FOUR

3.2K 141 16
                                    

"None of your business"


Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ko. Kinusot ko ang mga mata ko at umupo sa gilid ng kama. Hinintay kong may kumatok ulit dahil kung wala, matutulog na lang ako. Pumipikit na ang mga mata ko ng may kumalabog na naman, this time mas malakas.

"Ano ba! Off ngayon ha!" Inis kong sabi sa sarili ko. Hinayaan ko ng hindi maayos ang mukha at buhok ko at dumiretso sa pintuan para pag-buksan sila. Bumungad sa akin ang mga naniningkit na mata nila Patchy, Oreo at Jeron.

"Good morning, prinsesa. I think you forgot it's Christian's birthday today." Nakataas ang kilay na nagtanong si Oreo.

Tinakpan ko ang bibig ko dahil nakalimutan ko nga! How can I be so stupid? Today's Christian's birthday and I now consider myself a useless friend for forgetting it.

"At 2:30 na, Maine! Nagpuyat ka na naman ba kagabi? Minsan ka na nga lang magka-off, hindi mo pa sulitin sa pag-tulog. Buntis na buntis na mga mata mo, oh." Saway ni Patchy at dire-diretso silang pumasok sa unit ko.

I slept late last night, yes. Hindi ko kasi mapigilang tignan ang thread ng nag-trending na naman tungkol sa amin ni Alden dahil sa ginawa niya kahapon. Everything he does take me by surprise because he won't tell me. Masyado daw akong raw at hindi ko daw kayang umarte. I've been in this industry for two effin years, how can I not act?! Naiinis ako dahil naaalala ko 'yung ginawa niya. Hindi ako nakatulog dahil sa kan---- I mean, dahil nagbasa ako ng mga tweets.

A KISS ON A FOREHEAD MEANS THAT YOU RESPECT THAT PERSON. BONUS NA LANG ANG YAKAP NA MATAGAL, A. :)

PATAYIN NIYO NA KAYA KAMI, MAICHARD

HOY HINDI PA KAYO NAGS-SHOOT OH. BEHAVE, LOVERS!

Hindi ko alam kung paanong umabot sa lahat ng fans namin ang ginawa niya. Konting fans lang naman ang nandon... pero lahat sila nakatutok ang cellphone sa amin. Yun lang.

Naligo na ako dahil kailangan na naming umalis by 4. Nagugutom ako pero siguro naman ay may pagkain doon, 'di ba? Karaoke night ang mangyayari kasama kami at ang team ni Alden na mga kaibigan rin namin. Makikita ko na naman siya, kapag may ginawa siya ngayon ay paniguradong susuntukin ko na siya. I don't like it.... It's giving me a hard time to sleep.

Naka-loose maong dress lang ako at snickers, mas komportable kasi ako dahil mainit sa labas. I was drying my hair when my twitter notification popped up. It was from my best friend, Janeeva. She is currently at New York at hindi ko alam kung paanong nakaabot sa kanya.

You need to tell me about this. Kaloka!

She quoted a video tweet at kahit alam ko na kung ano 'yon, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong panoorin ito. Para kasing totoo. Was it because I did not know that it will happen? Sobrang galing ni Alden umarte, ah? I look at his sincere glances. Naalala ko pa kung ano 'yung sinasabi niya sa mga oras na 'yan.

"I'm tired. I just wanna go home." Reklamo niya at kitang kita ko sa mukha niya ang pagod. He has been like this lately, parang bumabalik 'yung dating siya. He wasn't the usual cold Alden for the past week, he was the childlike one. He smiles at everyone and that makes it easier to work with him. He actually takes care of me, kahit alam kong part lang ng plan 'yon ay hindi ko pa rin maiwasang sumaya ng konti. The soft Alden is coming back, at parang ayaw ko ng matapos 'tong movie na 'to if it means ending this will summon the cold, annoying Alden back. Naka-titig ako sa kanya at hinaplos ko ang likod niya. Napa-diretso siya ng tayo at napa-tigil ako dahil may kung anong kuryente ang naglakbay sa katawan ko. I looked at my feet, unable to return his gaze. Nanginginig ako kaya humawak ako sa upuan na nasa tabi ko.

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon