Ito ang ikalawang araw ng aking pagsasanay sa pangangalaga ni Ginoong Laxius. Habang binabaybay ko ang pasilyo patungo sa kabilang bahagi ng templo, kung saan ako nagsanay kahapon, ay isang lalaking elf ang humarang sa aking dinadaanan. Mas matangkad ito sa akin at mas malaki rin ang pangangatawan nito. Napansin ko kaagad ang matatalim na titig nito sa akin na animoy sinasaksak ako. Mayroon itong kasama na tatlo pang elf, dalawang lalaki at isang babae. Napangisi na lang ako dahil para silang mga typical bullies sa dating eskwelahan ko noon.
"Kung ganoon ikaw pala ang bagong Sky Knight Guardian", baling sa akin ng lalaking elf. Siguro ay lider ng grupo nila. Hindi naman ako sumagot at dire-diretso lang na nilampasan ang apat na iyon. Nang bigla na lang hilahin ng lider nila ang damit ko kaya napunta ako sa harapan nilang apat.
Napansin kong madami na ang mga elfnians na nanonood na akala mo'y may sirkus na nagtatanghal. "Kung ganun pipi at duwag pala ang ating Knight Guardian. Tingnan niyo mga Elfnians", pukol nito sa akin habang ang tatlo nitong kasama ay tuwang-tuwa sa nangyayari. "Kung sino ka man, pwede bang itigil mo na ito. Wala kasing patutunguhan kung makikipagaway ako sa tulad mo", kalmadong tugon ko rito. Nakakainis kasi ang ganda ng gising ko tapos haharang itong mukhang sardinas na'to. "Tsaka pwede ba, wala akong panahon sa mga isip batang katulad niyo", singhal ko sa apat na mokong na nasa harap ko. Tila napatda naman ang tatlong mokong dahil hindi kaagad nakasagot. Hindi siguro nila inaasahan na sasagutin ko sila. Nakarinig naman ako ng mga bulong bulungan.
"Mukhang nakakita na ng katapat si Tristan", wika ng isang lalaking elf na may hawak na mahabang kahoy.
"Buti nga sa kanya, masyadong feeling magaling kasi", dagdag naman ng katabi nitong babae na may hawak na pana.
"Kung ganun Tristan pala ang pangalan mo", pukol ko sa lider ng mga mokong na nagpabalik sa diwa nito. "Ako naman si Raven. Ikinagagalak kitang makilala", sarkastikong wika ko rito. Halos namumula na ito sa inis dahil sa kahihiyan.
"I-Ikaw na kutong lupa ka, titirisin kita!", gigil na gigil na sambit nito sa akin. Kaagad nitong inilabas ang kanyang Elvoire na hindi ko naman inaasahan. Ngunit hindi ako magpapatalo sa mukhang sardinas na'to. Anupat naging itinakda ako kung sarili ko ay hindi ko kayang protektahan. Kaagad na humapdi ang aking peklat sa kanang kamay. Hindi ko mawari dahil sa t'wing gagamitin ko ang kapangyarihan ng hangin ay bigla na lang sumasakit ang peklat ko na hugis "Rho". Nagconcentrate ako at ng makaramdam ako ng paglabas ng enerhiya sa aking mga kamay ay unti-unting nabuo sa harap ko ang sampung punyal na gawa sa hangin. Pansin kong hindi naman nagulat ang mokong na sumira sa umaga ko. Bagkus ay ngumisi pa ito at nagpalabas din ng sampung punyal na gawa sa hangin matapos umusal ng isang spell. Lubos ang aking pagtataka kung paano niya nagawa iyon dahil on the spot ko naisip ang istilong ito. Sa sobrang inis ko ay dinagdagan ko pa ang mga punyal na hangin at naging doble ang bilang nito. Hinihingal na ako dahil sa ginawa kong yun. Ngunit nanlaki bigla ang aking mata dahil walang kahirap hirap na naging doble din ng sa aking kalaban. Hindi ko naman ipinahalata ang aking inis rito. Pinanatili kong kalmado ang aking isipan dahil sa oras mawala ako sa konsentrasyon maglalaho din ang mga hanging punyal. Tila nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang aatake. Isa..dalawang segundo wala pa ring umaatake. Ikinumpas ko ang aking palad sa direkyon ni Tristan at mabilis siyang tinunton ng mga punyal. Ngunit ganoon din ang ginawa nito. Ngunit bago pa man magbanggaan ang dalwang pagatake ay nakita ko si Master na na nasa pagitan ng aming pagatake at gumawa ng isang barrier. Ngunit napansin kong hindi basta basta barrier iyon dahil unti-unting naglaho ang mga punyal na tila hinihigop. Bigla ko na lang naramdaman ang isang malakas na aurang nagmumula kay Master. Hindi ko alam pero natatakot ako.
"Ma-master, ip-ipagpaumanhin niyo po ang kaguluhang idinulot ko", hinging paumanhin ko rito. Habang tahimik namang nakatungo ang apat na mokong na akala mo'y aping api.
BINABASA MO ANG
BOOK OF PROPHECY (Ongoing)
FantasyI am chosen for a reason, to fight for what is right.