"SA WAKAS BAKASYON NA NAMAN" malakas kong sigaw pagbukas ko ng bintana ng aking kwarto. Dahil ibig sabihin nito ay magbabakasyon na naman ako kina lolo't lola. Alam niyo kasi, kaya gustong gusto kong nagbabakasyon sa mga lolo't lola ko ay dahil sa mga kakaiba nilang mga kwento. Minsan nga ay nagke-kwento sila tungkol sa mga kakaibang nilalang, minsan naman mga taong kayang mag-magic, yung mga nilalang na may kapangyarihan at minsan pa nga ay tungkol sa kung paano nilikha ang mundo. Promise magagagnda at napaka-interesting ng mga kwentong yon. Kaya sa t'wing magbabakasyon ako dito sa probinsiya, iniisip ko pa lang na may bago na naman akong maririnig ng kakaibang kwento ay naninidig na agad ang balahibo ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa excitement. Siyempre, naiimagine ko rin na isa ako sa mga magical creatures na may powers. Mahilig kasi ako sa panonood ng anime at pangarap kong makapunta ng Japan at maging manga/anime artist. Kaya siguro kapag kwentuhang fantasy ang paguusapan ay talagang gumagana ang imahinasyon ko 100%.
Matapos kong magisip-isip at magbalik tanaw sa masasayang ala-ala ko nung mga nakaraang bakasyon ay agad na akong bumaba ng kwarto para itanong kina mama at papa kung kailan kami aalis papuntang probinsiya nina lolo at lola. "Papa, Mama, kailan po tayo babiyahe papunta kina lolo?" tanong ko habang patalon talon sa hagdan dahil sa sobrang excitement.
"Oh, Ven gising ka na pala", sabi ni mama mildred habang umiinom ng kape. "Kumain ka muna ng almusal bago naten pag-usapan ang bagay na iyan" dagdag naman ni papa habang prenteng nagbabasa ng diyaryo tungkol sa mga kaganapan sa bansa. Si mama ay isang Psychiatrist, o doctor ng mga taong may sakit sa pagiisip at si papa naman ay isang magaling na Detective. Maayos ang aming pamumuhay namin. May sarili kaming bahay at lupa pati na rin kotse. Pero hindi nila ako pinalaki na spoiled sa lahat ng bagay. Dahil narin sa sobrang excitement ko ay nagmamadali kong nilantakan ang pagkain. Pritong talong na may sawsawang toyo at kalamansi, nilagang okra at pritong isda. Halos pitong minuto lang akong kumain at pagkatapos ay nagsipilyo na rin.
Matapos ay nagpunta kami sa sala upang pag-usapan ang nalalapit na bakasyon namin."Ehem!" pekeng ubo ng aking papa upang makuha ang atensyon ko. "Ah Ven" paguumpisa ng aking mama na may halong pagkalungkot. "Hindi kami makakasama ng papa mo, dahil may kailangan kaming tapusin for these incoming three consecutive weeks" paliwanag ni mama. "Pero Ven wag kang magalala dahil tuloy pa rin naman ang bakasyon mo and at the same time ihahatid ka naman namin sa lolo't lola mo" dagdag pa ni papa. "Ah okay lang po yun, naiintindihan ko po, wag po kayong mag-alala sakin dahil magpapakabait po ako doon" sabi ko na may tonong nalulungkot pero nae-excite parin naman ako eh. Kahit bata pa lang ako naiintindihan ko naman na ginagawa nila yun para sa ikabubuti ng pamilya namin. "Ah nga pala, anak maghanda ka na ng mga dadalhin mo, dahil bukas na bukas ay maaga tayong aalis papunta sa bahay ng lolo mo sa probinsiya para iwas traffic na rin", sabi ni papa habang nagaayos ng gamit niya para sa opisina at agad naman ding lumapit sa akin sabay pat ng ulo ko. "Opo", masigla ko namang sagot habang naka-smile.
Kinabukasan naalimpungatan naman ako dahil sa mahihinang tapik at dampi ng morning breeze sa mukha ko sapat na upang magising ang aking diwa. Naiwan ko pa lang nakabukas ang bintana ng kwarto ko pero wala naman gaanong hangin. Nagtataka man ay hinayaan ko na lang ssakit lang ang ulo ko kakaisip ng sagot. Halos maga-alas kwatro pa lamang ng umaga, naalala ko naman bigla na ngayon pala ang biyahe namin papunta sa probinsiya. Agad akong bumangon sa higaan ko at pagkatapos magligpit ng kumot ay bumaba na din ako sa kusina. "Oh, buti naman gising ka na, kumain ka na. Nagluto ako ng tuyo, kamatis na maalat, itlog at sinangag. Pagkatapos mo diyan maligo ka na at ibaba mo na din ang gamit gamit na dadalhin mo dahil maya maya ay aalis na din tayo" sambit ni mama habang naghahanda ng pagkaing babaunin namin para sa biyahe. Agad naman akong tumalima. "Ma, ang sarap nito ah" wika ko sabay nilantakan ang pagkaing nakahanda. Hindi naman kasi ako maselan sa pagkain. Mas gusto ko pa nga ang simple kesa sa mga hotdogs na puro preservatives. "Nga pala ma, asan po si papa?" tanong ko sabay kusot na rin ng mata ko. "Ah, nandun sa garahe inihahanda ang kotse" sabi ni mama. "Po?!" nasamid ako bigla. Saglit akong napaisip, "Ala, eh sino ung tumatapik sa mukha ko kanina?" nagtatakang tanong sa sarili ko. "Weird", bulong ko sa aking sarili. Napansin ko naman bigla ang ngisi ni mama na sa isang kisap ay nawala naman bigla o baka naman guni guni ko lang. Napabuntong hininga na lang ako.
Well, hindi pa pala ako lubusang nagpapakilala sa inyo, ako nga pala si Raven "Vhen" Hernandez, labing isang taong gulang na may normal na buhay.
Normal na buhay nga ba?
****************************
Here's the first chapter of "Book of Prophecy"Hope you enjoy it.
Up Next >> PROPESIYA II: BIYAHE
BINABASA MO ANG
BOOK OF PROPHECY (Ongoing)
FantasyI am chosen for a reason, to fight for what is right.