TWO

3.5K 140 8
                                    

"Break up"


It had been days after Patchy talked us to agreeing with their pretend relationship scheme and Alden is still being a jerk.

"How was your day?" Tanong ni Aspen habang nag-aayos ng pagkain galing sa picnic box niya. Nasa rooftop kami ng condo niya at swerte namang walang tao dito dahil weekdays. Ngayon lang kami pinayagan, at sa tagong lugar pa dahil ayaw nilang may kung anong tsismis ang mabuo bago mapalabas ang movie.

"Okay lang." Nginitian ko siya. The truth is, this day's been hell pero ayaw ko ng dumagdag sa stress ni Aspen dahil alam kong pagod rin siya sa trabaho. Masyadong mainit ang ulo ni Direk at sinabayan pa ng pagka-annoying ni Alden. Ilang beses kaming napagalitan dahil sa hindi niya masabi ang napaka-daling linya. Hindi na kita mahal, tell me, anong mahirap doon? Halos abutin kami ng isang oras bago namin na-perfect ang scene.

I looked at Aspen, the only person who never got tired of me for the past year. I like him so much that I want to try to be in a relationship with him, but I know I am not ready yet. Masyado pa akong busy at alam kong hindi ko sila kayang pagsabayin ng trabaho ko. But this guy in front of me is my pillow every time I get hurt. Sa kanya ako lumalapit kapag sobrang stress na ang nararamdaman ko. Sa kanya nawawala ang pagod ko. I depended on him so much.

"Sobrang gwapo ko ba para titigan ng isang Maine Mendoza?" He smiled the sincerest smile I've seen. Ang swerte swerte ng magiging girlfriend mo, Asp. Inirapan ko siya para hindi halatang natutuwa ako sa kanya.

"Uhm..." He paused. "Are you still going to pull this off? The pretend thing?" I looked at him and he was intently looking at me. I smiled, urging him to smile, too.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Siyempre, Asp. I think I need to do this para sa movie. Baka kasi maging flop na kapag hindi ako pumayag." Pilit ang ngiti ko ng tumingin ako sa kanya.

Totoo ito at alam ko. Parang habang lumilipas ang mga araw, unti-unti na kaming bumababa ni Alden. Masakit para sa akin na makitang isa-isang umaalis ang mga sumusuporta sa amin, pero alam kong mas masakit ito para kay Alden. He waited so long for this, at mawawala na agad sa kanya after 2 years?

"You do this just for your career?" Tinignan niya ako na para bang inoobserbahan.

"Oo naman." Maikli kong sagot. Para naman talaga 'to sa career ko, para sa career naming dalawa ni Alden.

"Okay. Juice" Hindi na siya naghintay ng sagot ko at kinuha at canned juice sa picnic box.

Hindi pa man nabubuksan ni Aspen ang juice ay bumukas na ang pinto sa rooftop kaya napatayo ako para sana ay magtago pero bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Alden.

"What are you---" Hinigit niya ang kamay ko at hindi na pinatapos magtanong kung anong ginagawa niya rito.

"Hey, you don't have to pull her." Mariin na sabi ni Aspen.

Pumikit si Alden at suminghap. "You are needed at the office."

"Bakit daw? Akala ko ba tapos na appointments natin ngayon?" I asked him, confused.

"Akala ko rin" narinig ko pang ibunulong niyang, "I have a date for fucking sake, bakit kasi ako pa ang nautusang magsundo sa'yo."

Akala niya ay hindi ko narinig pero hindi ko kayang palagpasin iyon. "You go, RJ. I'll commute. I know it feels like it has been forever since you last dated." Matabang kong sabi.

"Hahatid na kita." Ani Aspen na agad nagligpit ng kinainan namin.

"No. I am needed there, too. Ako ang maghahatid at magsusundo sa'yo kahit nasaan ka pa. Ako lang." He looked at Aspen, disdain apparent through his eyes before he left me standing there, dumbfounded.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Aspen dahil sumunod agad ako kay Alden.

Tahimik akong pumasok ng sasakyan dahil ayokong makipag-talo sa kanya ngayon. Masyado ng mahaba ang araw na 'to para sa'kin.

