THREE

3.1K 137 7
                                    

"STOP TEXTING"

"Seems like the plan is working. Trending na naman kayo sa twitter kahit walang hashtag." Ani Christian sabay pakita sa akin ng cellphone niya.

Nasa loob kami ng tent ng team namin dahil biglang umulan habang nags-shoot kami kanina. This is our third week of filming and everything is actually great. Minsan na lang kung mag-sungit si Alden, but he still tries to get into my nerves sometimes and I have to put up with it or I'll ruin the day.

Pinindot ko ang tagline na "back hug" at binasa lahat ng tweets tungkol dito. Lahat ata ng fans namin ay nagbubunyi sa nangyari at hindi ko napigilang tumawa habang binabasa ang mga ito.

LANGIT HANDA NA PO KAMI. KUNIN NIYO NA KAMI. NAGBABALIK, ADN.

T**GINA GUYS, SABUNUTAN TAYO BILIS.

I JUST LOVE SEEING YOU BOTH DOING WHAT MAKES YOU HAPPY. LIKE, BACK HUGGING MAINE, ALDEN, YES?

Pero mayroon pa ring iilan na ayaw maniwala sa nangyayari.

THIS IS JUST FOR THE MOVIE. NICE MOVE, ALDEN.

MAGPANGGAP PA KAYO, PAASAHIN NIYO PA ANG MGA SUPPORTERS NIYO.

Agad kong sinara ang thread at binalik ito kay Christian. "Hindi gumagana sa iba. Paano kapag nabuking kami?" Tumingin ako sa kanya habang abala siya sa paggamit ng phone niya.

"Your fans believe you and that's the only thing that matters. Sila naman ang manonood ng movie niyo, hindi ang mga bashers niyo. You think too much, Maine. Cheer up." Sagot niya ng hindi pa rin umaalis ang tingin sa cellphone.

Bigla namang bumakas ang tent at pumasok si Samantha. "Effective ang back hug ni Alden, no?" Oo, effective. At unti-unti na akong nag-guilty. Mahal na mahal ko ang mga fans namin at hindi ko kayang lokohin sila. Pero hindi ko rin kayang mawala ang career ko.

It happened when we celebrated our weeksary at Broadway. As usual, madami pa ring tao dahil hindi naman talaga nawawalan ng tiga-suporta ang Eat Bulaga. Noong tumunog na ang hudyat para mag-freeze kami ay malayo sa akin si Alden dahil nakikipag-usap siya kay Lola Nidora. Nakatitig siya sa akin at tumango siya. Kinalibutan ako pero pinigilan kong maramdaman ko pa ito lalo at tinaasan ko siya ng kilay. Noong natapos si Kuya Jose sa pagpapasalamat sa mga endorsers, ngumiwi siya kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko maintindihan kung ano bang ibig sabihin niya.

Pupunta na sana ako sa backstage ng may naramdaman akong dalawang kamay na pumalibot sa baywang ko mula sa likod. I am about to push that person away, but when I turned to face sideways to whoever that is, I saw Alden's face.

"Love...." Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at nakatayo lang kami roon. Hindi ko siya magawang itulak, parang may nag-lagay ng pandikit sa lupang kinatatayuan ko. I think my heart is going to explode and I wonder if he hears it. Tatanggalin ko na sana ang mga kamay niya na nakapalupot sa akin ng inilapit niya ang labi niya sa may bandang tenga ko.

"Alden..." I don't know what to say or why I even uttered his name. Ang alam ko lang ay kung hindi niya ako titigilan ay sasabog na ako.

"This is for the public to know that you are mine." Suminghap ako ng tinanggal niya ang pagkakayakap sa akin at hinila ako papuntang backstage.

Mine? What does he mean by that? Tulala ako habang naglalakad at naririnig ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko. Nahihibang na ata ako, lagi naman naming ginagawa ito pero ngayon ko lang naramdaman. Siguro nadala lang ako sa kung paano niya ako tinawag sa malambing niyang boses at kung paanong pakiramdam ko sincere siya. Ganito ba siya sa mga babae niya?

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon