PROPESIYA II: BIYAHE

37 6 0
                                    

+++++
"Handa na po ako, mahal na Prinsesa Serina" wika ng isang
buffed na lalaki na nasa edad mid 30s, matutulis ang tenga at may matipunong tindig, ang Castle Knights General na si Alexander. "Kung gayon ay umpisahan mo na ang paghahanap sa mga itinakda sa lalong madaling panahon dahil nararamdaman ko ng kumikilos na ang Draconians " tugon naman ng prinsesa. Mababakas dito ang awtoridad at pagiging pinuno. "Ngunit paano ko po sila mahahanap Prinsesa, napakalawak ng mundo ng mga tao at isa pa lubos itong mapanganib sa tulad nating gumagamit ng mahika" magalang na sambit nito sa kanyang prinsesa. "Ayon sa libro ng propesiya, ang bawat itinakda ay may kanya-kanyang simbolo na makikita sa parte ng kanilang katawan" tugon ng mahal na prinsesa serina. "At isa pa lumalabas ito sa tuwing gagamit sila ng kanilang kapangyarihang tinataglay" dagdag pa nito. Tumango naman si Alexander bilang tugon. Matapos sabihin ng prinsesa ang mga impormasyong makakapagturo sa mga itinakda ay nagsimula na itong maglakbay patungo sa mundo ng mga tao. "Mag-iingat ka Alexander", huling sambit ng prinsesa.

Lingid sa kaalaman ng Prinsesa ay may nagmamatyag sa kanila at lahat ng napagusapan nilang dalawa ni Alexander ay narinig nito. Mababakas ang kahindik-hindik na ngisi mula rito na agad din namang nawala. Umalis na ito kaagad ng mapansin na naglakad na papalayo ang heneral.

Gamit ang levitating magic, sumakay si Alexander sa isang malaking dahon at binaybay ang daan patungo sa isa sa mga sagradong puno dito sa Exorceria o ang kaharian ng mga Diwata. Isang napakalaking puno ang nasa harapan ngayon ni Alexander. May mga kakaibang marka rin ito na iba't-iba ng hugis ang makikita sa katawan ng puno. Upang mapabilis ang pagpunta nito sa mortal na mundo, tinaas nito ang hawak na espada at bumulong ito sa kakaibang lingwahe. "Per dracones luceum huius mensis noctis dicam tibi fortitudinem dedisti mihi, ex virtute tribus, obsecro te, ut omnia praesdia, circumdant me, et fiat sic fiat" isa itong mahika na ginagamit upang mabuksan ang isang butas na nagkokonekta sa iba't-ibang dimesyon. Biglang nagbago ang hugis ng espada nito at naging isang baston na may asul na kristal. Nagemit ito ng isa uri ng liwanag na tumama sa mga isa mga kakatwang mga marka. Kumonekta ang mga liwanag sa isa't isa at bumuo ng isang trihexagonal magic circle. At sa isang iglap may malaking butas na lumitaw katawan ng puno, isang portal.
+++++

Maaga kaming umalis noong umagang iyon, ilang oras pa ang lumilipas ay unti-unting nauubos ang matataas ng building kaalinsabay nito, lumalawak naman ang kapatagan, marami na ring mga nagtatayugang mga puno at mga halaman ang makikita sa daan, presko rin ang hangin dito. Habang nasa biyahe, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili. Halos wala akong makita lahat ay itim, madilim, "gabi na ba?" noo'y nagsimula na akong makaramdam ng takot. Sino ba namang hindi matatakot kung isang araw makita mo ang sarili mo sa isang nakakatakot na lugar, wala kang kasama take note; nang biglang may kumaluskos sa kung saan. Kinakabahan ako, dahil dun naglakad lakad ako, hanggang sa ang lakad ay naging matulin, hindi ko namalayan na tumatakbo na ako. Hanggang sa may nakita akong maliit na liwanag sa aking harapan, mabilis akong tumakbo. Unti- unting lumalaki ang liwanag at sa wakas nakalabas na ako. Kasabay nito ay naglaho na ang mga kaluskos. Napayuko ako dahil sa sobrang pagod, hinahabol ko rin ang hininga ko. Nang masiguro kong sapat na ang hangin sa aking sistema ay itinunghay ko na ang aking ulo at napalunok na lang ako sa aking nakita. Puro mga bangkay, dugo may ilan pa ngang kulang ang parte ng katawan tulad ng braso, binti at iba pa, may mga halimaw rin, kakaibang nilalang at kung anu-ano pa. karamihan sa mga nakikita ko ay mga taong naliligo sa sarili nilang dugo. Sa di kalayuan may nakita akong lalaking nakaitim na may hawak na isang matalas na bagay. Napagtanto kong isa itong katana, napansin ko din ang dalawang tao sa harap nito, isang lalaki at isang babae. Dahan dahan akong lumapit dun sa lalaking nakaitim. Napansin kong parang may sinasabi ito na hindi ko maintindihan dahil mahina. Pero napagtanto kong papatayin niya yung dalawang tao base sa pagtaas nito sa hawak nitong katana.
Walang ano anu'y tumingin sa akin yung babae at lalaki. Doon nanlaki ang mga mata ko dahil si papa at si mama yun. 'HU-WA-HUWAAAA-HUUUWAAAGGGG!!!!!', malakas na sigaw ko, pero tila bingi ang lalaking nakaitim, kayat mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan nila ngunit huli na dahil sinaksak na nung nakaitim na lalaki ang aking mga magulang. Halos ilang dipa na lang ang layo ko sa kanila pero tila nawalan na ako ng lakas para tumayo at puntahan sila. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Kitang kita ko kung paano paslangin ng lalaking nakaitim na iyon ang aking magulang, kitang kita ko rin ang pag sirit ng kanilang malapot na dugo. Ngunit hindi pa dun natapos ang lahat, pilit na lumingon sa akin ang aking ama. Tila may sinasabi ito na hindi ko maintindihan. Mariin akong tumitig sa kanyang mga labi upang sundan ang kanyang sinasabi. TU-MA-MAK-B-BO K-A NA AN-ANA-ANNAK, MA-HA-HAL KA NAM-MI-MIN NG IYO-NG I-NA, doon nalagutan ng hininga ang aking ama. Dahil doon pinilit kong tumayo kasabay nito ang unti unting pagharap nung lalaking nakaitim sa akin. Gulat na gulat ako sa aking nakita. Dahil ung lalaking nakaitim ay walang mukha. Hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan, dagli akong napalunok at napakurap din ako at wrong move dahil pagmulat ko ay nasa harapan ko na siya. Tatakbo na sana ako ng hawakan niya ang aking braso at sinabing, mamamatay ka na UNANG ITINAKDA, sabay hampas sa akin ng hawak niyang katana.

Napasigaw ako sa nangyaring iyon at nabalik sa ulirat ng gisingin ako ng aking ina. "Anong nangyari sa iyo anak?" tanong ng aking ina sabay harap. Muli na naman akong napasigaw dahil sa pagharap ng aking ina ay wala siyang mukha, AAHHHH!!!!!!, matapos nun may naramdaman akong masakit at mahapdi sa aking pisngi dahil sinampal pala ako ni mama, sapat na iyon upang magising ng tuluyan ang aking diwa. Nagtaka naman ang aking ina kung bakit pawisan ako. Raven, ano bang nangyari sa iyo?, nagaalalang tanong ni papa kahit nagmamaneho ay concern pa rin siya sa akin siyempre naman tatay ko yun eh. Ah,eh, nanaginip lang po, pagdadahilan ko pero bakas pa rin ang takot sa aking mukha. Ayaw ko kasing pagdulutan pa ng stress ang aking panaginip,masasabi kong hindi basta panaginip yun, panaginip nga ba para kasing totoo.

Hindi ko namalayang madilim at umuulan na pala. "Ano ba naman yang ulan na yan napaka wrong timing!" rinig kong sambit ni papa. "Mahal, Vhen, maghanda na kayo dahil malapit na ang bahay ng mga magulang ko" dagdag pa ni papa dahil siya lang ang kaisa-isang anak ng mga ito. Ilang minuto pa ang lumipas ay tumigil na ang sasakyan sa tapat ng isang luma pero mababakas pa rin ang ganda ng bahay. Kasabay nito ay ang pag tigil ng ulan. "Nandito na tayo" rinig kong sabi ni papa.

*********************************
So how's the story so far? 👆

Hope you enjoy it.

Up Next: PROPESIYA III: UNANG ITINAKDA

BOOK OF PROPHECY (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon