PROPESIYA XIV: IKAANIM

7 1 0
                                    

A/N: The increasing cases of COVID-19 as of April 23, 2020, led to an extension of another 15 days of ECQ up until May 15, 2020.

"It started to a community quarantine, then leveled up into enhanced community quarantine up until it turns out into extended enhanced community quarantine. So my countrymen, do not wait until it becomes new and improved fortified enriched extended enhanced community quarantine with L-carnitine and gingko biloba, papaya and aloe vera extracts with citrus bio-flavonoids coupled with lacctobacillus shirota strain pa po tong nararanasan naten" -Anonymous

#skl

So here's another chapter for you my beloved readers.

Enjoy 😉

*****

Habang hinahayaang dumaloy ang tubig na nagmumula sa shower sa aking mukha ay hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga sinabi sa akin ni Master tungkol kay ate Mary. Maaaring isa raw itong makapangyarihang black witch na ipinadala ni Draco para tapusin si Nathaniel. Iwinaglit ko na lang ito sa aking isipan at nagpatuloy na lang sa aking ginagawa. Ilang sandali pa'y mabilis ko ng tinapos ang aking pagligo at nagbihis ng isang sweat short at free-sized gray t-shirt. Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura dahil napagtanto kong hindi pa pala kami naghahapunan. Matapos kasi naming maihatid si Edward sa kanyang bahay, ay nagpasya ako na isama si Master sa Supermarket sa bayan. Di niyo naitatanong, sa edad na pito ay marunong na akong magluto. Tuwing weekends kasi ay walang work si mama kaya natuturuan niya akong magluto. At ang pinakaalam kong lutuin ay sinigang na sugpo, bangus, at salmon.

Habang pababa ako ng hagdan para magluto ng sinigang na salmon ay di ko sinadyang marinig ang pinaguusapan nina Master at Kuya Alexander. Pagdating kasi namin ni Master kanina galing supermarket ay nakaupo ito sa sofang malapit sa TV dahil kanina pa daw niya kami hinihintay. Ayon sa kanya ay may mahalaga silang pag-uusapan ni Master dahil sa utos ni Prinsesa. Ngunit hindi ko lubos akalain na hindi pa pala sila tapos mag-usap hanggang ngayon.

"Pasensiya na Master, Kuya Lax. Magluluto kasi ako ng hapunan kaya di ko sinasadyang marinig ang ilan sa mga bagay na pinag-uusapan niyo", hinging paumanhin ko at tinungo ang ref. Habang inihahanda ko ang mga sangkap ay isinaksak ko muna ang rice cooker na may bigas siyempre. Pansin kong natahimik naman ang dalawa na hindi ko na lang pinansin. Pagkatapos kong ihanda ang lahat ng mga rekado ay nakita kong puno ng pagtataka si Kuya Alexander. Pero iba ang nakikita ko ka'y Master, ang mga mata nito ay puno ng lungkot. Kaagad naman itong umiwas ng tingin sa akin ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Weird.

"May problema po ba?", baling ko sa mga ito. Ngayon lang siguro sila nakakita ng 11-y/o na maalam magluto. "Raven, para ka talagang si Icarus", tugon ni kuya Alexander. Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lang umalis si Master at ibinagsak ang pinto ng kusina. Ang weird niya talaga.

"Anong problema nun?", naguguluhang tanong ko sa naiwang si Kuya Alexander na parang hindi na-bothered sa in-act-o ni Master. "Tsaka sino po yung tinutukoy ninyong Icarus?", dagdag ko pa. Hindi naman ito kaagad na sumagot na tila nagdadalawang isip kung sasagutin ang tanong ko. "Si Icarus ay...anak ni Lax", maikling tugon nito. Alam ko naman ang ibig sabihin nun, marahil ay sobrang nami-miss na ni Master ang anak niya. Kahit ako man ay miss na miss ko na si Lola. At dahil eksaktong ang lulutuin ko ay pampatangal ng lungkot ay huhusayan ko ang pagluluto. Ito kasi ang niluluto sa akin ni mama sa t'wing nalukungkot ako. Hindi ko na muli pang tinanong si kuya Alexander tungkol sa bagay na iyon at nag-focus na lang sa pagluluto. Pero may side pa rin akong gustong malaman kung sino si Icarus. Kamukha kaya ito ni Master, o kasing-sungit nito?. Ilan lamang yan sa mga katanungang namuo sa aking isipan.

******

Inabot ng halos isang oras ang pagluluto ko ng sinigang na salmon. Tamang-tama lang ang asim nito dahil hindi nasasapawan ang lasa ng mga sahog. Naglagay ako nito sa taltlong mangkok at inihain kasama ang tatlong plato na may kanin. Alam kong hindi sila pamilyar sa pagkain ng mga mortal pero alam kong masasarapan sila dito. Naglagay din ako sa isang heat-resistant lunch box para kay Lola at Tatang Lucio. Ipapabigay ko na lang ito kay kuya Alexander sa oras na babalik na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOOK OF PROPHECY (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon