga naha-hassle dahil sa akin eh.

Huminto ang service hudyat ng pagdating namin sa condominium na tinutuluyan ko hanggang ngayon. Isa-isa ko silang hinalikan sa pisngi bago ako lumabas. Nakataas pa rin ang isang kilay ni Patchy dahil hindi ko pa sinasagot ang tanong niya. Bumaba ako ng kotse at inilagay isang kamay ko sa pinto nito.

I sighed. "Wala lang. Nami-miss ko na kasing mag-drive. You know I love long drives, right?"

Hindi ko sinabi sa kanya 'yong tunay kong dahilan dahil alam kong mas lalong hindi siya papayag na hindi ako sunduin. Pakiramdam kasi nila ay dala-dala nila ako araw-araw. Kung ako nga, napapagod, sila pa kaya? They need to rest, even just for hours, at 'yong paghatid-sundo nila sa akin ay nakakabawas sa oras sana ng pahinga nila.

"Okay, 2 pm tomorrow. See you."

Tumango ako. "Bye."

Hinintay ko munang makaalis ang service bago ako tumalikod papasok sa loob ng building. Most of the times, I feel the exhaustion crawling back whenever they leave me, but I don't feel any hint of tiredness now. I feel happy, content. Naiisip ko pa lang ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ay natatakot na ako.

Natatakot ako na ang dahilan ng saya na 'to ay isa lang palang kasinungalingan. Natatakot ako na ako lang ang iba ang nararamdaman.. Ako pa rin. Natatakot ako na ako lang ang hindi umaarte. I know I agreed to do this for our careers without thinking that I am risking my feelings again but now I feel like I am going all out. I'm scared of what I can do.

Nandito si Aspen ngayon dahil inaya ko siyang mag-dinner. I know it's wrong because I feel like I just come to Aspen whenever Alden does something I don't like. Nagiging manggagamit ang kinalalabasan ko, pero si Aspen lang kasi ang napagsasabihan ko ng lahat. Dumating siya noong mga oras na nasasaktan ako kaya naging dependent na ako sa presence niya. I thought I could like him more, but someone is still blocking his way... and I don't know if that someone will give way, I don't know if I want him to.

"Maine."

Napahinto ako sa pag-iisip noong marinig ko ang boses ni Aspen. I looked at him smiling like someone just gave him the best birthday gift.

"Saya mo ha." I don't know if I sound sarcastic, I hope I do not.

"I got promoted." Mahinahon niyang sabi ngunit alam kong pinipigilan lang niya ang pagsigaw para hindi maka-istorbo sa mga katabing unit.

Binuksan ko ang pinto ng unit ko at sabay kaming pumasok. Hindi na namin mapigilang sumigaw ng maisarado na namin ito.

"Oh my gosh!!! This is your dream, Asp! It came true!!!"

"This is just the start, Menggay. But, I am so happy." Natakot ako ng makita ko sa mga mata niya ang mga pigil na luha kaya hindi ko mapigilang yakapin siya.

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon