ONE

5.2K 137 9
                                    

"pretend."


"Cut!" ani Direk. Kanina pa kami dito pero hindi pa rin namin maayos ni Alden ang unang scene sa pang-apat naming movie.

"Ano ba, Maine! Alden! Kahit konting sincerity wala akong makita sa inyong dalawa. Nasaan na 'yung dalawang taong tingin pa lang, nag-uusap na?" Inis na sabi ni Direk Gen at iniharap sa mukha namin ang script.

"Ito 'yung script niyo, sigurado ba kayong pinag-aralan at binasa niyo 'tong mabuti?" Taas kilay niyang tanong.

"Direk---" Pero naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita si Alden.

"Let's just do it again. I'm tired."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the hell is happening to this guy? Dati naman ay hindi siya ganon, he was always the cheerful one, the one that smiles at everybody when a scene was a disaster. Isang araw, bigla na lang siyang nagbago, at bilang kaibigan niya, wala akong ideya.

Suminghap si Direk at tumitig kay Alden. Please just let it go, I need to go early, Aspen will be waiting for me.

"Fifteen minutes break. Ayusin niyo 'yang dalawa. Hindi lang ikaw ang pagod na, Alden." She's glaring at him now. Umupo lang si Alden para magbasa.

"Okay ka lang, Den? Just focus. Madali lang naman eh, magpapanggap ka lang na mahal na mahal mo ako." Ngitian ko siya pero ngumiwi lang siya pabalik.

"You pretend." at ibinalik niya na ang mata niya sa script.

Pumikit ako at pinigilan ang sarili sa pagsasalita, kung gusto kong matapos kami agad ay hindi ako makikipagbangayan kay Alden ngayon. Now is not a good time, I have a date.

"Just... look at me in the eyes like you did in every movies we made. That can't be hard, right? You did this lots of times." I told him while we're standing in front of each other just waiting for the director's call.

"As if it's that easy. I don't even like you a bit."

Nag-igting ang tenga ko, pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Not now, chill. "I don't like you either. But we can at least pretend. This is for your fans, our fans." Ha! I got him there. Isa sa mga pinaka-importanteng parte ng buhay niya ang kanyang mga fans kaya and I admire him for that.

Natapos ang shooting ng maayos at wala ng kaming ibang narinig mula kay Direk kundi ang pag-papaalalang basahin at i-internalize namin ang script. Medyo nakakabingi na, pero okay lang. Sanay na ako sa ganito, I know that this is for our own good.

Agad-agad akong pumunta sa tent para mag-pack up ng habulin ako ni Alden.

"Maine!" He put his hands in his pockets at parang nag-aalinlangan pa siyang sabihin ang sasabihin niya. "Lunch daw with your team and mine." Bago pa ako nakasagot ay umalis na siya. Pumasok agad ako sa tent para pagsabihan sila ate Pat.

"Ate Pat naman, eto na nga lang 'yung oras na makakasama ko si Aspen dahil magiging busy na tayo next week, tapos lunch? Ano bang meron?" I pouted, if only this will make ate Pat change her mind.

"There are some things we need to talk about kasama si Alden. Mas maigi kung nandoon kayong dalawa para hindi naman kayo mabigla." Kinabahan ako. Ano 'to?

Dumiretso kami sa Bon Chon malapit sa site kung saan kami nag-shooting. Ate Pat also promised that this will only take an hour. Ala-una pa lang naman at ala-singko pa kami magkikita ni Aspen. I miss him, at siya ang kailangan ko ngayong sobrang pagod ako.

Pagdating namin sa resto ay nandoon na sila Alden. Buti na lang at konti lang ang tao at makakapagusap kaming lahat ng maayos ng wala masyadong tumitingin. He was looking intently at me and that made me conscious. Inayos ko ang paldang suot ko dahil baka nga naman sobrang ikli neto. Ano bang pakialam niya?

"Ano sa'yo, Maine?" asked Oreo.

"Busog pa ako eh, saka kakain naman kami mamaya ni As---"

"Ano sa'yo?" Nag-igting ang kanyang mga bagang. He's pissed. Bakit?

"Kung ano na lang oorderin niyo. Okay na ako." His shoulders relaxed and he smiled. Wtf, Rj. Stop.

I just want to get out of here, I need Aspen right now. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog nito. Ano ba 'tong nararamdaman ko, bakit ako kinakabahan?

"Ano bang pag-uusapan natin. I think someone's in a hurry here. Better tell us now." Bumalik ang tingin niya sa'kin. Tinitigan ko rin siya, now I'm not backing out.

Simula ng matapos ang huli naming movie, naging ganito na kami. Lagi kaming nag-aaway sa harap man ng mga kaibigan namin. Laging may bangayan, kahit pag-kuha ng tubig ay nag-aaway kami. Hindi kami nagkakasundo at sobrang inis ako kapag nakikita ko siya. Okay naman kami nung mga unang taon, we're friends, pero nakasanayan na siguro namin 'to.

"Our bosses need you to do something." Ani Ate Pat na nag-putol sa kung ano mang tensyon na namumuo sa pagitan namin ni Alden.

"What? Mall shows? TV guestings?" Sabi ko ng nakatingin kay Alden.

"New endorsements? You know we're not the ones to decide on that. Kung wala ng gustong kumuha sa amin ay wala kaming magagawa. Let us rest." Mariin niyang sinabi ang huling pangungusap.

"That's the point, RJ. Nawawala na isa-isa ang ties niyo sa mga endorsers niyo. Bumaba na rin ang rating ng TV show na kinabibilangan niyo. Your last movie was great pero mas okay 'yung benta ng mga nauna. Pati sa twitter, hindi na kayo masyadong nagt-trending. We need to do something." Mabilis na sabi ni Oreo.

Napahawak si Alden sa kanyang buhok, nag-iisip. Bumuntong hininga siya na parang alam na niya ang mangyayari. He looked at me at parang may nakita akong galit sa mata niya. God, he's scary.

"What do you want us to do?" He asked, firmly.

Hindi na ako nagsasalita dahil ganito naman ako lagi, I let them deal with these kind of problems. Oo, these past year had been hard on us, and we need to do something to solve it. Masyado ko ng mahal ang trabaho ko at kahit ano ay kaya ko ng gawin para dito.

"We need you to pretend." Ani Ate Pat at pinasadahan kami ng tingin ni Alden.

I... don't understand. Fuck, self. Of course you understand. You just don't want to believe this is already happening. That you came to the point where you have to do what you promised your fans.. Only this time, you pretend.

"What do you mean?" I asked, closing my eyes and waiting for the answer that I already know. What made it harder is Alden was the one to finish what had been said.

"They need us to be in a pretend relationship." And then he walked out. 

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon