PROPESIYA VIII: ISANG PANGAKO

31 4 2
                                    

+++++
Isang mabigat na presensiya ngayon ang nagbibigay ng kakaibang kaba at takot kay Louisea at Alexander habang ang batang si Raven ay walang kaalam-alam kung sino ang lalaking lumitaw sa likuran ni Leon. Nakasuot ito ng isang itim na baluti na mayroong tatlong butas sa bandang dibdib na tila tila mga sisidlan ng kung anong bagay. Isang itim na espada na mayroong mga pulang linya din ang nakasabit sa baywang nito. Ang ibabang mukha naman ay natatakpan ng isang kapirasong tela. Matatalim din ang mga pulang mata nito na tila mga punyal.

"Pinunong Draco!", gulat na gulat na sambit ni Leon. Kaagad itong lumuhod sa harapan nito bilang pagbibigay galang. "Ano pong ginagawa niyo dito?", muling tanong nito. Hindi naman sumagot ang tinawag niyang "Panginoong Draco" at sa halip ay ipinukol nito ang atensiyon sa tatlong tao na nasa harapan nito. "Kung ganoon ikaw pala ang bagong itinakda ni Gale", pukol nito sa batang si Raven. Malalim at makapal ang boses nito na animoy isang daang mga lalaki ang nagsalita. Hindi naman ito pinansin ni Raven at sa halip ay hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ng kanyang nanginginig na Lola. Tila nagbalik naman ang diwa ni Louisea ngunit bakas pa rin ang takot mula rito.

"Isang bata lang ang itinakda pero nahihirapan kang patayin ito", casual na pukol ni Draco kay Leon. Pero ang bawat salita nito ay tila mga bubuyog na umugong sa kalamnan ng huli. "Ipa-Ipagpaumanhin mo po Pa-Panginoon", nauutal na tugon naman ni Leon na kasalukuyan pa ring nakaluhod.

"Hoy! Sino ka ba?", matapang na saad ni Raven kay Draco. "Hoy!, bata mag bigay galang sa Panginoon", paguutos naman ni Leon sa bata. Masamang tingin lang ang ipinukol ng huli rito. "Tsk, sisip".

Tinitigan ni Draco ang batang si Raven sa mga mata nito. Tila may kung anong koneksyon ang bigla nabuo mula sa isip ng dalawa. Ngunit hindi ito napansin ng bata. Isang kahindik hindik na halakhak ang bigla na lang kumawala mula rito. "Bata, kakaiba ka sa lahat ng mga itinakda", makabuluhang saad nito sa bata. Tumalikod na ito sa tatlong tao na kasalukuyang naguguluhan sa mga inusal ng kanilang mortal na kalaban.

"Nerissa, Leon, babalik na tayo!", madiing utos nito sa dalawa. Isang kwago na kulay itim ang lumipad patungo sa balikat ni Leon. Binalot ito ng itim usok ang kwago at unti-unting nag-anyong babe. "Masusunod Panginoon", tugon ni Nerissa na agad na nagbukas ng isang portal. Hindi naman umangal pa si Leon, dahil ang utos ng kanilang Panginoon ay hindi mababago.

"Magkikita pa tayong muli, itinakda. Dahil isa kang *******", huling sambit nito at tuluyan ng naglaho sa paningin nina Louisea, Alexander, Lucio at Raven. Hindi narinig ni Louisea at Lucio ang huling salitang sinambit ni Draco. Ngunit ang Castle Knights General na si Alexander ay tila malakas pa sa bombang atomika ang pagkakarinig sa salitang iyon.

Napabalik naman ito sa realidad ng biglang sumigaw si Louisea. "Raven", bulalas ng ginang ng biglang mag-collapse ang bata. Unti-unting namutla ang balat nito at ang temperatura ng katawan nito ay malaki ang ibinaba. Sobrang lamig ng katawan ni Raven at mahina rin ang pintig ng pulso nito. Kaagad na lumapit si Alexander at ginamitan ito ng re-vitalizing spell. Binalot ng luntiang liwanag ang buong katawan ng bata. Gulat at nagtatakang tiningnan nito sina Louisea at Lucio. "Hindi tinatanggap ng katawan ng bata ang aking revitalizing spell. Tila may kung anong pwersa ang pumipigil sa aking kapangyarihang i-penetrate ang katawan niya", mahabang paliwanag nito sa dalawa. Muli na namang bumalik sa alaala nito ang ang huling salitang binitawan ni Draco.

Sa kalagitnaan ng pagiisip ni Alexander ay isang portal ang lumitaw sa kanilang harapan. Iniluwa nito ang isang kawal na nakasuot ng isang knight armor na mayroong insigna ng Exorceria. Kasama nito ang dalwang pang kawal at isang Auguanra o healer.

Mabilis na kumilos ang Auguanra at kaagad na tinungo ang lokasyon ni Lucio at Raven na parehong walang malay tao. Alam ni Louisea na ang mga ito ay nilalang na mula sa Exorceria dahil sa mga pisikal na katangian ng mga ito. May matutulis na tainga, at librong nakasabit sa kanilang baywang, ang Elvoire. Ang katawan ni Alfredo, gayundin ang walang malay tao na sina Lucio at Raven ay kaagad na inilagay sa isang levitating leaf, na sampung beses ang laki kumpara sa magic carpet ni Aladdin. At kaagad din lumipad patungo sa portal hanggang sa tuluyan ng naglaho ang mga ito sa balat ng lupa. Tanging naiwan lamang sa lugar na iyon ay ang kalbong gubat na puno ng sira-sirang puno, at bitak bitak na lupa.
+++++

BOOK OF PROPHECY (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon