PROPESIYA IV: MULING PAGKIKITA

26 6 0
                                    

+++++
"Nalalapit na ang muling pagbangon niyo mahal na Panginoong Draco at ang pagbawi sa posisyong ipinagkait sa inyo ng mga guardians" sabi ng isang matipunong lalaki na puno ng peklat ang katawan. May nakasabit sa likod nito na isang malaking itim na axe na ang tawag ay THUNDERFURY. Mayroon itong marka ng tila isang boltahe. Siya ang kanang kamay ni Draco na si Leon. "Sa oras na mapasakamay at makumpleto ko ang mga isinumpang bato, magkakamit ako ng pambihirang lakas at kapangyarihan na kahit ang mga itinakda ng propesiya ay hindi ako magagawang talunin" sabay nagpakawala ng maladenonyong halakhak ang dalawa. "Zere, nais kong magtungo ka sa mortal na mundo maghanap ka ng mga tao na may kakaibang katangian para maging Draconians. Sila ang magsisilbing galamay ko para mabilis na mahanap ang mga cursed stones", utos ni Draco sa isa sa mga Commander ng Draconians. Ito ang sumunod na pinakmalakas nyang tauhan maliban kay Leon. "Masusunod mahal na pinuno" tugon naman ni Zere. "Leon, nais kong hanapin mo naman ang mga itinakda at paslangin" maotoridad na utos nito kay Leon. "Opo, Panginoong Draco", sang-ayon naman ni Leon.
+++++

Matapos pumunta sa banyo ay hindi na muli akong dinalaw ng antok, kung kayat napagpasyahan kong magtungo sa kusina para uminom ng tubig, Papasok na sana ako ng kusina ng may marinig akong naguusap, sumilip ako upang tingnan ito, hindi ko inaasahan na gising na rin pala sina mama at papa gayundin ang aking lolo't lola. Naguusap ang mga ito tungkol sa nalalapit na pag-alis ng aking mga magulang bukas. "Itay, kailangan na naming bumalik mamaya pagputok ng araw dahil may trabaho pa kaming kailangang tapusin" rinig kong sabi ni papa. Kung kaya't minabuti kong bumalik na sa kwarto ko dahil masama makinig sa usapan ng matatanda pero akmang babalik na ako ng tinawag naman ako ni mama. Kung kayat minabuti ko na ring makinig sa kanilang usapan. Makalipas pa ang ilang sandali ay nasilayan ko na ang pagputok bukang liwayway. Nakaramdam ako ng lungkot dahil babalik na ang aking mga magulang sa Maynila.

Nakahanda na ang lahat sa pag alis nina mama at papa, pilit ko namang pinipigilan ang pag-iyak dahil ayaw kong makita nila na umiiyak ako. Kalalaki kong tao, tapos iiyak ako dahil lang sa maiiwan ako dito kina lolo at lola. At tsaka napag-usapan na din naman namin ito bago pa kami bumiyahe. "Oh pano po ba yan itay, inay aalis na kami ng asawa ko" magalang na pagpapaalam ni papa kay lolo at lola. "Kayo na po ang bahala kay Vhen, mabait po yang bata" dagdag pa ni mama. Pansin din sa boses nito ang pagkalungkot sabay ginulo ni mama ang buhok ko. "Sige, Tonio, Mildred, mag-iingat kayo sa biyahe" tugon naman ni lolo. Ilang sandali pa'y, nagunahang pumatak ang mga luha ko. Nilapitan naman ako ni papa, gayundin si mama at niyakap ako ng mahigpit. "Anak, wag ka ng umiyak babalik naman kami eh, pangako sa oras na matapos namin ang trabaho ay babaik kami agad" pagpapatahan nila sa akin. Kahit na mahirap at di ako sanay na wala sa tabi ko sina mama at papa ay tumahan na ako. Ilang saglit pay tuluyan ng lumisan ang mga magulang ko. Inihatid ko na lang ng tingin ang kotse nila hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa aking paningin.

Kasalukuyan akong nasa aking kwarto nang may kumatok. Naiwan ko pa lang bukas ang pinto at nakita ko si lolo. "Ah, Raven apo" tawag nito sa mahinang boses subalit sapat na upang marinig ko ito. "Kayo pala Lo" wika ko naman."Maaari ba kitang makausap?" dagdag pa nito. "Opo naman po siyempre" sagot ko naman. Pumasok na ito at umupo sa tabi ko. "Huwag kang malungkot dahil bumalik na ang iyong magulang sa maynila, andito naman kami na lola louisea mo eh. Alam mo ba kung bakit sila umalis, ay dahil gusto nilang bigyan ka ng magandang buhay. Nagtatrabaho sila para maibigay ang mga gusto mo. Ayaw mo ba nun? mahabang paliwanag ni lolo sa akin. Hindi naman kaagad ako nakasagot dahil alam ko naman iyon. Tinaas ko na lang ang ulo at umiling bilang sagot. Ngumiti na rin ako dahil gumaan na ang aking pakiramdam. "Kung gayun dahil mabait kang bata este binata na pala, mamasyal tayo mamaya. Saan mo ba gusto?" tanong ni lolo sa akin.  Ang lungkot na aking nadarama ay unti-untng napalitan ng saya at excitement. Marami pa rin kasi dito sa probinsiya ang hindi ko napuluntahan. "Talaga po Lo?" masigla kong sagot. "Kahit saan po basta maganda" dagdag ko pa. "Sige, may alam akong magandang pasyalan. Sige na maghanda ka na" huling sambit ni lolo bago lumabas ng kwarto ko.

BOOK OF PROPHECY (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon