A/N: Hi readers, I would like to thank everyone who have had red and voted my story because of you guys, Book of Prophecy ranked no.52 in #evil as of 042020. Congrats po sa atin.
Another thing, please stay safe from COVID-19.
Enjoy reading.
+++++
Ngayong araw ang nakatakdang pagalis ni Raven sa Exorceria upang tuparin ang kanyang misyon, ang hanapin ang natitira pang mga itinakda sa mundo ng mortal. Ito ang dahilan kaya isang pagpupulong ang ipinatawag ni Serina kasama sina Laxius, Louisea, Lucio at Raven sa silid ng mga itinakda.Nasa isang pabilog silang lamesa na gawa sa kahoy ng camagong na mayroong mga simbolo ng anim na Guardians. "Raven, magaling ang ipinapakita mong progreso nitong nakaraang mga araw", parangal ng Prinsesa sa itinakda. Tila namula naman ang huli dahil sa papuri sa kanya ng Prinsesa. " Maraming salamat po", nahihiyang tugon nito. "At nababatid kong handa ka ng tupadin ang iyong tungkulin", pagpapatuloy ng Prinsesa. Napalunok naman ang batang si Raven dahil wala itong ideya kung paano sisimulan ang paghahanap. Ang alam lang nito ay mayroong kanya-kanyang simbolo ang mga itinakda. Maliban doon wala na siyang clue. Batid ni Louisea na bahagi ng pagiging isang itinakda ang malagay ang buhay sa panganib. Kaya kahit na nangangamba ito para sa kaligtasan ng apo sa gagawing misyon ay nanatili na lamang itong tahimik. "Ipagpaumanhin niyo po Prinsesa ang aking pagputol sa inyong sinasabi. Nais ko lamang pong malaman kung mayroon akong makakasama sa aking misyon", tanong ng itinakda sa Prinsesa. Hindi naman lingid sa kaalaman nito na itatanong iyon ng itinakda. "May inatasan na akong gabayan ka sa iyong misyon sa mundo ng mga mortal", tugon naman nito. Nakahinga naman ng maluwag ang itinakda na animo'y nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Bata ang paghahanap sa mga itinakda ay hindi magiging madali kaya palagi kang mag-iingat", pagbibigay babala ni Lucio rito. Tila batid naman ito ng huli dahil sa umpisa pa lang ay kamuntikan na itong mamatay. "Alam ko po iyon, kaya po nagsanay akong mabuti para rito", kalmadong tugon nito sa kanyang Tatang. Napangiti naman ang huli dahil sa tinuran ng bata. "Para ka talagang si Alfredo, parehong-pareho kayo ng ugali", dagdag pa nito. Natawa naman ang itinakda at biglang niyakap nito ang kanyang lola at tatang.
"May nakaligtaan pala akong sabihin sa iyo Raven", pagputol ng Prinsesa sa pageemote ng tatlo. "Hindi ka pwedeng makita ng mga magulang mo sa mortal na mundo. Dahil maaari silang madamay sa misyon mo na maging sanhi upang ang buhay nila ay manganib", paliwanag ng Prinsesa. Hindi naman kaagad ito nakasagot ngunit isang tango na lang ang itinugon nito. Sapagkat sa t'wing maiisip nitong manganganib ang buhay ng kanyang magulang ay hindi nito mapapatawad ang sarili.
******
"Lax, tila may kung anong bumabagabag sa iyo", puna ni Alexander sa kaibigan. Hindi naman ito sumagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad. "Dahil ba ito kay Raven?", pangungulit ni Alexander rito. Napahinto naman bigla si Lax at matatalim na tingin ang ipinukol nito sa kaibigan. "Kilala kita Lax, alam kong nakikita mo ang panganay mong anak sa kanya", mahinang sambit nito sa kaibigan na lalong nagmistulang tuod sa kinatatayuan nito. "Kahit ako man. Noong una ko siyang makita sa kakahuyan sa mundo ng mortal ay si Icarus kaagad ang nakita ko sa kanya", paliwanag ni Alexander dito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lax at agad na sumandal sa isang puno sa hardin ng Reino de Aire. "Tama ka Alex. Si Icarus nga ang nakikita ko sa kanya. Siguro kong buhay pa siya malamang halos magkasingedad lang sila ni Raven", tugon nito sa kaibigan. "Ngunit sa t'wing kakausapin niya ako ay hindi ko mapigilang magsungit rito", dagdag pa nito. "Hindi ko pa rin kasi maiwasang maisip na ako, na sarili niyang ama ang naging sanhi ng kanyang pagkawala", malungkot na sambit ni Lax sa kaibigan na ngayon ay natatawa na dahil sa kadramahan nito. "Hahaha, naku ang Kampyon ng Elvoire Weekly Tournament ay isa pa lang iyakin na Heneral", pangungutya ni Alexander dito. Naginit bigla ang ulo ni Lax dahil sa tinuran ng kaibigan kaya nagkaroon ng malakas na hangin sa paligid. "Relax ka lang, di ka na mabiro", pagsuko nito habang nakataas ang dalawang kamay. Bigla na lang nagtawanan ang mga ito na akala mo'y walang nangyari.
BINABASA MO ANG
BOOK OF PROPHECY (Ongoing)
FantasyI am chosen for a reason, to fight for what is right.