"Seat belt." He said while starting the engine.

Tumingin lang ako sa kanya. Suminghap siya at tumingin ng matalim sa akin. Ano bang problema ng laging masungit na 'to? Inilapit niya sa akin ang katawan niya na biglang nagpakaba sa akin. Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Parang konti na lang...... ng bigla niyang inayos ang seat belt ko.

"There. Seat belt." Ngumiti siya at tinapik ang ilong ko. Hindi ako makagalaw.

Bumalik na siya sa pagmamaneho at hindi ako pinansin hanggang makarating na kami sa harap ng opisina.

"Sigurado akong pipilitin ka na naman nilang gawin 'yung gusto nilang mangyari. Wag..." pumikit siya at humawak sa manibela, "Wag kang papayag kung hindi mo naman talaga gusto. This movie will do good even without..... Even without this plan."

Tumingin ako sa kanya at alam kong nahihirapan din siya. Kahit naman minsan ay nakakainis siya, alam kong nandyan pa rin 'yung Alden na nakilala ko.

"Ayaw mo ba dahil mapapagbawalan ka ng mag-date ng mga babae?" Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang natanong ko kaya naman bigla akong umiwas ng tingin sa kanya.

Bumaba na rin ako ng kotse dahil ayoko ng makipag-talo. Kung hindi ba naman kasi ako padalos-dalos ay hindi sana niya ako tinititigan ngayon nasa loob kami ng elevator.

Ang team naming dalawa ay naka-palibot na lahat sa isang malaking table at nakatingin lang sa isang laptop. Tumaas ang tingin sa amin ni Ate Pat ng marinig niyang nagsara ang pinto sa likod ko. Sila lang ang nandito?

"Umalis na sila Ma'am Jenna. May pinapasabi lang sa inyong dalawa."

"You should've just texted us. Busy... si Maine." Oh? O baka naman ikaw ang busy kakahalik sa babae?

Inirapan ko siya at tumingin sa laptop na kanina pag pinag-tutuunan ng pansin ng mga kaibigan namin. Nagulat ako ng nakita ko ang picture namin ni Aspen na nakatalikod. Naka-black fitted shirt at faded jeans siya at naka-floral dress naman ako. Noong isang araw lang 'to ha?

"Umalis kayo ng hindi ka nagpapaalam, Maine?" Para akong batang pinapagalitan ng mommy ko ngayon. Hindi ako nakapag-salita dahil alam kong kasalanan ko naman talaga. Kapag kumalat pa ito ay baka mawalan na ng interes sa amin ang tao.

"Wh-what should we do?" I asked, frustrated. Tahimik lang si Alden sa harap ko.

"Isa lang ang alam kong solusyon." Ani Oreo na pabalik-balik ang tingin sa amin ni Alden.

"Break-up with Aspen." Sabat ni Jeron na siyang road manager ko.

I looked at Alden and I saw him clench his fist habang hawak sa isang kamay niya ang kanyang cellphone. Nag-away sila ng ka-date niya? Buti nga.

"Sila ba?" Tanong ni Oreo. Nakatingin na silang lahat sa akin habang naghihintay ng sagot. Parang tumatagos sa akin ang titig ni Alden.

"H-hindi. Magkaibigan lang kami." Sagot ko at nakita kong huminga siya ng malalim.

"Okay...." at hindi ko na narinig ang usapan nila dahil nakatuon lang ang atensyon ko kay Alden. Nakatitig siya sa akin.

Sinabihan nila ako na mag-tweet ng kung anong makakapag-bigay sa mga fans ng clue na kami na ni Alden. Kailangan ding makita ng public na sweet kami sa isa't-isa. All of these because of just one picture.

Pagkalabas ko ng building ay naalala kong wala pa akong dalang sasakyan. Alden offered me a ride and I don't know why I felt reluctant to say yes. Buti na lang ay sumingit si Ate Pat at sinabing siya na raw ang maghahatid sa akin. Papasok na ako ng kotse ng bigla kong narinig ang malakas ng sigaw ni Alden.

"Bye, love! See you tomorrow." 

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon