THIRTEEN

2.8K 156 17
                                    

Sorry I've been off this past week. Nagkasakit ako eh. Love me pa rin ha? Charot!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"I would"

Tahimik lang ang naging byahe papunta kila Christian. Hindi ko nga alam kung tama bang sinama ko si Aspen dahil ngayon pa lang ay awkward na. I just rejected him! Gusto kong kainin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan ngayon. Ni hindi ko man lang tinanong kung gusto niya bang sumama!

"Oy! Saan dito!" Binalik ako sa realidad ng tawag niya. Nakatingin siya sa akin na parang natatawa dahil malamang ay kanina pa ako tulala.

Tumikhim ako. "Turn left." Wala na akong ibang maidugtong bukod dito. Paalisin ko na lang kaya siya at ako na lang ang mag-isang maglalakad papaunta kita Christian? Ang sama mo, Maine!

Nakaliko na si Aspen ng mapanain kong hindi pamilyar sa akin ang mga disenyo ng mga bahay na nakikita ko ngayon. Saka ko lang naalala na mali kami ng nilikuan ng nakita kong dead end na.

"Asp..." Nahihiya kong panimula. Lutang ba ako ngayon?

"Hmm?"

"Right pala dapat. Hehe." Pumikit na lang ako dahil sa hiya ng marinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Nicomaine, stop that." Sabi niya ng nai-kanan na niya ang sasakyan.

"W-what?" Pinilit kong tumawa dahil ayokong mahalata niyang naiilang ako ngayon. Saan ba kasi nanggaling ang lakas ng loob kong ayain siyang sumama kanina! Eh kasi nga Maine, hindi pa siya kumakain and you probably want to make Alden jealous.

What? Hindi tama yung huling part ha!

Suminghap siya, "Maliligaw tayo if you don't stop being this awkward shy girl that you are now."

I know I'm being awkward but he didn't need to say it aloud!

Pinalo ko ang braso niya na nagpahalakhak lalo sa kanya. "Hey! Masakit na 'yan ha. Sinaktan mo na nga ako, sinasaktan mo pa ulit ako ngayon."

Natigilan ako. Ganoon ba ako ka-insensitive?

"Sorry." I looked at him at tried to find any hint of sadness in his eyes but he bursted out laughing.

"You look like a child who's just waiting for your mom to spank you!" Sabi niya habang hinahabol ang hininga. Ang sama talaga nito!

"Maine," pinabagal niya ang takbo ng sasakyan at tinignan ako. "I don't want you being aloof with me just because you thought you've done me wrong. Ang mali ay 'yung papaasahin mo ako na meron akong pag-asa kahit wala naman." Ngumiti siya, "And yes, medyo nasaktan ako pero I wouldn't trade our friendship for this tingle of pain."

Hindi ako sumagot, hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko! Thank you? Sorry? Nabablanko ako ngayon!

"Hindi bagay sa'yong hindi nagsasalita! Kadiri ka, umayos ka nga!" He made a face of disgust and I can't help but laugh. Just like that, okay na. Sana ganito lahat. Konting usap, ayos na.

Nakaliko na kami sa street nila Christian ng tumunog na naman ang cellphone ko.

"Hello?" Natatawa kong sagot.

"Where the fuck are you and why are you laughing?!" Alden? Yes.

"Excuse me?" I tried to sound serious but a small sound of chuckle escaped my mouth.

"Sorry..." Naging malambing ang boses sa kabilang linya at parang gusto ko ng lumabas ng kotse at tumakbo patungo sa lalaking naka-white v-neck shirt at khaki shorts at nakatayo habang malungkot ang mukha.

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon