SIX

2.9K 130 14
                                    

"They think you're mine."


There are days that all you want to do is lie on your bed, eat chips, read books and talk nonsense with your sister. Days that you just want to forget how stressful life is and how fucked up you are. This is one of those days.

"You haven't written in your blog for like, forever. Baka maka-dagdag ng interes sa mga fans niyo." Coleen suggested while scrolling through her phone.

Pati ba naman dito?

"You know I write because it is my escape from reality, right? Not for other people." Well, sometimes I write for them, but I won't do it now.

"K." was her only reply.

Tumahimik na lang ako at nagbasa. It has been months since I last read my piled up unread novels. I used to read everyday until I entered this business. Masyado ng maraming nagbago. Sometimes I wonder if I, too, had changed. Minahal ko na masyado ang trabaho ko at minsan at naiisip ko kung mas mahal ko na ba ito kaysa sa sarili ko.

"Bakit ka umuwi? Di ba may shoot ka pa bukas?" Ibanaling na niya ang atensyon niya sa akin.

Hindi na kasi ako madalas umuwi dahil sa sobrang hectic ng schedules ko. Kahit anong singit ang gawin ay hindi pwede. Ngayon lang ako nagkaroon ng libreng oras para bumyahe at humiga sa kama ko. Na-miss ko rin sina Nanay at Tatay, si Matti at ang mga kapatid ko.

"Wala naman. Gusto ko lang humiga sa kama ko." Sagot ko ng hindi siya tinitignan.

"Wala ka bang kama sa unit mo?"

Inirapan ko siya dahil nag-uumpisa na naman siyang mang-asar. I've had enough iritations and stress for the day and I don't want my sister to pile up to them. I sighed and go back to reading.

Naramdaman kong umupo sa kama ko si Coleen. "Meng..." sabi niya at hinawakan ang braso ko, "Problem?"

Napangiti ako habang nagbabasa. Isinara ko ang libro at tumingin sa pinaka-close kong kapatid. Should I tell her?

"Hindi kasi kami nagpapansinan ni Alden simula kahapon. Medyo nakaka-stress lang kasi hindi kami makapag-trabaho ng maayos. Nagagalit na sa amin 'yung mga staffs." Huminga ako ng malalim at pumikit. I am mentally tired.

"Baka naman may ginawa ka? Or may ginawa siya sa'yo?" Napatingin ako bigla sa libro ko. I can't tell her that I almost burst my emotions out the day before yesterday. Ni hindi ko pa nga alam kung ano 'tong nararamdaman ko. I confuse myself and I don't want to add confusion because Coleen will surely point out what she thinks I feel. Sasarilinin ko muna.

"W-wala. Nagkaasaran lang nung isang araw." Pinilit kong ngumiti at hindi ko alam kung binili ba ni Coleen ang dahilan ko.

"Nag-asaran lang kayo tapos hindi na kayo nagpansinan ng isang araw? Ano kayo, bata?" Nakataas na kilay na tanong niya sa akin.

"Alden can be cold for a day." Walang emosyon kong sabi.

"Alden cannot even be cold to you for a minute tapos sasabihin mo buong araw? O baka may ginawa kang hindi talaga niya nagustuhan?"

Pumikit ako. Why is Coleen defending him? Yes, they've known him for years to know that he is indeed a sweet man, but I am her sister!

I composed myself and tried to focus on reading. Mukhang naghihintay si Coleen ng sagot ko pero hindi na ako nagsalita.

"Whatever you say, Nicomaine. You know, you can fool me and everyone else, but you," she points at me, "you cannot fool yourself."

Tumayo siya sa kama ko at naglakad palabas ng kwarto. Tumigil siya at tumingin ng natatawa sa akin.

Reel In RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon