+++++
"Buhay ka nga Leon", gulat na sambit ni Alfredo. Sinubukan nitong lapitan si Leon ngunit hindi pa man lubusang nakakalapit ay nagpakawala ito ng mga itim na punyal sa direksyon ng tatlo. Kaagad namang naalarma si Lucio, itinutktok nito ang kahoy na tungkod at napalitan ito ng isang aluminum blue spear na mayroong asul na kristal, ang Shard of the Seven Seas o SSS. Isang uri ng sacred weapon na may limang talim (A/N: mukha siyang trident pero lima ang talim). Ito ay ipinagkaloob ng Guardian of Water na si Hydro sa kanyang itinakda. Gumawa ito ng Aqua shell, isang mataas ng uri ng protective barrier magic. Mabilis na lumipad ang mga itim na punyal at tumama ang mga iyon sa sa barrier. Muling umilaw ang weapon ni Lucio at unti-unting in-absorb ng barrier ang pagatake ni Leon. Hindi naman nagulat ang huli. "HAHAHAHA!, magaling ka pa rin tulad ng dati Lucio" nakangisi wika nito habang inis na tinitingan ang dalawa. "Bakit mo ito ginagawa!" mariing tanong ni Alfredo na hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. "Hindi ba magkaibigan tayo?", dagdag pa nito.Tila napatigil naman si Leon sa sinabi ni Alfredo. Ngunit mas lalo lang nitong naikuyom ng mga kamao ng marinig ang salitang "kaibigan". Biglang kumawala ang malakas ng itim na aura sa katawan nito.
BAKIT!?, tinatanong mo kung bakit, dahil GALIT AKO SA INYO", madiing sagot nito. "At anong sinasabi mong kaibigan, wala akong kaibigan. At kung meron man matagal na silang patay!". May diin ang bawat salitang binibitawan nito. Puno ng galit, kalungkutan at hinagpis ang mga mata nito.
"Si Panginoong Draco lang ang kaibigan ko!", dagdag pa nito.
Natigilan sina Alfredo at Lucio sa tinuran ng dating ikaapat na itinakda na si Leon. Hindi nila akalain na ang Knight of Light ay magiging kalaban nila. Hindi rin nila akalain na buhay pa ito. Dahil ang huli nilang naalala ay ginamit nito ang isang forbidden spell para maikulong ang nine (9) monsters of hell. Ginamit nito pati ang sariling life force upang mai-seal ang mga ito na naging sanhi ng kanyang unti-unting paglalaho.
"Sinabi mo bang Dra-Draco?", nauutal na sambit ni Lucio. Hindi naman sumagot ang huli bagkus ay muling umatake. Tila nawaglit sa isip ni Leon ang misyon niyang tapusin ang itinakda. Nagpakawala ito ng mga bolang itim na gawa sa purong enerhiya.
"Mukhang di na magtatagal ay masisira na itong barrier", sambit ni Lucio kay Alfredo. Mukhang naintindihan naman kaagad ito ng huli. Ang Aqua shell ay nangangailangan ng matinding pisikal na lakas mula sa user. Dahil kung mahina ang pangangatawan ng user ay mahina din ang barrier. Dahil matanda na ito ay naging limitado na ang oras ng pag-gamit niya sa aqua shell. Sunod sunod ang pinakawalang pag-atake ni Leon. Unti-unting nagkaroon ng bitak ang mga barrier. Napansin ito ito Leon at agad na pinagdikit ang palad at ang talim ng sandata nito. Bumalot ang itim na enerhiya sa weapon nitong THUNDERFURY at mabilis na tinungo ang posisyon nina Alfredo at Lucio. Sa isang wasiwas lang ng palakol ay nabasag ang dalwang barrier na naging sanhi ng isang malakas na pagsabog.
Tumilapon sina Alfredo, Lucio at Raven dahil sa lakas ng pagsabog.
Tumama si Lucio sa isang malaking tipak ng bato. Dahil sa lakas ng impak, nabali ang isang ribs nito at napaubo ito ng dugo. Hindi pa man nakaka-recover si Lucio sa huling pagatake ni Leon ay muli na naman itong umatake. Ibang-iba na ito sa Leon na kilala nila. Ang Leon na gagawin ang lahat para protektahan ang mga taong mahahalga sa kanya. Hindi na alintana ni Lucio ang pagsugod nito dahil nanghihina na ang katawa niya at nanlalabo na rin ang paningin nito. Tinanggap na nito ang kanyang katapusan.
"KATAPUSAN MO NA!", sigaw ni Leon. Iwinasiwas nito ang palakol sa direksyon ni Lucio. Napapikit na lang ito habang hinihintay ang pagtama ng palakol sa kanyang katawan. Ngunit lumipas ang isang minuto ay walang tumama sa kanya. Napamulat na lamang ito at nakita ang kaibigan na si Alfredo na sinangga ang THUNDERFURY ni Leon gamit ang sariling sandata. Ito ay isang pares ng sandata na hugis buwan. Mayroon itong simbolo ng hangin na katulad ng nasa kanang braso nito at isang butas na walang laman, ang sacred fist weapon na tinatawag na CRESCENT BLADE. Gaya ng SSS ni Lucio, ang Crescent Blade ay ipinagkaloob ng Guardian of Air na si Gale sa kanyang itinakda. Nagtagisan ng lakas ang dalwang sandata, sandata sa sandata. Malakas na impact ang naging dulot noon. Ang bangaan ng dalwang sandata ay lumika ng matitinis na tunog ng metal. Halos tumagal ang sagupaan nina Alfredo at Leon ng limang minuto. Walang gustong magpatalo sa dalwa hanggang pareho silang tumigil sa pag-atake.
BINABASA MO ANG
BOOK OF PROPHECY (Ongoing)
FantasyI am chosen for a reason, to fight for what is right.