A/N: Pasensiya na po sa typos ang grammatical errors. Yun langz.
++++++
Nagising ako sa dahil sa isang mabangong amoy ng pagkain na sobrang paborito ko. Mas mabilis pa kay Sonic:The Hedgehog akong napabalikwas sa kama at kaagad na tinungo ang kusina nitong silid. Doo'y naabutan ko si Lola na nagluluto ng paborito kong sinigang. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi karne ng baboy o isda ang pinaka-sahog kundi malalaking sugpo."Oh bata gising ka na pala?", baling ni Tatang Lucio sa akin. "Anong tawag sa mapang nasa mukha mo?", dagdag pa nito. Napaismid naman si Lola ng mapatingin sa mukha ko. Kinapa-kapa ko ang mukha ko at napagtantong may tuyong laway pa pala ako sa mukha. Nawala kasi sa isip ko ang paghihilamos dahil sa amoy ng sinigang. Isang matalim na tingin ang kaagad kong ipinukol kay Tatang Lucio. Minsan talaga naiisip ko na baka may gusto ito sa akin dahil panay ang pang-aasar nito. Bigla naman akong nandiri sa naisip ko. Tinungo ko na lamang ang banyo at mabilis na naghilamos bago pa man ako muling asarin ni tatang. Pagkalabas ko ng banyo ay eksaktong nagsasalok na si Lola ng sinigang na sugpo sa tatlong mangkok.
"Raven kumain ka na dahil may liham para sa iyo si Prinsesa Serina", kaagad na sambit ni Lola. Naghugas muna ako ng kamay, alam niyo yun, galing akong banyo kaya maghuhugas muna ako siyempre para safe sa microbes. Pagkaupong-pagkaupo ko ay kaagad kong nilantakan ang isang mangkok ng sinigang. Sobrang asim nito pero hindi naman nasasapawan ang lasa ng mga sahog. The best talaga ang sinigang ni Lola sa isip isip ko. Busog na busog ako dahil sa dami kong nakain. Ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin.
*****
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko habang binabasa ang nakasulat sa liham.
Itinakda,
Ang iyong pagsasanay sa paggamit ng kapangyarihan ng hangin ay magsisimula ngayon araw. Dapat sa eksaktong 0730H ngayong umaga ay nasa tarangkahan ka na ng mga pegasus. Doon ay may naghihintay sa'yong isang bihasa sa paggamit ng kapangyarihan ng hangin.
P.S.Inaasahan ko na ang bagay na ito dahil pagkatapos ng apat na araw ay may misyon akong dapat tapusin, ang hanapin ang iba pang itinakdang gaya ko. Mabilis akong nagbihis ng damit. Isang asul na sando ang isinuot ko at isang fitted na jogging pants. Lumabas ako ng kwarto at nagpaalam kay Lola at Tatang. Tila hindi naman nagulat ang mga ito sa aking tinuran. Mabilis kung tinungo ang hagdan pababa nitong silid at nakasalubong ang tatlong kawal. "Magandang umaga po sa inyo", bati ko sa tatlong kawal. Hindi ko na inantay na sumagot pa sila at mabilis na lumabas sa palasyo. Sa hindi malamang dahilan ay napakagaan ng pakiramdam ko para akong lumutang sa hangin. Ilang liko pa sa mga pasilyo ay narating ko na ang aking destinasyon at nadatnan ko ang isang pamilyar na pigura habang pinapakain nito ang mga kabayong may pakpak. Nakasuot ito ng isang silver na baluti na katulad ng kay kuya Alexander. Mayroong din itong Elvoire ngunit kulay luntian ito at isang asul na punyal sa kanang hita. Doon ko naalala na ito ang lalaki sa Elvoire Weekly Tournament. If memory serves me right tinawag siya ng mga manonood na Laxius.
"Ginoo", malakas na sambit ko sa lalaki na kasalukuyang nagpapakain ng Pegasus. Napukaw ko naman kaagad ang kanyang atensiyon. Humarap ito sa akin at napagtantong tama nga ang hinala ko. Matatalim na titig ang kanyang ipinukol sa akin na sa wari ko'y sinusiri ako nito mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang itinakda ng Guardian na si Gale?", tanong nito sa akin. Napakalalim ng kanyang boses marahil dahil sa mas malaki ito sa malapitan. Mabilis na gumapang na tila kidlat ang kaba sa aking katawan at nauutal na sumagot. "Y-yes s-sir!", wala sa sariling tugon ko habang stiff na stiff na nakatayo. Hindi ko mawari pero parang naiihi ako na parang nasusuka. Hindi ko maintindihan. Tila napansin yata nito na tensyonado ang buo kong katawan. Lumuhod ito sa aking harapan kaya ngayon ay magkasingtaas na kami. Itinaas nito ang kanang kamay patungo sa akin. Napadasal ako kay Lord na sana mamatay ako ng hindi pinahihirapan habang nakapikit dahil sa takot. Naramdaman ko na lamang na ang malalaki nitong kamay ay ginugulo pala ang buhok ko at mahinang natatawa.
BINABASA MO ANG
BOOK OF PROPHECY (Ongoing)
FantasyI am chosen for a reason, to fight for what is right.