PROPESIYA V: DATING IKAAPAT

25 5 0
                                    

+++++
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, malakas ka pa rin tulad ng dati", sabi ni Alfredo kay Lucio. Napansin naman ng huli ang seryosong ekspresiyon ni Lucio. Inaalok ng matandang si Lucio ang maglolo na magtungo sa kusina para makapagkwentuhan din. "Alfredo", tawag ni Lucio habang nagtitimpla ng kape. Bakas sa mukha nito na may mahalagang sasabihin. Umupo ang dalwa at nagsimula na silang mag-usap. Hindi nila napansin ang paglabas ng batang si Raven sa kubo. "May napansin ka bang kakaiba habang nasa daan kayo? seryosong puna ni Lucio sa kaibigan. Kaagad naman tumalima ang huli. "Oo eh, isang paniki ang sumusunod samen ng apo ko kanina pa simula nung nasa may gubat kami", deritsahang tugon nito sa tanong ng kaibigan. "HINAYAAN MONG MASUNDAN KAYO DITO,! ALAM MO NAMANG LUMALAYO NA AKO SA GULO DI BA?!" singhal nito sa kaibigan. Napabuntong hininga na lamang ako dahil kilala ko naman ito. Ito lang naman ang pinaka-reckless sa lahat ng mga itinakda. Time flies so fast at ngayon ay matanda na kami. "Ano pa nga bang magagawa ko, nariyan na yan eh", buntong hininga muli nito.
+++++

Habang naguusap sina lolo at ung kaibigan niya, napagpasyahan kong gumala muna sa labas. Masyado kasing nakaka-bored sa loob ng kubo ni tatang lucio. Sobra akong nagandahan sa mga nakikita ko sa paligid, hindi ko namalayang nakarating na ako sa may ilog. Akmang tatakbo na ako papuntang tabing ilog nang may lumipad na paniki sa harapan ko ilang metro lang layo sa akin. Pinagmasdan kong maigi ang paniki, parang nakatitig ito sa akin. Ihahakbang ko na sana ang aking paa ng biglang nagkaroon ng itim na aura sa paligid nito ang paniki. Hindi ko na inasahan ang mga sumunod na nangyari, ang maliliit nitong mga paa'y dahan dahang naging paa ng tao, ang pakpak nito ay naging kamay at ang ulo ng paniki ay naghugis mukha ng isang tao. Para akong nasa isang anime na pinapanood ko. Naeexcite ako pero at the same time natatakot din. Napansin ko din ang mga namumula nitong mata at isang malaking palakol sa likod nito. Di naglaon nagbago ang kulay ng mata nito. Tumitig ito ng matagal sa gawi ko. "Kamusta ka na UNANG ITINAKDA ng EXORCERIA", sambit nito sa nakakatakot na boses. Tila napadtda naman ako sa aking kinakatayuan. "Si-Sino ka at anong kailangan mo saken?", nanginginig na tanong ko. Isang smirk ang pinakawalan nito na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba. "Anong kelangan ko sa'yo?Ano nga ba?", tila nag-iisip nitong sambit sa akin sabay kuha ng palakol sa likod nito. Nakuha kaagad ng atensiyon ko ang marka sa palakol. Isa itong pigura na hugis kildlat. "Ah simple lang naman, kailangan ko lang namang kitilin ang buhay mo at ang buhay ng iba pang mga itinakda" sambit nito habang nag-akto na ginigilitan ako ng leeg. "Ki-Kitilin, Bu-Buhay, It-Itinakda, Ex-Exorceria?", naguguluhan kong tanong. "Ah ibig mong sabihin wala ka pang alam, kung ganun mas mapapadali lang para sa akin na patayin ka dahil hindi pa nagigising ang kapangyarian mo", muli nitong tugon sabay tawa na naman habang nilalaro ang palakol nito sa palad. "Baliw ba to?, Kanina pa siya tawa ng tawa?", bulong ko sa sarili ko. "Sinong baliw ang tinutukoy mo, ako ba?, HOY! BATA! , wag mo akong matawag-tawag na baliw dahil hindi ako baliw", singhal nito saken. "Teka nga ano ba yung baliw?", tanong muli nito saken pero bakas sa mukha nito na seryoso. Hindi ko akalain na maririnig niya iyon. "Huh?, Nagagalit tapos hindi naman pala alam ang ibig kong sabihin", bulong ko ulit sabay kamot sa ulo. Hanggang sa naging seryoso na naman siya. "May huli ka bang sasabihin bago kita patayin?" nakangising tanong nito habang dinidilaan ang talim ng palakol. Saglit akong napalunok at natigilan dahil seryoso nga siya. "Ano bang pinagsasabi mo ha?", mariin kong tanong. "Total naman mamamatay ka na ngayon sasabihin ko na", seryosong tugon nito. Hindi ko na binalak pang tumakbo dahil sa curiosity kong malaman ang tungkol sa bagay na yon.

"Ang mga ITINAKDA ay mga nilalang na may pambihirang katangian, may kapangyarihan sila na ipinagkaloob ng mga guardians sa mga pinili ng Exorceria", paliwanag nito.

"Masyado ka nang maraming nalalaman, siguro oras na para tapusin kita", habang pinaikot-ikot ang palakol. Sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya. Halos isang dangkal lang ang layo mukha niyang naka-ngisi sa akin. Sobrang takot na ang nararamdaman ko. Wala na akong nagawa nang hinawakan niya ang kanan kong braso. Akmang hahatawin na niya ang palakol sa akin ng biglang isang malakas na pwersa ang nagpatalsik sa palakol. Nagkasugat sugat din ang braso nito. Pareho kaming naguluhan sa nangyari.  Kahit wala akong kaalam alam sa nangyari ay ginamit ko ang pagkakataon na yun para tumakbo ng mabilis. Hindi ko na alintana ang mga sangang sumasabit at mga talahib na matatalas.

BOOK OF PROPHECY (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon