FIVE

2.8K 129 13
                                    

"don't go after me"

The following days have been a bit hard on my part. Even I confuse myself. Naiilang akong humarap kay Alden dahil naaalala ko kung paano ako umiyak dahil sa 'di ko malamang dahilan noon.

Maybe I was tired? Maybe that was pre-menstrual syndrome? Or was I annoyed because of Jennika? I don't even wanna think about the possibility of the last one.

"Uwi na kami, you sure you're staying?" Naghihintay na tanong ni Christian.

Nasa Broadway kami ngayon dahil may meeting pagkatapos ng Eat Bulaga tungkol sa Christmas pictorial ng Dabarkads. I was only nodding the whole time, buti na lang ay walang nakapansin.

"Nope. Pero sabay ako papuntang parking lot. Doon ko na hihintayin si Aspen." Tumaas ang kilay nito sa akin at nagkunwari akong inaayos ang bag ko dahil pakiramdam ko ay inoobserbahan niya ako.

"You know this may start a fire, right?" Napa-buntong hininga ako.

Oo alam kong isang maling galaw ko lang ay maaaring masira ang mga inalagaan naming pangalan ni Alden. People will call me a flirt and they will pity Alden for being stupid. I can't take the thought of the latter one.

"Ihahatid niya lang ako." Nope, he's still not convinced. "He's a friend, Christian. Like you." Why am I even explaining myself?

Nagkalad na kami ng buong team ko patungong parking lot. Nagtatawanan silang lahat dahil sa sinabi ni manong guard ng biglang nagtanong si Oreo.

"Nasaan si Alden, Meng?" Nag-kibit balikat lang ako dahil hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta noong lumabas siya ng dressing room namin ng wala siyang marinig na salita mula sa akin. Alam kong pati sa Kalyeserye ay halatang iwas ako sa kanya.

"Umalis na ata eh. Narinig kong may kausap sa cellphone, kinikilig pa nga ata." Sabi ni Ate Pat habang nakangiting umiiling.

Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko. Nalungkot ako dahil bakit kapag si Alden, okay lang sa kanila na makipag-landian sa iba, pero ako hindi pwede. I know this is lame dahil hindi ko rin naman planong makipag-date sa kung sino pero... ang unfair.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng van ni Ate Pat dahil sa pagi-isip ko. Tumingin ako sa kanila at isa-isa silang hinalikan sa pisngi. Nakagawian ko na kasing gawin ito at ito rin ang nakakabawas sa bigat ng pakiramdam ko dahil alam kong nandito sila para akin.

"Is Aspen on his way?" Tumango ako kahit hindi ko alam kung papunta na ba siya dahil hindi ko pa tinitignan ang mobile ko simula pa kanina.

"Okay, una na kami. See you tomorrow." I nodded and smiled at them, wala akong masabi.

Kinawayan ko ang papaalis nilang sasakyan at umupo sa gutter ng hindi ko na ito mahabol ng tingin. Huminga ako ng malalim at pumikit. I actually find peace in this kind of place. Tahimik kaya nakakapag-pahinga ang utak ko sa mundong mayroon ako ngayon. Sa kabila ng ingay na gawa ng mga tsismis, sakit na ulo dulot ng puyat at stress na bigay ng nakakabit na pressure sa amin, finding a nice and silent place (or in this case, silent lang) is a paradise.

"Of course, I don't like her." sagot ni Alden sa nanunuksong si Oreo.

"You don't like her or you just don't like her now kasi lasing ka?"

"I never liked her. Not even a bit."

Aspen held my hand under the table. I am physically in pain. My chest constricts.

Pinunasan ko na agad ang mga mata ko bago pa tumulo ang luhang magpapaalala sa akin na hindi ako okay. I guess silence isn't always a good thing.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng handbag ko. I texted Aspen, asking him if he is on his way. Kakain kami sa unit ko ngayon. He says we need to catch up on each other. Hindi na kami nagkakausap at madalang na rin kaming magka-text. I miss him and the comfort he gives me at iyon siguro ang kailangan ko ngayon.

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon