FOURTEEN

2.9K 149 9
                                    

Tweet me, @grlnmdcnsbrd!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Beach"

I woke up at 4. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa excitement o dahil ba sa sinabi ni Alden na mahal niya ako o dahil sa.... Halik niya.

Hinilamusan ko ulit ang mukha ko kahit kanina pa ako tapos maligo. Hindi ako pwedeng kiligin mag-isa, no!

I prepared my breakfast, too. It's been a while since I last tasted my own dish. It's just egg and bacons but it fills the Maine inside me. The one I've left two years ago. Hindi pa rin ako mapakali. Parang ayoko na nga sumama dahil baka sumama ang tyan ko sa Zoo na nasa loob nito hanggang ngayon. That kiss promised love and affection, and it's from Alden. It's from the man I've been dreaming of.

I was doing the dishes when my phone rang. I immediately answered when I saw the name on the screen.

"Maine." I still don't know how he makes my name sound precious. Parang gusto kong pumasok sa loob ng phone ko at yakapon siya.

I smiled, "Alden." I can hear his breathing on the other line. May ganitong epekto rin kaya ako sa kanya?

"Good morning." Tumango lang ako. Sobrang tipid ng mga salita, pero sobrang dami nitong sinasabi. Parang hindi na namin kailangan ng mahahabang letra para maiparamdam namin ang gusto naming iparamdam.

"S-susunduin ka ba ni Aspen?" Naga-alangan niyang tanong.

"Hindi!" I tapped my forehead dahil alam kong apektado siya sa mga pinaggagawa ko kahapon. I also need to talk to Aspen. I want to punish myself for being a bitch.

"Okay, I'll fetch you."

"Naku, wag na! I can bring my car."

"At sinong magbabalik niyan dyan? I'm bringing my driver. Be there by 6:30. Bye."

Hindi mo talaga maaalis sa kanya ang pagiging bossy! Di man lang ako pinagsalita! Dali-dali akong nag-ayos. Hindi na sana ako magma-make-up pero siya ang susundo sa akin! Oo, maraming beses na niya akong nakikitang bared face pero iba na ngayon, no!

I estimated the time he needs to travel from his condo to mine and I ended up with 20 minutes! Hinintay kong akyatin niya ako pero noong lumipas ang ilang minuto ay nagdesisyon na akong bumaba. Eksakto namang pagbaba ni Alden ng sasakyan. He's wearing a maroon sweater and a black khaki shorts. Naka-sperrys pa ang kuya niyo!

But something in him has changed. Parang sobrang happy ng aura niya, he looks refreshed. I can't help but admire his features today. Ibang-iba, eh.

"Love... You're drooling."

What?! Hindi ha. Nakatitig lang ako sa kany pero hindi ako naglalaway! Inirapan ko siya at tumalikod na. Ayokong makita niya yung nagi-init kong mukha ngayon!

Inunahan ko siyang pumunta sa sasakyan pero naabutan niya ako bago ko mabuksan ang
pinto ng passenger seat.

"You will sit beside me." Mariin niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. Kaya mga ako papasok na at uupo sa passenger seat para makatabi siya!

Inunahan niya akong buksan ang pinto at halos mabilaukan ako ng si Manong driver ang nakita ko sa loob.

"Sinabihan na kita kanina, 'di ba? Makakalimutin ka na." Binuksan niya ang pintuan ng back seat at narinig ko pang bumulong siya bago ako pumasok.

"Baka pati nararamdaman ko sa'yo, kalimutan mo na rin." Umiling ako. Alden can be "hugot man" sometimes.

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon