FIFTEEN

2.8K 159 8
                                    

I want to hear from you, comment your reactions if you must.

Again, I did not proofread, I write what's inside my head tapos 'di ko na babalikan. Forgive me.
_________________________________________________
"Assurance"

SINONG NAGDALA SA AKIN DITO?

'Yan kaagad ang tanong ko sa sarili ko nang magising ako sa kama ko. Binalingan ko tingin ang kabilang kama. Gising na rin si Oreo na kinakalikot ang telepono niya.

"Hoy bakit ako nandito?" Pabulong kong tanong.

"Bakit? Saan mo ba gustong matulog? Sa swimming pool?" Sarkastikong tanong niya pabalik.

"Buang! The last thing I remember...." Si Alden ang kasama ko. Nag-uusap pa kaming dalawa sa dalampasigan. Paano ako napunta rito?

"Ah! Siya 'yung nagbuhat sa'yo pabalik dito. Nalasing ka ba? Leche, hindi ka man lang nag-aya!" Ano?! Nakatulog ako habang nag-uusap kami?! Ano ba naman, Maine! Sabi pa naman niya, baka hindi na siya magkaroon ng lakas ng loob sa susunod, tapos tinulugan mo pa! Malamang ay galit na naman sa'yo 'yon!

"H-hindi. Pagod lang." Pagtanggi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin.

"Get up, you two!" Pambubulabog ni Samantha. Tinapik pa niya ang paa ko kahit na alam niyang gising na ako.

"Hyper, Sammy? Anong meron?" I teased.

"We're exploring the resort today, 'di ba?" Hindi pa rin kami tumatayo ni Oreo. Not convinced, Sammy.

Pinasadahan niya kami ng tinging dalawa kaya naman hindi na naming mapigilang humalakhak.

She put her hands in the air. "Oo na, excited ako dahil makakasama ko si Aspen, pero dahil makakasama ko rin kayo! Kaya bangon na!" Sigaw niya sabay hila sa mga kumot namin.

Inakbayan ko siya. "Maliligo lang ako. Go wake him up." I kissed her cheek. She really looks excited and that made her look cute.

"Palabas na siya ng maalala kong iisang room lang sina Alden at Aspen.

"Sam, will you tell Alden...." Nahihiya akong harapin siya kaya ipapaabot ko na lang kay Samantha. Saka, baka galit pa 'yon!

"Tell him I said thank you." Ngumiti ako. Tumango naman si Samantha bago tuluyang lumabas.

Madali akong naligo at simpleng white beach romper lang ang isinuot ko. Medyo mahaba ang neck line nito pero okay na, hindi ko kasi masyadong kinilatis ang mga inimpake ko!

"Ay, 'teh! Tignan nga natin kung magiging protective ang pretend boyfriend mo? Ang sexy!" Inikot niya ako at pumalakpak pa siya na parang fashion designer na proud sa nagawa niya.

So, he knows nothing and the others probably know nothing, too. Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang totoo. I shook the thought out of my head. We are on a vacation! Saka ko na lang iisipin ang mga posibleng mangyari kapag nakauwi na kami.

"Halika na. They're waiting at the resto. Breakfast muna."

Nakarating kami nang tapos na silang kumain. Only Alden's plate is full.

"Ang tagal niyo. Aalis na kami, excited silang lahat eh!" Ngumuso si Ate Pat kila Sam at umiling lang ako ng natatawa.

"Go ahead. Sunod na lang kami nila Oreo." Tinanggal ni Oreo ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Sasama na ako. Kumain na naman ako kanina."

"Teka! Sinong kasama ko?!" I can't look at Alden because I'm afraid to see his reaction. Baka galit siya sa akin...

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon