TWENTY TWO

3.3K 122 13
                                    

Gusto ko sana magkwento kung paano akong umiyak kanina kahit ang sexy ng performance ni Maine pero wag na! Weird ba 'yon? 😭

This chapter is for my Mom. Happy birthday, Mama! I love you!

PS: DID NOT PROOFREAD HAHAHAHA
_______________________________________________
"Cake"



EVERYONE ages along the years and it's not everyday that someone gets to celebrate getting old. This is why I woke up earlier than usual to prepare for his special day.

Pangalawang beses ko na siyang nakikitang mahimbing na natutulog sa tabi ko pero hindi pa rin nawawala 'yung kagustuhan kong halikan 'yung labi niya.

Tumigil ka nga, Maine! Manyak ka ba?!

"Happy birthday, love." I said with a smile. I gave him a peck on the lips that caused him to move slightly.

Kumuha ako ng isang papel sa drawer sa tabi ng kama niya at nagsulat doon.

Alis lang ako ha! Huwag kang kakain! I love you. Happy birthday!

I kissed his forehead before going out of the tent. Alas kwatro pa lang ng umaga at pinili ko talaga ang oras na 'to para hindi ako makasabay sa maraming tao. Sinuot ko ang jacket na dala ni Alden at pumasok muna ako sa bahay para kunin ang pouch ko.

I drove to the public market. 15 minutes away lang ito sa bahay ni Alden kaya naman pagdating ko doon ay naglalatag pa lang ng mga paninda ang mga tindera.

Sinimulan kong mamili ng mga gulay, napagdesisyunan ko kasing ipagluluto ko na lang siya ng pancit! Puro na lang kasi kami pasta nitong mga nakaraang araw, eh!

Pumunta ako sa isang stall para bumili ng manok para sa Chicken Cordln Bleu na lulutuin ko mamaya. Pang-dalawang tao lang dahil hindi naman ata pupunta ang mga pamilya at kaibigan namin. Hindi nga yata nila alam kung nasaan kami!

Masyado na ata akong maraming napamili dahil naudyok din akong bumili ng mga prutas para iuwi namin bukas. Bumibigat na ang mga plastic bags na dala ko.

"Okay, I need pancakes. Mamaya ko pa naman lulutuin 'to at kailanga ni Alden ng breakfast." Sabi ko sa sarili ko.

Naghanap ako ng grocery store sa loob ng palengke. Wala pang mga tao dahil sobrang aga pa at hindi naman ako nakilala ng mga tindera dahil sa hoodie na suot ko.

"Maine?" Pagkilala ng babae habang nagbabayad ako.

"H-hi!" I consciously greeted her. Mas lalo ko pang ibinaba ang hoodie ko para matakpan ang mukha ko.

"Wala namang tao, okay lang 'yan!" Hagikgik niya.

Nginitian ko siya habang hinihintay kong makwenta niya ang mga nabili ko.

"Napanood ko 'yung movie niyo!" Masigla ngunit pabulong niyang sabi. Mas lalo tuloy lumapad ang ngiti ko.

"Sino 'yung third party doon?" Kuryoso niyang tanong.

"Ah. Si Chinna Ramirez."

"'Yung chinita na matangkad at maputi? Ang ganda niya, no?"

Yes, alam ko. Maganda talaga si Chinna. Bago pa lang siya sa showbiz kaya lahat kami ay natulala noong ipinakilala siya bilang ka-love triangle namin ni Alden sa pelikula. We get along very well, kaibigan ko siya pero hindi pa kami nakakapag-bonding simula ng mapalabas ang pelikula dahil umalis ata siya ng bansa para magbakasyon.
Pero kung gaano kaganda ang samahan namin ni Chinna, ganoon naman kalamig sa kanya si Alden.

"Bagay nga sila ni Alden eh!" Pagpapatuloy nito. Kumunot ang noo ko.

Alam mo naman 'yun, Maine. Bagay sila. Hindi ka lang nga nagselos dahil noon ay cold siya sa inyong dalawa.

"Sila nga 'yung pinag-uusapan pagkatapos ng movie." Mahinang sabi nito. Hindi ko alam kung fan siya namin na gusto lang ipaalam ang resulta ng pelikula o.. ayokong isipin.

"Thank you." Sabi ko at nagpaalam na sa kanya.

Habang papalabas ako ng palengke, hindi ko mapigilang isipin ang mga nasabi ng babae. Pwedeng pwede silang maging loveteam kung gugustuhin pero nasa ibang bansa na si Chinna at hindi ko alam kung babalik pa siya.

Tayong dalawa lang, pangako.

Napangiti na lang ako ng maalala ko ang palaging sinasabi sa akin ni Alden noong nagsisimula pa lang kami.

Huminga ako ng malalim, "Maine, today's Rj's birthday. Wag ka ng mag-isip ng kung ano man 'yan."

Sinuri ko ang mga nabili ko. Kumpleto naman, may ulam at iba pa.

"Cake." Oh, God. Sa dami ba naman ng makakalimutan ko, cake pa! Alas singko pa lang ng madaling araw kaya malamang ay sarado pa ang kahit anong pastry shop dito!

"Ano ba, Maine! Naiwan mo na nga 'yung regalo mo, wala ka pang mabibiling cake!"

Oo na, alam ko namang hindi marunong mag-demand si Alden, pero birthday niya ngayon! I need him to feel special, I need him to know how much he means to me. Pati pa ba naman dito ay palpak ako!

Frustrated akong umuwi. Pagka-park ko ng sasakyan ay nakita kong naka-tayo pa rin ang tent. Tulog pa si Alden.

Bumaba ako ng sasakyan, iniwan ko muna ang mga nabili ko sa loob. Aayusin ko rin naman 'yan kaagad. Saglit lang, I just need to see him.

Dahan dahan kong binuksan ang tent namin at nakita kong nandoon pa rin siya. My Rj is still asleep. Ang peaceful talaga ng mukha niya kapag natutulog siya. Lahat ng lines na dulot ng stress ay nawawala. I traced his face, parang nakiliti pa siya dahil pinalo niya 'yung mukha niya. I giggled.

"I'm sorry, love." Eto na naman, hindi ko na namang mapigilang malungkot ng dahil lang sa cake. The last time I bought him one, hindi maganda ang nangyari, kaya nga mahalaga sa akin na mabigyan ko siya ngayon. Gusto kong gumawa ng bagong memory, 'yung masaya.

"Wala kasi akong mabilhan eh.. Gusto kong bumili tapos ipapahid ko sa mukha mo 'yung icing." Ngumingiti na naman ako mag-isa! Kung hindi siya 'yung natutulog at makita niya ako, iisipin nito buang ako!

"Joke lang..." I gently touched the tip of his nose, tapos sinundot ko pa ang dimple niya. Ang cute ng love ko! Nanggigigil ako!

"I love you. Happy birthday." I kissed him on his forehead..

"I will try not to hurt you, okay?" His nose..

"Because who wants to hurt someone as cute as this?" His chin..

"Dito ka lang sa akin ha?" His lips...

I lay beside him and put my head on his chest. "Happy birthday."

Niyakap ko siya bago ako dahan-dahang lumabas para kunin ang mga ihahanda ko. May araw na, at maya-maya lang ay magigising na si Alden kaya naman ay nagmadali akong inayos ang mga pinamili ko sa kitchen table.

Inihahanda ko na ang pancake ng bumukas ang pinto.

"Rj, here!" Sigaw ko.

"Anong Rj!?" Humarap ako para makita si ate Pat, ang mga kaibigan namin at ang buong pamilya ni Alden.

"Huy!!!!" Hala! Ang saya naman! Nandito silang lahat! Isa-isa ko silang hinagkan. Mahigpit ang yakap sa akin ng daddy niya, hinalikan naman ako sa pisngi ni Rizza at ng lola niya.

"Tutulungan ka namin, tulog pa si kuya?" Tanong ni Rizza.

"Oo eh, puyat kagabi." Nanlaki ang mga mata nila. Ano? May nasabi ba ako?

"Ah.. eh.. sige ayusin na natin 'to. May mga dala rin kami." Sabi ni Christian habang nilalapag ang mga dala nila.

"Cake?" Tanong ko.

"Meron!!" Said the little voice at the back of the room. A girl's voice.

Tumakbo siya agad papunta sa table para ilapag ang cake na dala nila.




"Jenikka."

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon